26.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

LPA, habagat magbubuhos ng ulan – Pagasa

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG pinagsamang epekto ng low pressure area (LPA) sa Quezon at ng habagat ay magdadala ng pag-ulan sa karamihan ng bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Huwebes, Hulyo 14.

LPA, habagat magdudulot ng tuluy-tuloy na ulan. LARAWAN MULA SA DOST PAGASA

Sinabi pa ni Pagasa weather specialist Patrick del Mundo na ang LPA ay tinatayang nasa 295 kilometro silangan ng Infanta, Quezon.

Ipinaliwanag ni del Mundo na ang pinagsamang epekto ng LPA at southwest monsoon ay nakakaapekto sa Metro Manila, sa Luzon, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga Region at BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) kung saan maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at mga pagkulog at pagkidlat ang mararanasan.

“Posible ang flash flood o landslide sa mga lugar na ito dahil sa katamtaman, at minsan, ay malakas na pag-ulan,” babala ni del Mundo.

Sinabi ng weather bureau na ang Davao Region at Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City) ay malamang na magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa “habagat.”

Samantala, sinabi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na matutugunan ng apat na inaasahang bagyo ang supply ng Angat Dam sa Bulacan.

Sa isang Laging Handa public hearing, sinabi ni Engineeer Patrick Dizon, division manager ng MWSS,  na batay sa kanilang pag-aaral, mapapahina nito ang pagbawas sa water level ng Angat.

Ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ay nag-ulat na mula 6 ng umaga ng Huwebes, ang water level ng Angat Dam ay nasa 178.03 metro, na mas mababa sa 180-meter minimum operating level.

“Sa ngayon po, sa magdamag po ay nakaranas po tayo ng ulan po sa ating watershed, kaya po bahagya po niyang napabagal po iyong pagbaba po ng ating elevation sa Angat reservoir. So, itong mga ini-expect po natin na mga apat na bagyo ay inienhance po nitong ating tinatawag na habagat at magpaulan po sa ating mga watershed po sa Angat,” paliwanag ni Dizon.

“So, sa mga ganitong buwan po kasi hanggang September base na din po sa historical data natin ay nari-replenish naman po ng ating reservoir at tumataas po ang level, dagdag pa niya.

Sinigurado din ni Dizon na ang MWSS at iba pang water concessionaires ay siniguradong hindi nila hahayaan na masayang ang mga ulang ito.

“Iyon naman po iyong pangako po natin na kung mayroon po tayong pag-uulan na nai-experience sa ating watershed iyon po ay ima-maximize natin at para magamit po natin para mabawasan po iyong inyong number of hours na ma-interrupt.” May dagdag na ulat ni Lea Manto-Beltran

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -