26.5 C
Manila
Linggo, Disyembre 22, 2024

Kakukalangan sa mga guro ipasusuri ni Gatchalian sa pagtalakay ng 2024 national budget

- Advertisement -
- Advertisement -

SA pagtalakay ng panukalang budget ng Department of Education (DepEd) sa taong 2024, ipasusuri ni Senador Win Gatchalian ang nagpapatuloy na mga isyu sa pag-hire ng mga guro.

Matatandaang ilang beses nang hinimok ni Gatchalian ang DepEd na pabilisin ang proseso sa pag-hire ng mga guro. Batay sa datos mula sa Department of Budget and Management (DBM) nitong Pebrero 17, 2023, lumalabas na may 24,254 na unfilled teaching positions o kulang na mga guro, katumbas ng 3 porsyento ng 879,789 teaching positions sa DepEd. Karamihan sa mga hindi napupunang posisyon ay mga entry-level positions tulad ng Teacher I, Special Science Teacher I, Special Education Teacher I, at Master Teacher I.

Ayon sa DepEd, madalas inaabot ng anim na buwan ang proseso ng hiring kasama ang Civil Service Commission (CSC) at ang DBM.

Iniulat din kamakailan ng Commission on Audit (CoA) na bagama’t umabot sa 95 porsyento ng kabuuang P658.5 bilyon total adjustment allotments ng 2022 national budget ang nagastos ng DepEd, may hindi pa nagagamit na 32.6 bilyon ang ahensya. Hindi nagalaw ang pondong ito dahil sa mga hindi napupunang teaching positions, pati na rin ang mga delayed, partial, at hindi naipapatupad na mga programa, aktibidad, at proyekto ng ahensya.

Sa isang pagdinig, pinuna rin ni Gatchalian ang bilang ng mga paaralan na walang sapat na mga guro para sa School Year (SY) 2022-2023 batay sa datos ng DepEd at Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028. Sa 39,186 na mga paaralan para sa Kindergarten hanggang Grade 6, 9 porsyento (3,505) ang may kakulangan sa guro. Dalawampu’t apat na porsyento (2,412) sa 10,188 junior high schools, at 34 porsyento (2,522) sa 7,520 senior high schools ang may kakulangan sa guro.

“Hindi katanggap-tanggap na may mga silid-aralan tayong kulang sa mga guro, lalo na’t may available position naman at pondo para sa mga gurong ito. Kailangan nating ayusin ang proseso at sa nalalapit na budget hearing, aalamin natin kung ano nang mga reporma ang kanilang ginawa,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education.

 

Caption

Sinabi ni Senador Win Gatchalian na ipapaalala niya ang paulit-ulit na isyu ng tungkol sa pag-hire ng mga guro bago ang Senate deliberations ng iminungkahing  2024 budget ng Department of Education (DepEd). Kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -