28.9 C
Manila
Linggo, Enero 19, 2025

Everyone’s KPOP: Manila, hataw sa saya

- Advertisement -
- Advertisement -

Mahilig ka ba sa K-pop? Naiinip ka na ba sa bahay at wala pang plano sa darating na Sabado? Swak ka dito mars at pards, pagpasok palang ng buwan ng Hulyo, may ganap na tayo.

Poster ng Everyone’s KPOP: Manila

Ang Korean Cultural Center in the Philippines (KCC) at Seoul Shinmun, katuwang ang Philippine K-pop Convention (PKCI) at Robinsons Galleria Ortigas, ay magsasagawa ng Everyone’s KPOP: Manila, kung saan ay tiyak na malilibang ang mga followers ng K-pop. Tara na at makisaya sa isang buwan na pagdiriwang simula July 1, mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa Main Atrium Robinsons Galleria Ortigas.

Ang Everyone’s KPOP: Manila ay naglalayong itampok ang K-pop ng mas malalim pa bukod sa pang-musika at pansayaw nitong elemento. Gayundin, ang pagsusumikap na ihatid ang likas na inklusibo ng K-pop, na gaya ng iba pang genre o uri ng musika, ito ay bukas at maaring magpasaya ng mga tao magkakaiba man ng pinagmulan. Sa pamamagitan ng pinagsamang palabas, palaro at mga aktibidad, maging ang mga hindi pamilyar sa naturang genre ay maaring makilahok at maging bahagi ng kaganapan.

Ang naturang event ay free admission o libre at hahatiin sa dalawang bahagi, Part I ay K-pop Playground at Part 2 naman ang K-pop Cover Dance Festival.

Sa KPOP Playground, ang mga dadalo ay magkakaroon ng tsansa na makapaglaro ng mga games na pinasikat ng ilang K-variety shows. Magkakaroon din ng iba-ibang aktibidad on stage at off-stage na pinaghandaan naman ng mga fan club booths, kung saan ang mga bibisita ay maaaring makapag-uwi at manalo ng K-pop albums at merchandise.


Samantala ang 2023 K-pop Cover Dance Festival o KDCF, tampok ang mga grupo ng mananayaw sa buong panig ng bansa ay magpapamalas ng kanilang mga talento at tiyak na magpapa-init ng hapon ng lahat.

Kung saan ang magwawagi ay siyang kakatawan sa Pilipinas sa final round sa Korea. Kabilang na dito ang isang full K-pop idol group experience, pati ang training kasama ang isang sikat na choreographer at maging ang isang propesyonal na litrato mula sa sikat na photographer. At higit sa lahat, ang pagkakataon na personal na malibot at makilala ang kultura ng South Korea ay kalakip nito.

Mayroon ding espesyal na performance ang P-pop group na VER5US at G22 na masasaksihan ng mga dadalo sa buong maghapon. Dagdag pa ang K-pop cosplay show.

Bukod pa dito, inilunsad din ng KCC ang K-Space. Ito ay magsisilbing libreng espasyo sa komunidad ng K-pop na maaring magsagawa ng pansariling kaganapan. Mapa-comeback party, dance party at birthday party pa ‘yan ng iyong bias, pwede magsasalu-salo dahil bukas ito tuwing Biyernes at matatagpuan sa ika-5 palapag ng Multipurpose Hall ng KCC.

- Advertisement -

Para sa karagdagang impormasyon, tumutok lamang sa iba’t-ibang social media channels ng KCC.

Hindi naman masama magmahal ng ibang kultura, huwag mo lang kalilimutan ang sarili mong wika at kultura. Kaya tayong mga Pinoy, ilabas ang talento at sabay na pagyabungin ang kulturang Pinoy at Koreano.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -