26.5 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

CONVERGENCE TUNGO SA  KAPAYAPAAN, SEGURIDAD, AT SOCIO-ECONOMIC DEVELOPMENT

- Advertisement -
- Advertisement -

 

Bilang itinalagang Cabinet Officer for Regional Development and Security (Cords) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Region 5,  nakibahagi si DoLE Secretary Bievenido Laguesma sa ginanap na 3rd Quarter Regional Development Council (RDC) noong ika-6 ng Setyembre  sa Covered Court ng Camarines Norte State College. Pinagtibay ng Kalihim ang kanyang pangako na gampananan ang tungkulin bilang Cords, kung saan binigayn diin nito  ang whole-of-nation approach sa pagpapalakas ng convergence, partikular ang pagpapatupad ng socio-economic development program upang  tugunan ang isyu ng insurgency, kapayapaan at kaayusan, at iba pang mga usapin na may kinalaman sa kahirapan, lalo’t higit sa mga malalayong barangay sa rehiyon.  Ayon kay Laguesma, tutulong siya sa pagpapabatid ng mga alalahanin at persepsyon ng rehiyon sa Gabinete, kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan. Uupo rin umano siya sa Regional Peace and Order Council (RPOC), ELCAC, at RDC upang magbigay ng gabay hinggil sa seguridad at kapayapaan para sa pag-unlad ng ekonomiya ng rehiyon. Kasama ni DOLE Secretary sa pagpupulong ng RDC sina Undersecretary Benjo Santos Benavidez, Assistant Secretary Lennard Constantine Serrano, at DoLE Bicol RD Ma. Zenaida Angara-Campita. (Larawan mula sa DOLE Bicol)

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -