31.1 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

DoT: Kontrata sa DDB, tapos na

DoT, inatasang gumawa ng bagong campaign ng mga senador

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPAHAYAG ang Department of Tourism kahapon, Lunes na tinatapos na nila ang kasunduan sa DDB Philippines, ang ahensyang kinontrata para gumawa ng promotional campaign ng kagawaran na “Love the Philippines.”

Sa isang pahayag, sinabi ng DoT na kaisa sila ng maraming Pilipino sa nararamdamang galit at matinding kabiguan sa ginawang paggamit ng mga hindi orihinal na video footage o foreign stock footage.

Humingi ng paumanhin sa publiko ang advertising firm noong Linggo, at sinabing inaako nito ang responsibilidad para sa mga hindi orihinal na materyales na ginamit sa tinanggal na ngayon na video.

“While the use of stock footage in mood videos is standard practice in the industry, the use of foreign stock footage was an unfortunate oversight on our agency’s part. Proper screening and approval processes should have been strictly followed. The use of foreign stock footage in a campaign promoting the Philippines is highly inappropriate, and contradictory to the DoT’s objectives,” pahayag ng DDB

Binigyang diin din ng DoT na sa ilalim ng nilagdaang tourism branding campaign contract, ang mga materyal na ginawa ng nanalong bidder ay dapat na orihinal at naaayon sa mga adbokasiya nito. 


Bukod dito, may karapatan ang kagawaran na baguhin, suspindihin, o ihinto pansamantala o permanente ang kontrata anumang oras sakaling hindi nito maisagawa ang proyekto o kampanya.

Hindi rin umano binayaran ng DoT ang ginawa ng DDB. “The DoT shall exercise its right to forfeit performance security as a result of default in obligations under the contract, as well to review standards of performance or lack thereof vis-a-vis any claims for payment and/or any other engagement,” ayon sa pahayag.

Idinagdag pa na may karapatan ng DoT na umaksyon laban sa mga pagkilos na itinuturing na salungat sa interes ng turismo ng Pilipinas.

Ang AVP ay na-upload sa social media noong Hunyo 30 at tinanggal noong Hulyo 2.

- Advertisement -

Mga reaksyon

Dismayado ang ilang senador sa paggamit ng stock video na kuha sa ibang bansa sa promotional campaign na ginamit ng Department of Tourism (DoT) para ilunsad ang slogan nitong “Love the Philippines”.

Ayon kay Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, dapat nang gumawa ng panibagong video ang DoT.

“It seems that the government is at the losing end. We should put a little pride in what we are doing especially if we are selling and marketing the Philippines,” pahayag ni Angara nitong Lunes.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel 3rd na ang layunin ng kampanya ay isulong ang Pilipinas bilang tourist destination ngunit nakasama sa nilalaman ng promotional video ang mga atraksyon sa Indonesia, Thailand, Switzerland at United Arab Emirates.

Sa panayam ng ABS-CBN News, inakala naman ni Sen. Imee Marcos na ang sand dunes na ipinakita sa Audio-Visual Presentation (AVP) ay sa Paoay, Ilocos Norte kinunan.

- Advertisement -

‘Hindi kami yun’

Nilinaw naman ng Dangerous Drug Board na hindi ang kanilang ahensya ang sangkot sa kontrobersyal na kampanya ng DoT matapos i-tag sa ilang komentaryo at posts sa online.

“Please be informed that the Dangerous Drugs Board (DDB) is not affiliated with or does not have any kind of business relationship with DDB Group Philippines, which is a private company providing advertising service,” ayon sa Facebook post.

Nauna rito, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na nagsagawa sila ng malawakang imbestigasyon sa nangyaring paggamit ng hindi mga orihinal na video sa AVP na ipinakita sa paglulunsad ng bagong slogan patungkol sa turismo ng bansa.

Noong Hunyo 2017, kinansela ng DoT ang P650-milyong kontrata sa McCann Worldgroup Philippines tungkol sa kontrobersyal na “Sights” tourism ad, na umano’y kinopya sa isang tourism campaign sa South Africa.

Inatasan din ang ahensya na magpalabas ng public apology dahil sa kontrobersiya.

Sinabi ng noo’y Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre, “after a diligent review of the ad materials in question, the Department of Tourism has decided to discontinue its partnership with McCann Worldgroup Philippines.” Pahapyaw na ulat nina Moises Cruz at  Javier Joe Ismael na isinalin at may dagdag na ulat si Rufina Caponpon

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -