26.5 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Mas mataas na lebel ng sertipikasyon panawagan ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

Sa gitna ng pagdiriwang ng World Youth Skills Day noong July 15, isinulong ni Senador Win Gatchalian ang mga technical and vocational education and training (TVET) programs na may mas mataas na lebel ng sertipikasyon.

Batay sa datos ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) noong nakaraang Mayo 2023 at sa pagsusuri ng tanggapan ng senador, wala pang 1% (0.2%) o 31 lamang sa mga TESDA-accredited TVET programs ang nagbibigay ng National Certificate (NC) Level IV at 3.7% o 548 lamang ang mga TVET diploma programs. NC I (7.3%) at NC II (79%) ang bumubuo sa 86.3% ng mga TESDA-accredited TVET programs sa bansa.

“Karamihan sa mga TVET trainees natin ay dumaan sa entry-level skills sa pamamagitan ng National Certificate I at National Certificate II. Kakaunti lamang ang dumadaan sa NC III, NC IV, at sa mga mas matataas na lebel na nakatutok sa mas komplikadong skills na hinahanap ng mga kumpanya,” ani Gatchalian.

Nakakagawa ng mga komplikado at mga non-routine na gawain ang mga may NC Level IV certificates. Bahagi rin ng kanilang trabaho ang pamumuno, paggabay, at pag-organisa sa kanilang mga kasamahan at pati na ang pagsusuri sa mga kasalukuyang practices sa isang kumpanya at sa pagbuo ng mga bagong patakaran. Ang diploma programs o NC V ay nag-aalok rin sa mga tech-voc trainees, graduates, at middle-level workers ng pagkakataon na makapasok sa trabaho na mayroong mas mabigat na responsibilidad, gaya ng supervisors.

Iginiit din ni Gatchalian ang pangangailangan sa mga enterprise-based TVET programs. Batay sa anim na taong average ng enrollment sa mga TVET programs mula 2014 hanggang 2020, 4% lamang ang mga nasa enterprise-based programs, 50% ang mga nasa community-based programs, at 46% ang mga nasa institution-based programs.

“Kailangan nating palawakin ang enterprise-based training programs dahil binibigyan nito ang mga TVET students ng mas maraming pagkakataong makapagtrabaho sa pribadong sektor,” ani Gatchalian.

Sa isang pag-aaral ng Asian Development Bank na inilabas noong Marso 2021 sa estado ng TVET sa bansa, tinukoy ng ADB ang work-based learning bilang isa mga pinakamahusay na paraan upang linangin ang kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral at mga baguhan.

Iminungkahi rin Gatchalian sa Batang Magaling Act (Senate Bill No. 2022) na gawing bahagi ng technical-vocational livelihood track ng senior high school ang accreditation.

Layon ng panukalang batas ang paglikha sa National at Local Batang Magaling Councils upang paigtingin ang ugnayan sa pagitan ng Department of Education (DepEd), local government units, ang akademya, at pribadong sektor upang tugunan ang mismatch sa skills ng mga K to 12 graduates at sa mga pangangailangan ng labor market.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -