27.2 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

Gatchalian hinikayat ang gobyerno na pabilisin ang transmission facilities para sa offshore wind projects

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na pabilisin ang pagbuo ng transmission facilities para sa offshore wind (OSW) projects para mapataas ang kontribusyon ng renewable energy (RE) sa kabuuang suplay ng enerhiya ng bansa at iposisyon ang bansa na maging kauna-unahang ekonomiya sa Southeast Asia na mayroong  pasilidad ng OSW.

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na pabilisin ang pagbuo ng transmission facilities para sa offshore wind (OSW) projects para mapataas ang kontribusyon ng renewable energy (RE) sa kabuuang suplay ng enerhiya ng bansa. Kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

Ayon kay Gatchalian, ang malalaking kapasidad ng offshore wind projects ay nagbibigay-diin sa pangangailangang pahusayin ang kakayahan ng national grid ng bansa para ma-accommodate ang karagdagang suplay mula sa RE projects.

“Magkakaroon ng mas magandang posisyon ang bansa upang makaakit ng investments sa renewable energy kung may nakalatag na mga transmission facility, lalo na para sa offshore wind project farms,” sabi ni Gatchalian.

Sinusuportahan ng naturang transmission facilities ang isang circular na inilabas ng Department of Energy (DoE) noong nakaraang taon na nag-aalis ng limitasyon sa foreign ownership ng RE facilities sa pag-asang makaakit ng mas maraming pamumuhunan. Ang nasabing circular ay nagbibigay-daan sa mga dayuhang mamamayan at mga dayuhang kompanya  na magkaroon ng majority ownership sa mga proyektong makakatuklas, bubuo, at gagamit ng RE resources gaya ng solar, wind, biomass, ocean, at tidal energy.

“Walang saysay ang pag-alis ng limitasyon sa foreign ownership kung ang national grid ng bansa ay walang mga pasilidad sa paghahatid ng karagdagang output ng enerhiya na nagmumula sa mga pasilidad ng RE na ito,” idiniin niya.

Itinutulak ni Gatchalian ang pagbuo ng mas maraming RE projects sa hangaring makatulong na mapababa ang halaga ng enerhiya sa bansa dahil ang RE plants ay nagbibigay ng pinakamurang generation cost kumpara sa coal-fired at gas-fired power plants. Ang pagpapaunlad ng mga pasilidad ng RE, kabilang ang mga OSW, ay makakatulong din na matiyak ang sapat na enerhiya, sabi ng senador.

Ang departamento ng enerhiya sa ngayon ay nagbigay ng 79 offshore wind service contract na mayroong 61.91 gigawatts (GW) ng kapasidad na naka-install. Ang mga pangunahing lugar na natukoy ay ang Northern Luzon, Northern Mindoro, at Southern Mindoro.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -