28.8 C
Manila
Biyernes, Setyembre 20, 2024

Libreng pamasahe para sa mga bakunadong pasahero ng MRT-3, LRT-2, at PNR

- Advertisement -
- Advertisement -

“Ipinag-utos ko ang pagpapatupad ng LIBRENG PAMASAHE PARA SA MGA BAKUNADONG PASAHERO NG MRT-3, LRT-2, AT PNR simula bukas, 3 August hanggang 20 August 2021.

Mas mahalaga sa amin sa DOTr ang kalusugan ng ating mga kababayan kaysa kita. Kaya naman simula bukas, libre na ang pamasahe ng mga bakunadong APOR, kahit nakaka-isa o dalawang dose na ang mga ito.

Upang maka-avail ng libreng pamasahe, kinakailangan lamang na iprisinta ng mga APOR ang kanilang vaccination cards bilang patunay na sila ay nakatanggap na ng bakuna.

Magbibigay naman ang PPA, CAAP, at MIAA ng libreng kape, tubig at snacks para sa mga vaccinated persons na naghihintay ng kanilang biyahe sa mga pantalan at paliparan.

Sa road sector naman, kamakailan ay napapayag ko ang PITX na i-waive ang terminal fee na kanilang sinisingil sa mga bus simula ngayong araw, 2 August.

Ang inisyatibong ito ay napagkasunduan ng buong Kagawaran ng Transportasyon upang makatulong sa pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan ng ating mga kababayan, at upang matulungan ang gobyerno na mahikayat ang ating mga kababayan na magpabakuna.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -