NAGBIGAY ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng mga biktima ng insidente malapit sa Bajo de Masinloc.
May kabuuang halaga na P95,000 ang ibinigay na tulong ng ahensya.
Ayon kay DSWD Regional Director Venus Rebuldela, tumanggap ng P10,000 na burial assistance ang bawat naulilang pamilya ng tatlong mangingisda na namatay dahil sa insidente.
Tumanggap naman ng tig P5,000 ang pamilya ng 11 survivor.
Bukod pa rito, nagbigay rin ang DSWD ng family food packs sa mga pamilya ng mga biktima. Bawat family food pack ay naglalaman ng mga delata, 3-in-1 na kape, at anim na kilo ng bigas.
Nangangako naman ang DSWD na patuloy na tutulungan at susubaybayan ang mga mangingisda at kanilang mga pamilya. (CLJD/RGP-PIA 3)