27.7 C
Manila
Lunes, Nobyembre 25, 2024

Tagumpay ng 43rd Asean Summit para sa Pilipinas iniulat ni PBBM

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAGUMPAY ang ginanap na 43rd Asean Summit noong Setyembre 1-7, 2023, ayon sa mga ulat subalit direktang makatutulong ba ito sa ekonomiya ng Pilipinas? Bakit kailangan nating lumahok dito?

Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa closing ceremony ng 43rd ASEAN Summit and Related Summits sa Indonesia kung saan inilipat din sa Lao People’s Democratic Republic ang Asean Chairmanship. Ang pagdalo ng Pangulo ay patunay sa kanyang layuning palakasin ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Aseam at sa mga partner nito para sa kooperasyon at seguridad sa rehiyon.

Ang Asean o Association of Southeast Asian Nations (Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya) ay isang kapisanang pangheopolitika, pang-ekonomiya, at pang-kultura ng Timog-Silangang Asya.

Ang Asean ay itinatag noong ika-8 ng Agosto 1967 at binuo Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singaore at Thailand. Kalaunan, sumapi dito ang Brunei (Enero 7, 1984),Vietnam (Hulyo 28,1995), Laos(Hulyo 23, 1997), Myanmar(Hulyo  23, 1997) at Cambodia  (Abril 30,1999) at East Timor (May 2023).

Ang mga bansang-kasapi ng Asean at nakapagpatibay ng mga pangunahing prinsipyo para sa kanilang mga ugnayan ng mga bawat isa, na nabibilang sa Kasunduan ng Pagkakaibigan at Pakikiisa sa Timog-Silangang Asya:

  • Paggalang sa magkabiláng-panig ukol sa kalayaan, kapangyarihan, kapantayan, katatagang panteritoryo, at pambansang pagkakakilanlan ng lahat ng mga bansa;
  • Karapatan ng bawat estado na mamahala ang kanilang pambansang pamamalagi na maging malaya sa kaguluhang panlabas, lihim na pagbabagsak o pamimilit
  • Walang mangyayaring kaguluhan sa ugnayang panloob ng isa’t isa
  • Pagsasaayos ng mga kakulangan o pagtatalo sa pamamagitan ng mapayapang paraan
  • Pagtatakwil sa mga banta o paggamit ng puwersa; at
  • Mabisang pakikiisa sa pagitan ng mga bansang-kasapi.
  • Ulat ng Pangulo

    Sa nakaraang Summit, masayang iniulat Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang mabungang resulta ng kanyang pakikilahok sa 43rd Asean Summit at Related Summits sa Jakarta, Indonesia, kung saan isinulong niya ang interes ng bansa sa regional gathering.


    Sa isang press statement, sinabi ng Pangulo na lumahok siya sa 12 Leaders’-Level Meetings, kabilang ang Australia, Canada, China, India, Japan, Republic of Korea, United States, at United Nations.

    “In these meetings, I promoted and highlighted key interests in Asean, such as food and energy security, migrant workers protection, climate change, and digital transformation, issues that are of strategic importance to the Philippines,” (“Sa mga pagpupulong na ito, itinaguyod at itinampok ko ang mga pangunahing interes sa Asean, tulad ng seguridad sa pagkain at enerhiya, proteksyon ng mga migranteng manggagawa, pagbabago ng klima, at pagbabagong digital, mga isyung may estratehikong kahalagahan sa Pilipinas,”) ayon sa Pangulo.

    Dagdag pa niya, “Fellow Asean Member States and some external partners highlighted the importance of a rules-based international order. They also maintain that Asean is a competitive and integrated regional economy, underpinned by the principle of Centrality.” (“Binigyang diin ng mga kapwa Asean Member States at ilang mga panlabas na kasosyo ang kahalagahan ng isang internasyonal na kaayusan na nakabatay sa mga patakaran. Pinaninindigan din nila na ang Asean ay isang mapagkumpitensya at pinagsama-samang rehiyonal na ekonomiya, na pinagbabatayan ng prinsipyo ng Sentralidad.”)

    Asean Plus Three Summit

    - Advertisement -

    Nakiisa rin ang Pangulo sa Asean Plus Three Summit kasama ang mga Asean Member States, China, Japan, at Republic of Korea, sa pagtalakay sa mga larangan ng pagtutulungan tulad ng food security, climate change, at digital economy, at iba pa.

    Sa East Asia Summit na dinaluhan ni Marcos, tinalakay ang malawak na isyung estratehiko, pampulitika at pang-ekonomiya na magkakaparehong interes at alalahanin. “We discussed regional and international issues, during which I emphasized the importance of a rules-based international order, especially in the disputes in the South China Sea, inasmuch as they affect not only our nation but also the entire region,” (“Tinalakay namin ang mga isyu sa rehiyon at internasyonal, kung saan binigyang-diin ko ang kahalagahan ng isang nakabatay sa mga patakaran na internasyonal na kaayusan, lalo na sa mga pagtatalo sa South China Sea, dahil nakakaapekto ito hindi lamang sa ating bansa kundi pati na rin sa buong rehiyon,” aniya.

    Dagdag pa niya, “I reaffirmed that the Philippines is committed to the peaceful resolution of disputes and called on all countries to continue upholding freedom of navigation and overflight in the South China Sea in accordance with international law, including the 1982 UNCLOS.” (“Muli kong pinagtibay na ang Pilipinas ay nakatuon sa mapayapang paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan at nanawagan sa lahat ng mga bansa na patuloy na itaguyod ang kalayaan sa paglalayag at overflight sa South China Sea alinsunod sa internasyonal na batas, kabilang ang 1982 UNCLOS.”)

    Tinalakay din ang iba pang makabuluhang panrehiyon at pandaigdigang isyu kabilang ang sitwasyon sa Myanmar, ang denuclearization ng Korean Peninsula, at ang tunggalian sa Ukraine.

    Sa sideline ng summit, nagsagawa ang Pangulo ng impormal na pakikipag-usap kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida at US Vice President Kamala Harris sa pagpapalakas ng kooperasyon sa mga pangunahing larangan na may p arehong interes.

    Nagkaroon din si Pangulong Marcos ng mga bilateral na pagpupulong sa mga pinuno ng Cambodia, Canada, Cook Islands, India, Republic of Korea, at Vietnam, gayundin sa Pangulo ng World Bank Group (WB) kung saan nagkaroon sila ng matatag at tapat na produktibong mga talakayan.

    - Advertisement -

    Pag-uusap tungkol sa ekonomiya

    Sa usaping ng ekonomiya, iniulat ng Pangulo ang pagsaksi sa paglagda ng Philippines-Republic of Korea Free Trade Agreement (FTA), na nagpapakita ng iisang pangako ng dalawang bansa sa kanilang parehong paglago at pag-unlad.

    “The FTA will strengthen our bilateral trade and investment relations with the Republic of Korea, especially as it generates jobs and contributes to the Philippines’ value proposition as an ideal regional hub for smart and sustainable investments,” (“Patitibayin ng FTA ang ating bilateral na relasyon sa kalakalan at pamumuhunan sa Republika ng Korea, lalo na kung ito ay bumubuo ng mga trabaho at nag-aambag sa value proposition ng Pilipinas bilang isang perpektong rehiyonal na hub para sa matalino at napapanatiling pamumuhunan,”) sabi niya.

    Sa sideline din ng Summit, nakipagpulong si Marcos sa mga nangungunang executive ng mga piling kompanya ng Indonesia na gustong palawakin ang kanilang presensya sa Pilipinas , at sinabing uuwi siya na may dalang $22 milyong investment commitments sa mga lugar na mahalaga para sa mga pagsisikap sa pagbawi ng ekonomiya tulad ng agrikultura at digital na ekonomiya.

    Masaya ding ibinalita ng Pangulo na ang Pilipinas ang host ng Asean 2026 sa halip na 2027.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -