25.4 C
Manila
Martes, Disyembre 31, 2024

Kahalagahan ng 2016 arbitral award at solusyon sa sigalot

Ikatlo at huling bahagi ng artikulong Agawan sa teritoryo sa South China Sea, paano mareresolba?

- Advertisement -
- Advertisement -

NOONG Enero 22, 2013, nagsampa ang pamahalaan ng Pilipinas ng kaso para sa arbitral proceedings laban sa Tsina base sa Annex 7 ng UNCLOS.

Apatnapu’t walong barkong pangisda ng China ang dumagsa sa Iroquois Reef sa West Philippine Sea, na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas, ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Hulyo 7, 2023. TMT FILE PHOTO

Kinuwesyon ng Pilipinas sa nasabing arbitration ang isyu tungkol sa historic rights at ang pinagmumulan ng maritime entitlements sa South China Sea, ang estado ng mga maritime features doon at ang legalidad ng aksyon ng Tsina sa pinag-aagawang teritoryo, na ayon dito ay paglabag sa Convention.

At noong Hulyo 12, 2016, naglabas ng desisyon ang arbitral tribunal na pumapabor sa Pilipinas at nagsasabing ilegal ang nine-dash line, ang land reclamations at iba pang aktibidad ng Tsina sa katubigang sakop ng Pilipinas.

Hindi tinanggap ng Tsina ang desisyon at gumawa pa ng mga hakbang na nagpapalala pa sa sitwasyon.

Para sa akademiko at komentaristang si Richard Heydarian, importante ang ruling hindi lamang sa Pilipinas kundi para sa iba pang claimants sa South China Sea dahil nagbigay ito na leverage sa kanila patungkol sa kanilang mga claim.

Ayon kay Heydarian, nagpapasalamat ang mga karatig-bansa ng Pilipinas na nagkaroon ng ganoong ruling, partikular ang mga bansang sumusunod sa UNCLOS at sa international law.

“Hindi po totoo na walang saysay iyong arbitration award natin – this is the biggest lie. Since lumabas iyong arbitration award hindi na ginagamit ng China iyong nine-dash line claim. So actually, it worked in a sense that China is not using 9-dash line,” sabi niya sa isang news forum.

“So, hindi po totoo na hindi gumana iyong arbitration award – it gave us a leverage. Ang totoo naman is hindi natin na-maximize itong leverage na iyan and for me in fairness naman kay President Marcos, I think he recently mentioned that we are talking to our Vietnamese friends into potentially do what Indonesia and Vietnam is doing which is maritime border delimitation based on prevailing international law.”

Dahil sa ruling, nagkaroon ng legal basis ang Amerika at iba pang non-claimant countries na magsagawa ng freedom of navigation operations kahit hindi sila pumapasok sa loob ng 12 nautical miles ng mga artipisyal ng isla na ginawa ng Tsina.

Solusyon sa sigalot

Dahil sa posibilidad ng pagsiklab ng gulo, napagkasunduan ng mga bansa sa Asean na isulong ang diplomatic efforts at noong 1992, nag-issue ang Asean ng declaration on the South China Sea o ang 1992 Declaration.

Sa nasabing deklarasyon, nag-commit ang lahat ng miyembro, lahat ng may claim na pairalin ang prinsipyo ng self-restraint kung saan iiwasan nila ang aksiyon na magpapalala sa sitwasyon at pangalawa ay ang commitment para sa makayapang paraan ng pagresolba sa isyu.

At dahil hindi nakalikha ng binding treaty, napagkasunduan ang pagkakaroon ng Declaration of Conduct o ang 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) sa pagitan ng Asean at Tsina.

Nakalagay sa DOC ang self-restraint, ang mapayapang paraan ng pagresolba sa sigalot, maritime cooperation, at ang kahalagahan ng prinsipyo ng paghinto ng pagtatayo ng mga bagong istruktura.

Sa ngayon biglang umusad ulit ang commitment sa DOC na nagsabing dapat makalikha ng legally binding COC. Bilang panimula, nakapagpasunduan ang pagkakaroon ng papel o dokumentong magiging basehan ng usapan.

Noong 2017 lumabas ang Single Draft Negotiating Test (SDNT) o kahalintulad ng isang wish list na ginawa ng Singapore bilang chair.

“Basically, hiningi sa lahat ng miyembro ‘ano ba ang gusto ninyong makita diyan sa potential na code of conduct na ini-negotiate natin.’ So, lahat daming mga suggestion, walang negotiation basta tanggap lang suggestion ang ginawa. So, siyempre nagkaroon ka ngayon ng pag-uusapan and since that time iyon na ang pinag-uusapan, iyon iyong basehan ng usapan,” sabi ni Batongbagal patungkol sa wish list.

“Napakabagal na proseso iyon kasi labing-isang bansa iyan, labing-isang partido ang nagni-negotiate. Kaya ngayon iyong mga anunsiyo ay matagal naunsiyami pa noong pandemic pero nagkakaroon ng progress in the sense na unti-unti nagkakaroon ng ilang agreement, nagkakaroon ng disagreement pero unti-unti pinag-uusapan pa rin nila iyong dokumento.”

Pero para naman kay Heydarian, malinaw na pinapaikot lamang ng Tsina ang Asean dahil habang nakikipag-usap ay panay naman ang tayo nito mga mga bagong istruktura sa South China Sea.

Sabi niya, hindi puwedeng mag-negotiate ng code of conduct habang iniiba ng isang partido iyong facts on the ground sa pamamagitan ng geoengineering. Dapat i-freeze ang reclamation, agresibong military activities at resolbahin ang isyu ng maritime militia ng Tsina na malaking problema sa ngayon para sa Pilipinas.

“So, for me mas dapat iyon ang priority ng Asean ngayon – i-freeze muna natin iyong situation bago natin pag-usapan dahil parang ang China po ay gumagawa ng mga siyudad in two to three years, gumagawa ng mga railway and all two to three years pero 20 taon na quarter of century na hindi pa rin matapos iyong papel na iyan,” pahayag ni Heydarian.

“We know what’s going on here. So, let’s call spade a spade. I also agree with… it doesn’t mean na we have to give up on the process; we should use the process to expose iyong kalokohan na iyon which is talk and take, talk and take.”

Dapat ding mag-ingat ang Asean sa pagkakaroon ng isang COC kasama ang Tsina na aniya ay dapat katanggap-tanggap din maging sa mga non-claimant countries kagaya ng Amerika.

Nagpahayag din si Heydarian ng ang hinaharap ng ay hindi Asean-multilateralism, kundi Asean-minilateralism.

“Work on an ad hoc, specific, goal-oriented, results-oriented basis with Malaysia, with Vietnam and potential also with Singapore, Indonesia. Iyong lang we can get something out of China because China will care if Vietnam, Philippines, Malaysia work together because we can make a difference,” suhestiyon niya.

Editor: Basahin ang kaugnay na artikulo na Matuto sa Kasaysayan ni Mauro Gia Samonte

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -