25.7 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Learning recovery at suporta sa guro pinatututukan ni Gatchalian sa pagbubukas ng klase

- Advertisement -
- Advertisement -

SA gitna ng pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan ngayong Academic Year (AY) 2023-2024, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tutukan ang patuloy na learning recovery at paghahanda sa pagpapatupad ng K to 10 Matatag curriculum sa 2024.

Hinimok ni  Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tutukan ang patuloy na learning recovery at paghahanda sa pagpapatupad ng K to 10 Matatag curriculum sa 2024. Kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

Pinasalamatan naman ng chairman ng Senate Committee on Basic Education ang DepEd at mga guro para sa pagbabalik-normal ng sektor ng edukasyon.

Ngunit para kay Gatchalian, kailangan pa ring tutukan ang learning poverty at patatagin ang mga fundamental skills tulad ng literacy at numeracy. Tinataya ng World Bank na umabot na sa 90.9 porsyento noong Hunyo 2022 ang learning poverty sa bansa. Bagama’t nagpatupad na ang DepEd ng mga programa tulad ng National Learning Camp, iginiit ni Gatchalian na kailangang bigyang prayoridad ang mga nahihirapang mga estudyante sa pag-aaral.

Sa ilalim ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act (Senate Bill No.1604), ipinapanukala ni Gatchalian ang pagbuo at pagpapatupad ng national learning recovery program upang matugunan ang pinsalang dulot ng pandemya ng Covid-19, kabilang ang learning loss. Kasama sa mga target ng programa ang mga learners na hindi naabot ang minimum proficiency levels sa Language, Mathematics, at Science.

Binigyang diin din ng senador ang kahalagahan ng paghahanda para sa rollout ng revised K to 10 Matatag curriculum. Inaasahang magsisimula ang rollout nito sa AY 2024-2025 para sa Grade 1, Grade 4, at 7 kasunod ng ibang grade level sa mga susunod na school year hanggang 2028.

Para sa school year na ito, magsasagawa ng pilot implementation ng Matatag K to 10 curriculum sa mga piling paaralan. Para kay Gatchalian, dapat pormal na pag-aralan ang pilot implementation upang lalo pang maayos ang curriculum. Binigyang diin din ni Gatchalian na dapat gawing angkop ang pagsasanay at edukasyon ng mga guro sa Matatag curriculum.

“Nakasalalay sa ating mga guro ang tagumpay at epektibong pagpapatupad ng Matatag curriculum. Dapat nating tiyakin ang kanilang kahandaan sa pamamagitan ng mga dekalidad na pagsasanay,” ani Gatchalian.

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -