27.2 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

El Niño titindi

24 na probinsya, Metro Manila makakaranas ng tagtuyot

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBABALA ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kahapon, Hulyo 6, 2023 na ang epekto ng El Niño ay titindi sa mga darating na buwan at magiging “katamtaman papuntang malakas” sa pagtatapos ng 2023 at sa mga unang buwan ng 2024.

Sinabi ni Ana Liza Solis, Pagasa Climate Monitoring and Prediction Section chief, sa isang Laging Handa public hearing na ilang mga lugar sa Luzon, kasama ang mga lalawigan ng Tarlac at Isabela, ay nakararanas na ng tagtuyot simula noong Hunyo samantalang ang mga lalawigan ng Apayao, Cagayan at Kalinga ay nahihirapan na dahil sa tuyong panahon (dry condition). Ito ay mga epekto ng El Niño o yung pag-init ng temperatura sa Dagat Pasipiko na nakakaapekto sa bansa.

Ayon sa Pagasa, ang tuyong kondisyon (dry condition) ay nangyayari kung sa dalawang magkasunod na buwan ay “below normal” ang dami ng ulang bumuhos sa isang lugar. Samantala ang “dry spell” ay nagyayari kung sa tatlong magkakasunod na buwan ay “below normal” o dalawang magkasunod na buwan ay “way below normal” ang dami ng ulang bumuhos sa isang lugar.

Samantala, idinideklarang tagtuyot ang isang lugar kung sa tatlong magkakasunod na buwan ay “way below normal” o sa limang magkaksunod na buwan ay “below normal” ang dami ng ulang bumuhos sa isang lugar.

Ayon sa mga nakalap na datos, sinabi ni Solis na ang mga sumusund na lugar ay makararanas ng tuyong panahon (dry condition) sa pagtatapos ng Disyembre: Abra, Batanes, Cagayan, Negros Occidental, Negros Oriental, Bohol, Cebu, Siquijor, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao Occidental, Davao Oriental, South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Basilan, Maguindanao, Lanao del Sur, Sulu at Tawi-Tawi.


Idinagdag din ni Solis na ang Camarines Norte ay malamang sa hindi makaranas ng tagtuyot sa panahong ito subalit ang mga sumusunod na lugar sa Luzon ay makararanas ng dry spell kasama ang Metro Manila, Abra, Benguet, Ifugao, Apayao, Mountain Province, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Isabela, Nueva Viscaya, Quirino, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Batangas, Laguna, Rizal, Quezon, Marinduque, Mindoro, Romblon, Palawan, Pampanga, Tarlac, Zambales, Spratly Islands, Camarines Sur at Catanduanes.

Pero niliwanag niya na ang Agusan del Norte, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur ay malamang na makaranas din ng dry spell sa katapusan ng Oktubre.

Sa mga huling araw ng Enero sa susunod na taon, sinabi ni Solis na makararanas ng tagtuyot (drought) ang Metro Manila, Abra, Benguet, Ifugao, Apayao, Mountain Province, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Isabela, Nueva Vizcaya, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Batangas, Laguna, Rizal, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Pampanga, Tarlac, Zambales at Spratly Islands samatalang ang Cagayan, Cavite, Antique, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Negros Oriental and Siquijor, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Misamis Occidental, Sultan Kudarat, Basilan, Maguindanao, Sulu and Tawi-Tawi ay makararanas ng dry spell.

Sinabi ni Solis na maaari pa ring asahan ng bansa ang normal hanggang sa above normal na pag-ulan mula Hulyo hanggang Nobyembre dahil sa ilang sistema ng panahon na nagdadala ng ulan.

- Advertisement -

Aniya, “Lalo na, ang pagsisimula ng habagat o habagat na higit na magdadala ng pag-ulan sa mga panahong ito ngunit hihina ito sa Nobyembre dahil ang malakas na epekto ng El Niño ay magsisimulang nang maramdaman.”

Sinabi ng weather agency na 10 hanggang 14 na bagyo ang posibleng pumasok o ma-develop sa loob ng area of responsibility ng bansa mula Hulyo hanggang Nobyembre.

“Some of these tropical cyclones may not make landfall but they will enhance the southwest monsoon that will dump rain just the same,” (“Ang ilan sa mga tropical cyclone na ito ay maaaring hindi mag-landfall ngunit mapapalakas nila ang habagat na magpapaulan din kalaunan,” sabi ni Solis.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -