28.5 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Ateneo School of Government, maglalabas ng komprehensibong ulat sa limang taon ni Pangulong Duterte

- Advertisement -
- Advertisement -

QUEZON CITY – Bilang paghahanda sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, maglalabas ang Ateneo School of Government ng mga komprehensibong ulat hinggil sa pamamalakad ng kanyang administrasyon sa nakaraang limang taon.

Ang Duterte at 5: The Duterte Administration By The Numbers ay maglalaman ng mga impormasyon na tumatalakay sa mga polisiya at repormang pang-ekonomiya, sosyal, pangkaunlaran, lehislatibo, seguridad, anti-korapsyon, at anti-krimen ng administrasyong Duterte.

Ang mga komprehensibong report ay maglalaman ng mga write-ups, video interviews, at video explainers mula sa mga economic professors, political science experts, at development fellows. Layunin din ng mga ulat na makatulong sa pagtataguyod ng mas matalinong pagboto sa darating na halalan sa 2022.

Matatagpuan ang mga link sa reports at videos sa website ng Ateneo School of Government (https://www.ateneo.edu/aps/asog) at Inclusive Democracy (www.inclusivedemocracy.ph), at sa Facebook page ng Ateneo School of Government.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari lamang kontakin si Jaz Malonda sa [email protected].

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -