27.9 C
Manila
Biyernes, Nobyembre 22, 2024

Mga propesyonal ng DoLE, lumahok sa 3rd PRC Fun Run 2023

- Advertisement -
- Advertisement -

SA pagdiriwang ng ika-50 taong pagkakatatag ng Professional Regulation Commission (PRC), na may temang “PRC@50: Celebrating Milestones of Professional Excellence and Global Recognition,” nakiisa ang Department of Labor and Employment-Central Office sa 3rd PRC Fun Run 2023: Takbo ng Propesyonal noong Linggo, Hunyo 11, 2023 sa Fort Santiago, sa Intramuros.

Inorganisa ng Philippine Association of the Professional Regulatory Board Members, Inc. (PAPRB), na ang layunin ay ipagdiwang at parangalan ang dedikasyon ng mga propesyonal, itaguyod ang lakas ng pangangatawan, at bumuo ng pakikipagkaibigan sa mga ahensya. Ang fun run ay may apat na kategorya ng karera – 1.5km, 3km, 5km, at 10km na distansya – kung saan ang mga kalahok ay hinikayat na magsuot ng simbolikong kasuotan na kumakatawan sa kanilang propesyon.

Sinimulan ng mga propesyonal mula sa iba’t ibang ahensiya ang kanilang 1.5km run sa ginanap na ikatlong PRC Fun Run 2023: Takbo ng Propesyunal noong Hunyo 11, 2023 sa Fort Santiago, Intramuros, Maynila. LARAWAN MULA SA PRC-INFORMATION AND MEDIA RELATIONS UNIT

Lumahok ang 37 empleyado ng DoLE mula sa Office of the Secretary (OSEC), Information and Publication Service (IPS), Financial and Management Service (FMS), Human Resource Development Service (HRDS), Bureau of Local Employment (BLE), at Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC). Sampu sa kanila ang humarap sa hamon na tapusin ang 10-kilometrong distansya, kabilang si Undersecretary Benjo Santos Benavidez ng Workers Welfare and Protection Cluster.

Tumanggap ang mga kalahok ng kamiseta, loot bag, at iba pang souvenir habang ang mga nakakumpleto ng 3 hanggang 10 kilometrong distansya ay ginawaran ng mga medalya. Bukod dito, tumanggap din ng espesyal na premyo ang mga tumakbo na nakasuot ng propesyonal na kasuotan sa ginanap na seremonya.

Dati ng nag-organisa ang PRC ng mga non-competitive run sa pagdiriwang ng kanilang ika-41 at 42 taon ng pagkakatatag. Ang kauna-unahang fun run na tinaguriang “PRC RUN (Rising in Unity for Nation-Building)” ay inilunsad noong Hunyo 2014 habang ang ikalawang fun run na may temang “Geared up for the Asean Integration” ay naganap noong Hunyo 2015.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -