25.1 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

26 patay sa pagtaob ng motorboat sa Binangonan

- Advertisement -
- Advertisement -

ISANG maliit na pampasaherong bangka na MB Princess Aya ang tumaob sa isang lawa malapit sa Maynila noong Huwebes, Hulyo 27, na ikinamatay ng 26 katao, ayon sa Binangonan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ang tumaob na motorboat. Larawan mula sa Philippine Coast Guard na lumabas sa Facebook

Ang aksidente ay nangyari bandang ala-una ng hapon sa lawa ng Laguna, malapit sa Maynila, ilang oras matapos manalasa ang Bagyong Egay (internasyonal na pangalan: Doksuri) sa hilagang Pilipinas.

Ayon sa Coast Guard, hinampas umano ng malakas na hangin ang bangka kaya nag-panic ang mga pasaherong sakay nito at nagpuntahan sa kaliwang bahagi ng bangka na naging sanhi upang maputol ang katig nito at tumaob.

“The boat had clearance to sail. There was no more storm in the area,” (“Mayroong clearance para pumalaot ang motorboat. Wala nang bagyo sa lugar,”) sabi ni Philippine Coast Guard spokesman Rear Admiral Armando Balilo.

Ang pampasaherong bangka ay regular na tumatakbo mula sa munisipalidad ng Binangonan hanggang sa isla ng Talim sa gitna ng lawa, ayon sa opisyal ng rescue ng munisipyo na si Kenneth Cirados.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -