26.9 C
Manila
Linggo, Nobyembre 24, 2024

Organic farming itataguyod ni Bongbong

- Advertisement -
- Advertisement -

Isusulong ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pagbalangkas ng isang comprehensive organic farming framework na magbibigay-daan para maging viable option para sa mga magsasakang Pilipino ang nasabing sektor.

Ayon kay Marcos, mabagal pa din ang pagdagdag ng mga ektaryang ginagamit sa organic farming sa kabila ng pagsabatas mahigit sampung taon nang nakalipas, ng Republic Act No. (RA) 10068 na kilala ring “Organic Agriculture Act of 2010.”

“The law mandates that the government has to promote, propagate, develop further and implement the practice of organic agriculture which will cumulatively condition and enrich the fertility of the soil, reduce pollution and destruction of the environment, and prevent the depletion of natural resources,” giit ng dating senador.

“But the promotion of Organic Agriculture in the Philippines faces many challenges such as policy gaps, lack of production support, promotion and awareness activities; fragmented and inadequate research and development, extension and capability building activities; and poor market systems. Kailangan may clear and comprehensive framework o roadmap para mahikayat ang ating mga farmers at mangingisda na subukan ang organic agriculture. Baka meron ding naging pagkukulang doon sa batas kaya hindi natupad ang hangarin nito,” dagdag pa nito.

Ayon sa datos ng National Organic Agriculture Program (NOAP), na isang attached agency ng Department of Agriculture (DA), mula 2011 to 2017, meron lamang kabuuang 349,041.28 ektaryang organic agriculture na humigit-kumulang na 4.86 porsyento lang ng kabuuang agricultural area na 7,165,815.61 ektarya.

Kabilang sa mga problemang kinaharap ng mga magsasaka na sumubok ng organic farming ang kakulangan ng sapat na supply ng organic inputs o fertilizer; at ang pagiging mas matrabaho nito na nangangailangan ng dagdag na kapital para matustusan.

Ngunit, nakakita ng pag-asa ang presidential aspirant na magkaroon ng katuparan ang pagkakaroon ng roadmap o framework sa paglagda ni Pangulong Duterte ng RA 11511 o ang batas na nag-amyenda sa Organic Agriculture Act of 2010.

Bukod sa iba pa, ang isa sa mga salient point ng bagong batas ay ang pagkilala sa Participatory Guarantee Systems (PGS) bilang credible at affordable way para ma-certify na organic produce ang mga ani. Sa lumang batas, ang mga produktong sertipikado lamang sa ilalim ng Third-Party certification ang maaaring malagay sa kategoryang organic, bagay na nirereklamong nakaka-limita sa mga maliit na magsasakang hindi kayang magbayad para sa isang third-party certification pero gumagamit ng organic farming.

“Organic farming is beneficial because it maintains and improves fertility, soil structure, and biodiversity, and reduces erosion; it also reduces the risks of human, animal, and environmental exposure to toxic materials. But if all farmers abruptly adopt zero use of chemical fertilizer, yields may drop which could put our food supply at risk. That’s why we need to have an effective agriculture program that recognizes the actual conditions of most farmers and supports a movement to shift from chemical-based production,” paliwanag pa ni Marcos.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -