25.2 C
Manila
Lunes, Marso 10, 2025

Sen Raffy, nabahala sa dumaraming kaso ng nawawalang marino, isinusulong ang pagkakaroon ng CCTV cameras sa mga barko

- Advertisement -
- Advertisement -

LUBOS na ikinabahala ni Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Sen. Raffy Tulfo ang dumaraming kaso ng Filipino seafarers na nawawala habang naglalayag sa karagatan.

Kaya sa pagdinig ng komite kahapon, March 6, agad hiningan ng update ni Sen. Idol si Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac ukol sa kaso ng mga missing seafarers na hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba.

Kabilang dito sina Ralph Anthony Bobiles na nawala noong December 5, 2024, Jimbo Cadungong noong Aug. 31, 2024 at Vincent San Diego noong June 16, 2023 – na ayon kay Cacdac ay patuloy daw iniimbestigahan ang pagkawala. Samantalang si Jeric Bueno naman na nawala noong Feb. 22, 2025 ay narecover na ang mga labi ngunit hinihintay pa rin ng DMW ang kanyang autopsy report.

Binigyang-diin ni Sen. Idol na mas mapapabilis sana ang imbestigasyon at paglutas ng mga ganitong klaseng kaso kung mayroon lamang mga CCTV cameras na naka-install sa kritikal na bahagi ng mga barko, tulad ng railings, cabin portals at exit points.

Sumang-ayon si Sec. Cacdac kay Sen. Raffy ngunit aminado siya na magiging challenge sa kanila ang pag-oobliga sa mga foreign-flagged vessels na ipatupad ang pagkakaroon ng mandatory CCTV cameras.

Sinabi ni Sen. Idol na ito nga ang dahilan kaya kailangan niyang maka-attend sa susunod na International Convention on the Safety of Life at Sea (SOLAS) ng International Maritime Organization para dito niya mailatag ang kanyang mga rekomendasyon upang mapabuti ang sitwasyon ng Filipino seafarers, kabilang na ang pag-obliga sa lahat ng foreign vessels na maglagay ng CCTV cameras na agad naman ding sinuportahan ni Sec. Cacdac.

Gayunpaman, inobliga ni Sen. Idol ang Maritime Industry Authority (MARINA) na i-require na sa mga domestic maritime vessels sa lalong madaling panahon ang pagkakaroon ng CCTV cameras sa mga barko dahil saklaw naman ito ng ating batas. Nangako ang MARINA na gagawa sila ng Memorandum Circular ukol dito.

Inalarma rin ni Sen. Idol ang DMW sa tumataas na kaso ng OFWs na na-diagnose na may mental disorder lalo pa at mahirap na nga ang kanilang trabaho ay malayo pa sila sa kani-kanilang mga pamilya. Ayon sa National Maritime Polytechnic sa Pilipinas, 189 seafarers ang naitala nilang may mental disorder mula 2018 hanggang 2022.

Kaya iminungkahi ni Sen. Tulfo na siguruhing mayroong mga psychologist o counselor sa clinic ng mga barko na matatakbuhan at magbibigay ng guidance sa mga seafarers na na-dedepress o may kinakaharap na problema.

Inirekomenda rin ni Sen. Raffy na bago umalis ang mga marino, dapat ay bigyan sila ng emergency medical kits na mayroong over-the-counter medicines na magagamit nila tuwing sila ay nade-depress o hindi makatulog. Nangako si Sec. Cacdac na agad niyang aaksyunan ang lahat ng iminungkahi ni Idol.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -