30.7 C
Manila
Sabado, Pebrero 22, 2025

Modernong bulwagan para sa sining, itinayo sa Malolos

- Advertisement -
- Advertisement -
Ang Malolos Digital Arts Center kapag gabi sa Barangay Bulihan, Lungsod ng Malolos, Bulacan. (Malolos City Information Office)

MAGSISILBING bantayog ng sining, kultura, kalinangan at kasaysayan ang bagong tayo na Malolos Digital Arts Center sa harapan ng city government center.

Naitayo ito sa istratehikong lokasyon at may disenyo na hindi lamang maipapamalas ang mayamang sining kundi masasaksihan ng karaniwang mga mamamayan dahil bukas ito saan mang panig madaanan.

Maaari itong magamit nang walang bubong o kaya nama’y lalatagan ng bubong na yari sa Tensile Fabric na inangkat pa mula sa Europa.

Gawa sa bricks ang sahig nito kung saan ang gitnang bahagi ay pinatutubuan ng damong kalabaw na magiging maberde kapag naulanan at nasikatan ng araw.

Target itong palibutan ng mga puno na inaasahang magbibigay ng malamig na temperatura at sariwang hangin kapag napuno ito ng mga taong manonood.


Hindi ito nilagyan ng anumang uri ng permanenteng upuan upang mas magamit ng lahat ang espasyo.

Wala rin itong partikular na pasukan o labasan dahil maaaring pumunta rito saan mang direksiyon dumaan.

Base sa pagtataya ng bilang ng mga nakiisa at nanood sa idinaos na Dulansangan nitong Fiesta Republika, pwedeng umabot sa 500 katao ang kayang malulan dito kung nakaupo. Maaari namang umabot sa isang libongkatao kung lahat ay nakatayo.

Isinama namang bahagi ng pangalan ng bagong istraktura ang salitang ‘Digital’ dahil mayroon itong LED Wall.

- Advertisement -

May halagang P35 milyon ang ipinagkaloob ng Department of Budget and Management sa pamahalaang-lungsod ng Malolos mula sa Pambansang Badyet ng 2024. Naitayo ito sa tulong ng Department of Public Works and Highways. (CLJD/SFV, PIA Region 3-Bulacan)

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -