31.5 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Mas malaking pondo ilalaan sa mga proyektong may kinalaman sa pag-kontrol ng baha

- Advertisement -
- Advertisement -

BIBIGYANG prayoridad ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga hakbang sa pagtugon sa pagbaha sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng malaking alokasyon sa mga flood-control projects sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), gayundin ang mga pagsisikap na mabawasan ang epekto ng pagbabago ng klima.

Ang binahang bahagi ng NLEX sa Tulaoc, Pampanga malapit sa San Simon exit na nagdulot ng traffic noong Agosto 3, 2023. Naglagay ng mga sandbag ang mga awtoridad para pansamantalang maharangan ang tubig na nanggagaling sa ilog dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong Falcon. KUHA NI ISMAEL DE JUAN

Sa isang press briefing sa Malacañang, ito ang sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman kaugnay ng mga nangyayaring malawakang pagbaha na nararanasan sa maraming lugar sa Luzon dulot ng bagyong Egay at Falcon.

Sinabi ni Pangandaman na ang DPWH ay may flagship project na tinatawag na Flood Management Program na nakatanggap ng alokasyon na P185 bilyon para sa taong ito.

“For 2024, we proposed P215.643 billion under the Department of Public Works and Highways Flood Management Program,” aniya. (“Para sa 2024, nagmungkahi kami ng P215.643 bilyon sa ilalim ng Department of Public Works and Highways Flood Management Program.”)

Ang proposed budget ay kasama sa 2024 National Expenditure Program (NEP) para sa DPWH Flood Management Program.

Idinagdag pa ng kalihim na may mga “foreign-assisted” projects tulad ng Pampanga Integrated Disaster and Risk Resiliency Project at ang Bulacan Angat Water Transmission Project.

“For Pampanga, it’s a loan so we just funded the government counterpart. So for the Pampanga, it’s PHP1.397 billion and for Bulacan, it’s PHP7.4 billion,” ani Pangandaman. (Para sa Pampanga, ito ay utang kaya’t pinondohan natin ang government counterpart. Sa Pampanga, ito ay P1.397 bilyon at para sa Bulacan ay P7.4 bilyon.”)

Idinagdag pa ng kalihim na ang mga flood control program ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay binigyan ng alokasyon na P1.9 bilyon noong 2023; at, ang iminungkahing badyet para sa 2024 ay P1.3 bilyon.

 

‘Climate change mitigation’

Samantala, sinabi rin ni Pangandaman na humihiling ang administrasyong Marcos ng humigit-kumulang P543.45 bilyon para sa implementasyon ng Climate Change Mitigation and Adaptation Projects and Programs ng pambansang pamahalaan sa ilalim ng Climate Change Expenditures Tagging (CCET).

Sinabi ni Pangandaman na ang proposed budget para sa climate change expenditure tagging ay katumbas ng 9.4 percent ng kabuuang proposed budget, na lampas sa commitment ng gobyerno na 8 percent share sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.

Idinagdag pa ni Pangandaman na karamihan sa mga ito ay mga proyektong may kinalaman sa tubig. Kabilang dito ang mga proyekto sa water sufficiency na may alokasyon na P294.46 bilyon; sustainable energy, P180.72 bilyon; Climate Smart Industries and Services, P6.02 bilyon; ecosystem at environmental sustainability, P5.95 bilyon; kaalaman at pagpapaunlad ng kapasidad, P12.97 bilyon; seguridad sa pagkain, P40.18 bilyon; seguridad ng tao, P2.58 bilyon; at, cross-cutting actions, P550 milyon.

Iminungkahi rin ang P1.7 bilyon para sa Philippines Space Agency (PSA) upang mas masubaybayan ang mga yamang lupa at dagat, gayundin ang mga terrestrial ecosystem, sabi ni Pangandaman, at idinagdag pa na P1.2 bilyon ang gagamitin para sa multi-sectoral unit land assessment satellite development.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -