27.2 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

Opisyal at fellows ng World Health Organization, bumisita sa Parañaque

- Advertisement -
- Advertisement -

MAINIT na tinanggap ni Mayor Eric Olivarez ang mga opisyal at fellows ng World Health Organization noong Biyernes sa Parañaque City Hall. Sa kanilang pagbisita sa lungsod ng Parañaque, malugod na binati ng punong lungsod ang mga opisyal ng naturang organisasyon na mula sa iba’t ibang bansa tulad ng China, Laos, Malaysia, Vanuatu, Vietnam, at iba pa.

Ang mga opisyal at fellows ng World Health Organization ay nakipagkita noong Biyernes sa Parañaque City Hall.

Ibinahagi ng alkalde ang tungkol sa mga hakbang na isinasagawa ng lokal na pamahalaang sa pagpapatibay ng healthcare system ng lungsod at paghahatid ng kalidad at abot-kayang serbisyong medikal sa mga residente. Kabilang dito ang pagpapaayos ng mga health center sa 16 barangay ng lungsod, mga serbisyong hatid sa Ospital ng Parañaque 1 at Ospital ng Parañaque 2, at iba pang mga programa na isinasakatuparan ng pamahalaang lungsod.

Inihayag din ni Olivarez ang kanyang hangarin na maging matagumpay at produktibo ang kanilang pagbisita sa lungsod ng Parañaque.

Bukod dito, binigyan din ng punong lungsod ang mga opisyales ng coffee table book bilang kanilang souvenir mula sa lokal na pamahalaan.

Kasama rin sa pagtitipon sina City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz at City Health Officer Dr. Olga Virtusio.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -