32.6 C
Manila
Martes, Nobyembre 26, 2024

BRP Davao del Sur, karagdagang floating asset ng Wescom sa WPS

- Advertisement -
- Advertisement -

ITINALAGA ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Palawan ang BRP Davao del Sur (LD 602) bilang karagdagang floating asset ng Western Command (WesCom) sa West Philippine Sea (WPS).

Itinalaga ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Palawan ang BRP Davao del Sur (LD 602) bilang karagdagang floating asset ng Western Command (WESCOM) sa West Philippine Sea (WPS). Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan

Dumating ito sa Puerto Princesa seaport noong Oktubre 6, 2023 mula sa homeport nito sa Subic, Zambalez.

Nabigyan naman ng pagkakataon ang mga miyembro ng Palawan Media sa ilalim ng WesCom Defense Press Corp na mabisita at malibot ang nasabing barko.

Ayon kay LD 602 Commanding Officer Commander Marco DJ Sandalo, isa sa pangunahing layunin ng pagdating ng barko sa Palawan ay upang mapalakas at paigtingin pa ang naval presence ng WesCom sa West Philippine Sea.

“Right now, we are in support of the mission of Western Command in joint operations area. We are now under operation command of WesCom and we are here to intensify our naval presence sa WESCOM joint operations area particularly to maintain ‘yong naval presence natin sa West Philippine Sea,” ang pahayag ni Commander Sandalo sa Palawan Media.

Ani Commander Sandalo, nakapagsagawa na sila ng maritime at sovereignty patrol sa WPS bilang bahagi ng kanilang atas at mandato bago ito tumungo sa Lungsod ng Puerto Princesa.

 

Ang LD602 BRP Davao del Sur ay may kakayahang makapagsagawa ng sealift and amphibious capability bilang suporta sa military and non-military operations ng naval operating forces.

“We can conduct multi-various mission, for example, ‘yong humanitarian and disaster response and sealift capability,” dagdag na pahayag ni Commander Sandalo.

Noong Oktubre 9 ay isinakay na sa nasabing barko ang mga food packs mula sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na dadalhin naman sa bayan ng Culion bilang preposition food packs sa panahon ng kalamidad.

Ang LD602 ay inilunsad noong Setyembre 29, 2016 at nagsimulang magbigay ng serbisyo sa bansa noong Mayo 31, 2017. Mayroon itong 121 tripulante at kaya nitong magsakay ng nasa 500 pasahero maging ng mga sasakyan. Kaya rin nitong maglayag ng hanggang 30 araw.

Isa sa mga makasaysayang aktibidad sa loob ng barko ay ang paglagda ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng proklamasyon na nagdideklara ng bahagi ng Philippine Rise bilang marine protected area. (OCJ/PIA-Mimaropa – Palawan)

 

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -