31.2 C
Manila
Lunes, Nobyembre 25, 2024

Pagtaas sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa mga pribadong establisimyento, inaprubahan ng Central Visayas Wage Board 

- Advertisement -
- Advertisement -

INILABAS ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Central Visayas ang Wage Order No. ROVII-24 noong 05 Setyembre 5, 2023 na nagtatakda ng pagtaas ng PhP33.00 sa arawang minimum na sahod sa mga lugar na nasa Class A hanggang C mula P420.00 hanggang P468.00, para sa mga non-agriculture establishment at P415.00 hanggang P458.00 para sa mga agriculture at non-agriculture establishment na may bilang na 10 pababa ng mga manggagawa.

Geographical Area Non-Agriculture Establishments Agriculture and Non-Agriculture Establishments with Less Than 10 Workers
CLASS A P468.00 P458.00
CLASS B P430.00 P425.00
CLASS C P420.00 P415.00

 

Alinsunod sa mga umiiral na batas at patakaran, isinumite ang wage order sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) na pinagtibay noong Setyembre 12, 2023. Ilalathala ang wage order sa Setyembre 15, 2023 at magiging epektibo ito matapos ang 15 araw o sa Oktubre 1, 2023.

Isinaalang-alang sa pagtaas ng minimum na sahod ang iba’t ibang pamantayan sa pagtukoy sa sahod na itinakda sa ilalim ng Republic Act No. 6727 o ang Wage Rationalization Act, na resulta ng ilang petisyon na inihain ng iba’t ibang grupo ng mga manggagawa na humihiling ng pagtaas sa arawang minimum na sahod dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Ang Board, na binubuo ng mga kinatawan mula sa sektor ng pamahalaan, mamumuhunan at manggagawa, ay nagsagawa ng mga pampublikong pagdinig noong Hulyo 10 sa Northern Cebu, Hulyo 26 sa Metro Cebu, Agosto 1 sa Southern Cebu, Agosto 10 sa Bohol, at Agosto 11 sa Dumaguete, at wage deliberation naman noong Agosto 29, Setyembre 2, at Setyembre 5, 2023.

Ang bagong rate ay nangangahulugan ng 7.6%-8.6% na pagtaas mula sa umiiral na arawang minimum na sahod sa rehiyon at ang resulta ay maihahambing sa 23% na pagtaas sa mga benepisyong nauugnay sa sahod na sumasaklaw sa 13th-month pay, service incentive leave (SIL), at social security benefit tulad ng SSS, PhilHealth at Pag-IBIG.

Inaasahan na direktang makikinabang sa wage order ang 346,946 na minimum wage earner sa Region VII. Humigit-kumulang 399,572 full-time na mga wage at salary worker na kumikita ng higit sa minimum na sahod ang maaari ding makinabang bilang resulta ng upward adjustment sa antas ng negosyo na nagmumula sa pagwawasto ng wage distortion.

Tulad ng anumang wage order, at ng itinatakda sa NWPC Omnibus Rules on Minimum Wage Determination, maaaring mag-aplay sa RTWPB ng exemption sa dagdag na sahod ang mga establismyento sa retail at service na regular na gumagamit nang hindi hihigit sa sampung (10) manggagawa, at mga negosyong apektado ng natural na kalamidad o sakuna. Alinsunod sa Republic Act No. 9178 (2002), hindi sakop ang mga Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) ng batas sa minimum na pasahod.

Magsasagawa ang RTWPB-VII ng information campaign upang tiyakin na ipinatutupad ang pagtaas ng sahod at magbibigay ng tulong sa mga negosyo para sa pagwawasto ng wage distortion. Para naman sa aplikasyon ng exemption at karagdagang paglilinaw sa wage order, maaaring makipag-ugnayan sa RTWPB sa pamamagitan ng email address nito na [email protected].

Inilabas ang huling wage order para sa mga manggagawa sa pribadong establisimyento sa rehiyon noong  Mayo 24, 2022 at nagkabisa noong  Hunyo 14, 2022.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -