27.2 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

Kahulugan ng pagbaba at pag-akyat ng balance of payments

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANO ang balance of payments (BOP)? Ano ang kahulugan ng pagbaba at pag-akyat nito? Bakit malakas pa rin ang balance of payments position ng bansa maski may nangyayaring economic shocks sa buong mundo?

Noong unang anim na buwan ng 2023, nagkaroon ng BOP surplus ang bansa na nagkakahalaga ng $2.26 bilyon mula sa deficit na $3.1 bilyon noong unang anim na buwan ng 2022. Ang ibig sabihin nito ay malusog ang ekonomiya, kaya nating umangkat sa ibang bansa ng kailangang imports maski nagtataasan ang presyo ng mga ito, at kayang bayaran ang interest at principal ng mga panlabas na utang at mga dividends ng foreign investments. Sa gitna ng krisis ekonomiya sa buong daigdig, may kumpiyansa pa rin ang mga namumuhunan at bangko sa ekonomiya ng bansa.

Ang balance of payments ang nagsusubaybay sa daloy ng pondo patungo at paalis sa bansa.  Ito ay nahahati sa dalawang kategorya. Ang una ay ang current account na kung saan nakikita ang mga bayarin at kita para sa exports at imports at mga kita na nire-remit ng mga manggagawa at may-ari ng puhunan.

Ang ikalawa ay ang capital account na sumusubaybay sa galaw ng mga  bayaran ng utang at investment mula at patungo sa iba’t ibang bansa.

Kapag mas marami ang pondong lumalabas kaysa pumapasok, may BOP deficit ang bansa. Kapag mas marami ang pumapasok kaysa lumalabas, may surplus ang bansa. Kapag may surplus, madadagdagan ang gross international reserves (GIR) at pag may deficit, mababawasan ito. Ang reserves ay ang lifeline ng mga bansa. Kapag nawala o bumaba ito sa halaga ng 2-3 buwan na import requirements, ang bansa ay nagkakaroon ng BOP crisis, mababawasan ang halaga ng domestic currency (o piso sa Pilipinas) at tataas ang inflation rate. Babagal ang kalakalan at babagsak ang investments na siyang lumilikha ng trabaho.


Kapag nangyari ang BOP crisis sa isang bansa, kailangang umutang ito sa IMF at iba pang mga multilateral financial institutions (MFIs). Ang utang na ito ang magpapanumbalik sa normal na daloy ng mga pribadong pondo para mapalago ulit ang kalakalan.

Pero bago makautang sa IMF at mga MFIs, may mga kundisyones (conditionalities) na kailangang gawin ng bansa. Ang pagpasok ng inuutang ay depende sa mga kundisyones na masusunod ng bansa.  Ang mga ito ay tungkol sa paghigpit ng sinturon sa gobyerno at pribadong sector. Una, kailangan ang tinatawag na tight fiscal policy—ang paghigpit sa gastusin ng pamahalaan at pagtatalaga ng bagong revenue measures para mapaliit ang depisit ng gobyerno. Ang ikalawa ay ang tight monetary policy na kung saan, binabawasan ng Bangko Sentral ang isyu ng pera,  pinapataas ang interest rate nang higit sa inflation rate para manatili ang mga pondo dito sa ekonomiyang local. Kung hindi ito gagawin, magtutuloy ang capital flight at walang maiiwang puhunan sa local na ekonomiya.

Ang malakas na BOP position ng bansa sa 2023 ay bunsod ng pagbaba ng imports nang higit sa exports, ang patuloy na pag-akyat ng remittances ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa labas ng bansa o secondary income, ang malagong paglaki ng mga kita ng mga panlabas na investments ng mga Pilipino o primary income, at ang patuloy na pagdaloy ng foreign investments at foreign loans sa Pilipinas.

Una, mataas ang paglago ng exports kumpara sa imports. Lumago ang exports nang 6.9% kumpara sa 0.9 porsiyento ng imports. Maski humina ang exports of goods na bumaba ng 5.4 porsiyento dahil sa paghina ng pandaigdigang merkado, lumago naman ang exports of services nang 22.2 porsiyento.  Kabilang dito ang kita ng turismo at mga IT-enabled services na gaya ng call centers at business process outsourcing companies (BPOs).

- Advertisement -

Ikalawa, patuloy ang paglago ng overseas remittances na siyang nagpapalago ng secondary income. Lumago ito nang 1.3 porsiyento, sa $14.6 bilyon hanggang mula $14.4 bilyon.

Ganoon din ang paglago ng primary income receipts na kung saan kasama ang kita galing sa ibang bansa ng mga foreign investments ng mga Pilipino. Lumago ito sa $7.7 bilyon mula $5.8 bilyon.

Ikaapat, malakas pa rin ang hatak ng bansa sa mga investment placements at loan packages ng mga dayuhang kumpanya at bangko. Ang net inflows ng capital account at other flows ay $10.5 bilyon.  Sa report ng BSP, bumagsak ang foreign direct investments ng 20.8 porsiyento sa $3.4 bilyon noong unang limang buwan ng 2023 pero pataas pa rin ang investment pledges ng mga dayuhang kumpanya, lalo na sa mga bibigyan ng fiscal incentives. Tumaas ito nang  275 porsiyento sa P797.8 bilyon noong unang anim na buwan ng 2023. Ang mga pledges na ito ay inaasahang papasok sa susunod na taon.

Sa huling araw ng Hulyo 2023, tumaas ang GIR sa $99.8 bilyon mula $96.2 bilyon noong huling araw ng 2022. Ang halaga nito ay kasya sa 7.4 buwan na imports ng goods at services, mas mataas kaysa minimum standard na 2-3 buwan.

Ang malakas na BOP position ay isa sa mga dahilan kung bakit maganda pa rin ang macroeconomic fundamentals at mataas pa rin ang credit rating ng bansa.  Maski humina ang ating GDP growth rate, kaakit-akit  pa rin ang Pilipinas na lokasyon ng negosyo.

 

Table 1. OVERALL BALANCE OF PAYMENTS ACCOUNT Growth (%)
  2022 2023
   January-June
OVERALL BALANCE (US$M) – 3,100     2,260
OVERALL BALANCE (% OF GDP) -1.56% 1.08%
I. CURRENT ACCOUNT
CURRENT ACCOUNT BALANCE (US$M) –      12,120 –        8,213 -32.2%
CURRENT ACCOUNT BALANCE (% OF GDP) -6.12% -3.93%
    EXPORTS        66,669        71,297 6.9%
    IMPORTS        78,789        79,510 0.9%
 
  A. TRADE IN GOODS & SERVICES BALANCE
TRADE IN GOODS & SERVICES BALANCE, US$M –      28,919 –      24,539 -15.1%
     % OF GDP -14.60% -11.73%
TRADE IN GOODS, BALANCE (US$M) –      35,095 –      33,223 -5.3%
TRADE IN GOODS, BALANCE (% of GDP) -17.71% -15.88%
     EXPORTS        28,080        26,575 -5.4%
     IMPORTS        63,175        59,798 -5.3%
TRADE IN SERVICES BALANCE (US$M)          6,176          8,684
TRADE IN SERVICES, BALANCE (% of GDP) 3.12% 4.15% 40.6%
     EXPORTS        17,874        21,846 22.2%
     IMPORTS        11,698        13,162 12.5%
 
   B. INCOME BALANCE
TOTAL INCOME        16,800        16,324  

- Advertisement -

-2.8%

PRIMARY INCOME, BALANCE (US$M)          2,368           1,698  

-28.3%

PRIMARY INCOME, BALANCE (% of GDP) 1.20% 0.81%
    RECEIPTS          5,875          7,713  

31.3%

    PAYMENTS          3,507          6,015 71.5%
SECONDARY INCOME BALANCE (US$M)        14,432        14,626 1.3%
SECONDARY INCOME, BALANCE (% of GDP) 7.28% 6.99%
    RECEIPTS        14,840        15,162 2.2%
    PAYMENTS 408 536 31.4%
II. CAPITAL ACCOUNT & OTHERS (NET FLOWS)           9,020          10,473  

16.1%

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -