28.7 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 21, 2024

Ikalawang episode ng talaSalitaan online tatalakay tungkol sa AI

- Advertisement -
- Advertisement -

NGAYONG Oktubre, ihahatid ng Sentro ng Wikang Filipino-Unibersidad ng Pilipinas Diliman (SWF-UPD) at Center for Open and Digital Teaching and Learning ng UP Open University (UPOU-CODTL) ang ikalawang episode ng 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗦𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗼𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲: 𝗧𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼, 𝗔𝗸𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆𝗮, 𝗮𝘁 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻.

Ang Talasalitaan ay regular na talakayan na isinasagawa ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-UPD) na nagtatampok ng iba’t ibang paksa o isyu na may kaugnayan sa wikang Filipino mula sa iba’t ibang disipina. Nagbabanyuhay ito sa anyong online para maipahatid sa nakararami ang mga napapanahong usapin sa wikang Filipino at ang kaugnayan nito sa mga pangyayari sa akademya at bayan.

Para sa ikalawang episode, magbibigay-tuon ang programa sa Artificial intelligence (AI) at ang implikasyon nito sa pagtuturo, pagkatuto, at iba pang usaping pangwika. Ano-ano ang mga oportunidad at hamon na binubuksan ng teknolohiyang ito? Paano ito tinutugunan ng mga akademikong institusyon gaya ng UP?

Magsisilbing mga tagapagsalita sina Dr. Reinald Adrian Pugoy, direktor ng UPOU ICTDO; Dr. Rhandley Cajote, propesor mula sa UPD Kolehiyo ng Inhenyeriya; at Dr. Renier Mendoza, kawaksing propesor mula sa UPD Kolehiyo ng Agham. Tatayong tagapagpadaloy ang kawaksing mananaliksik ng SWF-UPD na si Nalla Avena.

Halina’t makilahok sa isang oras na talakayan tungkol sa wikang Filipino, akademya, at bayan! Mapapanood ito nang live sa 23 Oktubre 2023 (Lunes), 2:00 nh – 3:00 nh sa SWF-UPD platforms <https://www.facebook.com/swfupdiliman> <https://www.youtube.com/@swfupd> at sa UPOU platforms <https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks> <networks.upou.edu.ph/talasalitaan-online>.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -