SA ika-123 anibersaryo ng Civil Service Commission ngayong Setyembre, kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dedikasyon ng 1.8 milyong manggagawa ng pamahalaan.
Sinabi ng Pangulo na hindi lamang ipinagdiriwang ang anibersaryo ng CSC kundi pinapurihan din ang dedikasyon ng lahat ng nagsisilbi sa gobyerno.
“Today, we not only commemorate the anniversary of the Civil Service Commission, but also honor the dedication and commitment of all individuals who serve in the government,” sabi ng Pangulo.
Ipinaabot ng Presidente ang kanyang pasasalamat sa lahat ng lingkod bayan na walang kapagurang nagtatrabaho para maihatid ang de-kalidad na serbisyo sa mga Pilipino sa kabila ng mga hindi matawarang hamon na pinagdaanan sa bawat trabaho.
Hinimok din ng Pangulo ang lahat ng kawani ng gobyerno na mas lalo pang magsikap para sa mas magandang kinabukasan ng bansa.