26.8 C
Manila
Lunes, Disyembre 2, 2024

SC sa Meralco: 48-oras na abiso kailangan bago putol kuryente

Meralco hindi aalma sa hatol ng SC

- Advertisement -
- Advertisement -

PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang hatol na kailangang magbigay muna nang nakasulat na abiso (written notice) ang Manila Electric Company (Meralco) na hindi bababa sa 48 oras bago magputol ng koneksyon ng kuryente.

Ibinaba ng Mataas na Hukuman ang hatol kahapon, Hunyo 30 matapos maghain ng petisyon ang Meralco laban sa naging desisyon ng Court of Appeals (CA).

Nauna nang hinatulan ng CA ang Meralco ng guilty sa paglabag sa Republic Act 7832, o ang

Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994.

Samantala, sinabi ng Meralco na irerespeto nila ang desisyon ng Supreme Court na ipatupad ang ruling ng Court of Appeals na nilabag ng Meralco ang batas nang pinutulan nito ng supply ng kuryente ang isang consumer nang walang abiso.

Ayon kay Joe Zaldarriaga sa isang pahayag, “we have not officially received a copy of the Supreme Court decision. In any case, we will respect and abide by the said decision.” (“hindi pa kami opisyal na nakatanggap ng kopya ng desisyon ng Korte Suprema. Kung anuman ito, igagalang at susundin namin ang nasabing desisyon.”)

Nagsimula ang kasong ito nang magreklamo si Lucy Yu na isang kinatawang ng Meralco ang puwersahang pumasok sa kanilang tanggapan sa New Supersonic Industrial Corp. (NSIC) sa Valenzuela City noong Disyembre 9, 1999 at pinutol ang supply ng kanilang kuryente sa factory at sa bahay ni Yu.

Sa isang pahayag ng korte sa kanilang website kahapon, Hunyo 30, “before Meralco can disconnect the electric service of a consumer on grounds cited under Section 4(a) of RA 7832, there must be prior written notice to the consumer to disconnect.” (“Bago madiskonekta ang Meralco ng serbisyo ng kuryente ng isang consumer sa mga batayan na binanggit sa ilalim ng Seksyon 4(a) ng RA 7832, dapat mayroong paunang nakasulat na abiso sa consumer na magdi-diskonekta sila.”)

Ayon sa pahayag, isang written notice ang kailangang naibigay ng Meralco na hindi bababa sa 48 oras bago magputol ng koneksyon ng kuryente.

Subalit ayon kay Zaldarriaga, ipinatutupad na ng Meralco ang ganitong patakaran nang mangyari ang insidente.

“It has been Meralco’s policy to serve 48-hour prior notice before disconnecting any service to comply with the due process requirements,” (“Naging patakaran na ng Meralco na maghatid ng 48-oras na paunang abiso bago idiskonekta ang anumang serbisyo upang makasunod sa mga kinakailangang angkop na proseso,”) sabi ni Zaldarriaga.

Irerespeto ng Meralco ang anumang desisyon ng Mataas na Hukuman, ayon sa tagapagsalita nito na si Joe Zaldarriaga sa isang pahayag. TMT FILE PHOTO
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -