25.4 C
Manila
Martes, Disyembre 31, 2024

Bakit bumagsak ang daloy ng trade in goods ng bansa noong unang kalahati ng 2023?

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

PAGKATAPOS ng pagbalikwas mula sa kadilimang dulot ng pandemya at pagsimula ng economic recovery noong 2022, sinalubong ng mundo ang mga daluyong ng 2023.

Una, sinalakay ng Russia ang Ukraine noong 2022 at nagambala ang dating value chains na siyang nagpapabilis ng daloy ng trade flows mula sa pinakamaking breadbasket ng mundo. Isa sa mga pinakamalaking prodyuser at exporter ng pagkain ang Ukraine.  Noong 2019, nag-export siya ng halos $30 bilyon na wheat, barley, corn, sunflower oil at rapeseed. Malaking prodyuser at exporter din ang Russia ng crude oil, gas at fertilizers. Ang kabawasan ng suplay ng pagkain, krudo at abono sa pandaigdigang palengke and nagdulot ng pag-angat ng presyo.

TABLE 1. TRADE STATISTICS, PHILIPPINES

BALANCE OF TRADE, US$ Million 2020 2021 2022   2023
  January-December (24,577) (42,192) (58,244) (61,363)  Proj
   January-June (11,374) (17,937) (29,841) (27,955)
   June (1,424) (3,329) (5,877) (3,918)
      % Growth -44.3% 57.7% 66.4% -6.3%
BALANCE OF TRADE, % of GDP
  January-December -6.8% -10.7% -14.4% -14.2% Proj
   January-June -13.4% -18.9% -30.1% -26.7%
   June -2.5% -5.3% -8.9% -5.6%
TOTAL TRADE, US$ Million
  January-December 155,046 191,578 216,199 224,057  Proj
   January-June 70,786 89,922 106,914 97,837
   June 12,487 16,485 19,166 17,318
     % Growth -15.1% 23.6% 18.9% -8.5%
MERCHANDISE EXPORTS, US$ Million
  January-December 65,235 74,693 78,978 81,347  Proj
   January-June 29,706 35,993 38,536 34,941
   June 5,532 6,578 6,644 6,700
     % Growth -8.0% 14.5% 5.7% -9.3%
   ELECTRONICS  2/ 37,966 42,496 45,559 19,308 H1
     % Growth -5.1% 11.9% 7.2% -8.7% H1
  MACHINERY & TRANSPORT EQUIPMENT2/ 10,993 6,366 8,228  

1,222.6

H1
     % Growth -31.5% 12.4% 15.9% 16.6% H1
   FRUITS & VEGETABLES 2,500 2,226 2,200 1,133 H1
     % Growth -7.6% 13.7% 30.1% -0.7% H1
   COPPER METAL 1,435 2,081 1,897 936.5 H1
     % Growth 14.5% 45.0% -8.8% -20.6% H1
  CHEMICALS 1,335 1,936 1,889 789 H1
     % Growth -11.4% 45.1% -2.5% -24.7% H1
   GARMENTS & APPAREL 650 742 817 336 H1
      % Growth -24.2% 25.8% 21.6% -18.5% H1
MERCHANDISE IMPORTS, US$ Million  3/
  January-December 89,812 116,885 137,221 142,710  Proj
   January-June 41,080 53,930 68,377 62,896
   June 6,956 9,907 12,522 10,618
     % Growth -19.5% 30.1% 17.4% -8.0%
    % Growth (in PHP) -22.9% 29.2% 29.9% -2.4%
    POWER-GENERATING & INFORMATION TECHNOLOGY MACHINERY 9,966.8 11,966 11,276 5,150 H1
     % Growth -20.6% 20.1% -5.8% -8.6% H1
   TELECOM EQPMT & ELECTRICAL MACHINERY 14,930 17,415 18,981 8,902 H1
     % Growth -6.9% 16.6% 8.9% -3.1% H1
   ELECTRONICS COMPONENTS 9,369 11,109 12,160 4,166 H1
     % Growth -5.2% 18.6% 9.5% -30.2% H1
   MINERAL FUELS & LUBRICANTS 7,635 13,631 23,411 10,034 H1
     % Growth -42.9% 78.5% 71.8% -16.2% H1
   TRANSPORT EQUIPMENT 6,366 8,270 11,770 4,166 H1
     % Growth -44.6% 29.9% 42.3% -24.1% H1

 

Ikalawa, nagbatuhan ng trade sanctions ang mga bansa sa North Atlantic Treaty Organization (NAATO) at ang Russia at kanilang allies. Ang paghigpit sa daloy ng finance sa mga exporters ng Russia at ang pagbawal sa pagbenta ng oil ng Russia sa mga NATO countries at mga allies nito ang naghudyat ng malaking pagbawas ng suplay at pagtaas ng presyo ng pagkain, langis at abono.


Ikatlo, hinaplit ng masamang panahon na dulot ng climate change ang suplay ng pagkain mula sa major producers sa mundo. Ang sunod-sunod na malalakas na bagyo at pagbaha at matinding tagtuyot ang nagdagdag sa kawalan ng suplay sa pandaigdigang palengke. Dahil dito, nagtaas ng export ban ang India sa bigas para mapunan ang kakulangan ng lokal na suplay.  Lalo pang tumaas ang presyo ng mga bilihin sa pandaigdigang palengke. Noong ikatlong quarter ng 2022, ang inflation ng mundo ay umabot sa 9%, ang pinakamataas sa loob ng 29 na taon.

Para mapababa ang inflation, nagtaas ng interest rates ang halos lahat nang bansa na siyang naging sanhi ng kakulangan ng puhunan na nakaapekto din sa produksyon sa buong mundo. Ang GDP growth ng mundo ay natataya ng World Bank na babagsak sa 1.7% sa 2023, halos kalahati sa actual GDP growth na 3.4% noong 2022.

Dahil sa paghina ng pangangalakal sa buong mundo, mula Enero hanggang Hunyo, bumagsak   ang exports of goods ng  Pilipinas nang -9.3%, mula $38.5 bilyon pababa sa $35.9 bilyon. Ang ating pinakamalaking export item na electronics products ay nakaranas ng pagbulusok nang -8.7%, mula $21.2 bilyon sa $19.3 bilyon. Bumagsak din ang chemical products nang -24.7%, copper metal nang -20.6%,  garments nang  -18.5%, at fruits and vegetables nang 0.7%. Tanging nakaligtas sa pagbagsak ang  machinery and transport equipment na lumago nang 16.6%. (Table 1) Ang maganda sa ating exports ay mataas ang kanilang competitiveness level at puede silang makipagbakbakan sa pandaigdigang palengke. Pag nakakita sila ng pagkakataon ay maaari nilang i-recapture ang kanilang market share pag nagbukas ulit ang dating liksi ng pangangalakal.

Dahil ang imports ng bansa ay naka-link sa ating GDP at exports, ang pagbaba ng GDP growth at exports ay sumusunod din sa tempo ng kanilang pagbaba. Ang imports mula Enero ay bumaba nang -8.0%.  Ang imports ng electronic components na ginagamit sa exports ng electronics ay bumaba nang -30.2%; mineral fuels and lubricants, -16.2% dahil sa pagtaas ng presyo ng langis; imports of power and information  machinery ay bumaba nang -8.6%; transport equipment, nang -8.6%; at telecom and electrical machinery, nang -3.2%.  Ang huling tatlo ay ginagamit ng mga investors sa pagtatayo ng pabrika at kumpanya.

- Advertisement -

Ngunit mahaba pa rin ang listahan ng mga kumpanyang balak mamuhunan sa Pilipinas. Noong unang kalahati ng 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nag-apply ng fiscal incentives ang  P796.7 bilyon na investments sa mga economic zones at Board of Investments (BOI), 318.5% na mas malaki kaysa P190.6 bilyon noong kalahati ng 2022. Tataas uli ang exports and imports pag naimplementa ang mga proyektong ito.

Ang tanging magandang naidulot na ito ng pagbagsak ng foreign trade ay ang pagbaba ng deficit sa trade in goods na lumagapak nang 6.3% sa $28 bilyon sa unang anim na buwan. (Table 1). Bilang bahagdan ng GDP, ito ay bumaba mula -30.1% sa -26.7%.  Lumakas ang balance of payments ng bansa mula sa deficit na $1.5 bilyon noong unang kalahati ng 2022 sa  surplus na umaabot sa $2.9 bilyon.

Ito ang dahilan kung bakit itinaas ng Fitch Ratings noong Mayo ang outlook ng credit rating mula negative to stable habang kinumpirma nito ang BBB na credit rating ng bansa. Noong Marso, kinumpirma din ng Japan Credit Rating Agency (JCRA) ang A- na credit rating ng bansa na may outlook na stable.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -