26.7 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

Bakit bumagsak ang paglago ng ekonomiya sa ikalawang quarter ng 2023?

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAAS na interest rates, mataas na inflation rate, lumalagapak na export demand ng ating trading partners at pagbagsak ng government expenditures and siyang mga dahilan ng pagbaba sa GDP growth rate mula 6.4% noong unang quarter sa 4.3% ng ikalawang quarter.

Ayon sa klase ng paggasta, ang pinakamalaking pagbagsak ay naitala sa gross capital formation o pamumuhunan para sa mas malaking kapasidad ng produksyon na siyang naging mitsa ng mabilis na pagbangon ng ekonomiy natin mula sa pandemya.  Bumaba ito mula 12.6% noong unang quarter sa -0.04%  noong ikalawang quarter. Ang pinakamalaking pagbagal ay nakita sa construction (mula 14.6% sa 2.1%).  Dumalang ang nagpapatayo ng bagong bahay, gusali at istruktura kahit itinaas in real terms (o tanggal ang epekto ng inflation) ang badyet ng gobyerno sa inprastruktura nang 21.5%. Ang dahilan nito ay ang pagtaas ng real lending rates (inaawas ang inflation rate) na umakyat mula sa napakababang 0.3% noong isang taon sa 4.1% noong unang kalahating taon ng 2023. Ang mas mahal na pautang ang nagpabagal sa pamumuhunan sa bansa. Naghihintay ang mga investors ng mas magandang oportunidad sa mga susunod na quarters; alam nila na bababa rin ang interest rates.

Ngunit isang magandang pahiwatig ang patuloy na investor confidence na ipinakita ng pagtaas ng durable equipment mula 8.1% noong unang quarter sa 10.8% noong ikalawang quarter. Ito ang pagbili at pagtayo ng mga makinarya na siyang lumilikha ng karagdagang produksyon. Mukhang nakikita ng mga investor na pansamantala lang ang pagbagal na ito at lalago rin ang ekonomiya sa mga susunod na quarter.

Bumagal din nang bahagya ang consumer spending mula 6.4% sa 5.5%. Dahil ito sa mataas na inflation rate na nagpababa sa epekto ng revenge spending noong mga nakalipas na buwan. Hindi nakatulong ang patuloy na pagdausdos ng government consumption na bumaba mula sa mataas na 6.2% sa napakababang -7.1%. Ang dahilan nito ay ang masyadong maraming restrictive na probisyon sa government procurement law.

Dahil sa paglagapak ng mga ekonomiya ng malalaking bansa na kung saan tayo nagtitinda ng ating exports, bumagsak nang  matindi ang exports of goods sa -5.1%. Ang pinakamalaking produktong naapektuhan ay ang semiconductors na kung saan tayo ay isa sa mga top 15 country suppliers sa buong mundo.  Bumagsak ang exports ng semiconductor devices nang 17.5% in US dollar terms mula Enero hanggang Mayo ngayong taon. Mabuti na lang at patuloy pa rin ang paglago ng ating exports of services na bahagya ring bumaba mula 20.2% sa 9.6%. Ito ay mga kita ng mga call centers, backroom operations at pandaigdigang turismo.


Ang services sector pa rin ang siyang banner sector ng ekonomiya ng Pilipinas na patuloy pa ring mataas ang growth. Sa 7.2% na paglago, nalampasan niya ang average na paglago mula 2010 hanggang 2019 na siyang mga taon ng mabilis na paglago ng ekonomiya ng bansa. Ang pinakamalagong pagtaas ay naipakita ng accommodation at food services sector na lumukso paakyat nang 28.3%; iba pang mga serbisyo na lumago nang 22.2%; transportation and storage na humakbang pataas nang 17.3%; human health and social work activities na lumawak nang 8.4%; professional and business services, 6.8%; at education, 6.4%.

Ang dating bumabandera na industriya ay mabagal na pumangalawa sa services sa growth rate na 1.2% at mas mababa sa 1.9% noong unang quarter. Ang pagdausdos ng manufacturing ang siyang pinakamalaking dahilan nito. Lumagapak ang mga manufacturing activities na gaya ng wearing apparel (-28.3%), tobacco products (-20%), furniture (-19.9%), machinery and equipment except electrical (-17.2%), leather products (-12.5%), fabricated metal products except machinery and equipment      (-12%), at paper and paper products (-8%).  Dahil mas mapili ang konsyumer kapag tumataas ang mga presyo, ipinagpapaliban nila ang pagbili ng mga hindi essentials.

Ito ang dahilan kung bakit ang mga essentials at mga gadgets at accessories nito ng mga millenials ay mataas pa rin ang paglago gaya ng recorded media (21.4%), other manufacturing (15.9%), petroleum products (15.7%), pharmaceutical products (11.7%), electrical equipment (9.8%), at wood products (8.4%).

Bumagal pa lalo ang paglago ng agrikultura mula 2.2% sa 0.2%. Dahil sa mas mababa ang paglago nito sa pagtaas ng populasyon na 1.4%, inaasahang madaling tumaas ang mga presyo ng pagkain. Padagdag ito sa tumataas ding presyo ng pagkain sa pandaigdigang palengke dahil sa epekto ng climate change kung saan mas matindi ang mga baha at tag

- Advertisement -

Ang mga nakatulong sa pagpalago ng agrikultura ay ang mangga (11.3% na paglago), cacao (4.0%), pineapple (3.6%), support activities ng agrikultura (3.6%), coffee (2.5%), palay (2.3%), coconut (2.3%), tobacco (1.7%),  livestock (1.6%), cassava (1.5%), other animal production (1.3%), poultry and egg (1.2%), at banana (0.7%).

Ang nakahila sa pagbaba ay ang forestry (-16.8%), pangingisda  at aquaculture (-13.7%), rubber (-8.5%), sugar cane (-6%), abaca (-1%) at corn (-0.8%).

Bumaba ang mas malaking basket na GDP-based inflation mula sa 6.8% noong unang quarter sa 4.5% noong ikalawang quarter. Ganoon din ang CPI (consumer price inflation) na bumagsak din mula 8.3% noong unang quarter sa 6.0% noong ikalawang quarter. Pag nasa 2-4% na ang inflation ay puede na ulit lumago ang ekonomiya nang 6-8% bawat taon na siyang target ng gobyerno sa medium-term development plan.

 

 

 

- Advertisement -

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -