29.2 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Konstruksyon ng PUP- Caloocan City North Campus, sinimulan na

- Advertisement -
- Advertisement -

OPISYAL nang sinimulan ang konstruksyon ng Polytechnic University of the Philippines (PUP)-Caloocan City North Campus matapos ang groundbreaking ceremony na pinangunahan nina Congressman Oca Malapitan at Mayor Along Malapitan kasama si PUP President Manuel Muhi.

Ang campus na matatagpuan sa Rainbow Village, Phase 3, Barangay 168, Deparo, Caloocan, ay magkakaroon ng anim na palapag na gusali na may mga silid-aralan, laboratoryo, opisina, library, at multipurpose hall.

“Tinutukan natin sa Kongreso ang paglalaan ng budget para kaagad masimulan ang pagpapagawa nito sapagkat alam nating malaking bagay para sa mga taga-Caloocan ang pagpapatayo ng PUP bilang karagdagang unibersidad na magbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mababang tuition fee,” pahayag ni Cong. Oca

Pinasalamatan naman nina Mayor Along at Cong. Oca si Senator Sonny Angara na naglaan din ng budget para sa pagpapatayo ng nasabing pamantasan.

Target na matapos ang konstruksyon ng PUP-Caloocan North sa 2025. (JCP PIO Caloocan/PIA-NCRCS)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -