30.3 C
Manila
Miyerkules, Marso 19, 2025

Gatchalian gustong imbestigahan ang paglaganap ng text scams sa kabila ng SIM Registration Law

- Advertisement -
- Advertisement -

HANGAD ni Senador Win Gatchalian na magsagawa ng imbestigasyon sa patuloy na paglaganap ng mga text scam sa kabila ng pagpapatupad ng SIM Registration Law.

Hanggang ngayon, kahit dalawang taon na ang nakalipas mula nang ipatupad ang mga hakbang laban dito, patuloy pa rin ang paglaganap ng mga text scam sa bansa, kung saan tinatayang 600,000 katao ang naging mga biktima noong 2024, ayon kay Gatchalian. Ito ang dahilan kung bakit naghain siya ng Senate Resolution No. 1324 at imbestigahan agad ito.

Kasunod ito ng mga suhestyon na isama ang isang requirement para sa SIM card owners na personal na magpakita kapag nagpaparehistro bilang bahagi ng isang komprehensibong pagsusuri upang mapabuti ang pagpapatupad ng SIM Registration Act. “Ang panukalang ito ay hindi papabor sa mga konsyumer dahil dagdag abala lang sa kanila kung kakailanganin kapag magpaparehistro pa nang personal, katulad ng proseso sa pagkuha ng driver’s license o NBI clearance,” sabi ni Gatchalian.

Inamin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ang mga scammer ay nananatiling nangunguna sa mga bagong taktika, kabilang ang mga text hijacking device o mga pekeng cell site, na kilala rin bilang International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catchers. Ito ay nagpapahintulot sa kanila na gayahin ang mga lehitimong cell tower, magpadala ng mapanlinlang na SMS, at manloko ng mga mobile user.

“Dahil sa napakahalagang papel ng teknolohiya, mahalagang palakasin ang cybersecurity at mga hakbang sa pagpapatunay at pagpapatatag ng mga karagdagang pananggalang kontra sa patuloy na paglaganap ng mga text scam sa bansa,” dagdag niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -