27.2 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

Parañague City Public Library muling binuksan sa publiko

- Advertisement -
- Advertisement -

PATULOY ang lokal na pamahalaang lungsod ng Parañaque sa pagbibigay ng prayoridad sa edukasyon matapos na muling buksan sa publiko ang Parañaque City Public Library. Ang naturang seremonya ay ginanap noong Lunes sa Barangay Sto. Niño kung saan pinangunahan ni Mayor Eric Olivarez ang ribbon-cutting ceremony kasama sina Vice Mayor Joan Villafuerte at District 1 Congressman Edwin Olivarez.

Dumalo rin sa programa sina District 1 Councilors Pablo “Paolo” Olivarez 2nd at Toki Baes; District 2 Councilor Tin Esplana; Special Services Office OIC Majel Co; PCPL Head Librarian Cissette Ricardo; at mga stakeholders at partners mula sa pribadong sektor. Sa mensaheng ipinaabot ng punong lungsod, inihayag niya ang pagbati sa pamunuan ng PCPL na kasalukuyang nagdiriwang ng ika-6 na taong anibersaryo.

Binigyan diin din ng alkalde ang kahalagahan ng public library na higit na makakatulong sa pag-aaral ng mga kabataan. Aniya, dito ay malilinang ang kanilang pagbasa at kaalaman sapagkat ito ay isang “depository of knowledge.” Kasalukuyan ay mahigit 700 hanggang 1,000 residente ng lungsod ang nagtutungo sa public library ng lungsod upang mag-research, mag-aral, at magbasa.

Ayon din sa punong lungsod, isa sa kanyang proyekto noong siya ay nanunungkulan bilang congressman ay ang pagpondo para sa pag-relocate at pagpapatayo ng public library sa Barangay Sto. Niño mula sa Barangay La Huerta. Bukod sa public library sa Barangay Sto. Niño, isa rin sa mga proyektong ilalatag ng pamahalaang lungsod ay ang pagpapatayo ng public library sa pangalawang distrito katuwang ang tanggapan ni Congressman Olivarez.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -