26.9 C
Manila
Linggo, Pebrero 16, 2025

Rekomendasyon ng NBI na kasuhan  ng DOJ si VP Sara, walang epekto sa impeachment trial – Escudero

- Advertisement -
- Advertisement -

NILINAW ni Senate President Francis Escudero na walang epekto sa impeachment proceedings ang rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng kasong kriminal ng Department of Justice (DOJ) si Vice President Sara Duterte dahil sa naging pahayag nito ng “pagbabanta” sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez kung sakaling naging matagumpay ang “pagpapatay” sa kanya.

Larawan mula sa file ng The Manila Times

“No, walang epekto iyon sa napipintong impeachment proceedings — walang bearing iyon at walang kinalaman iyan doon. Sa katunayan, puwedeng magpatuloy iyong nang sabay, puwedeng mauna, puwedeng sumunod. Wang siyang bearing sa impeachment proceedings na isasagawa ng Senado,” paliwanag ni Senate President Escudero.

Rekomendasyon ng NBI

Matapos ang mahigit dalawang buwan pagkatapos magpahayag si Vice President Sara Duterte ng “pagbabanta” sa isang online meeting, isinumite na ng NBI) ang rekomendasyon nito na kasuhan ng DOJ ang Pangalawang Pangulo.

Sa isang press briefing, kung saan nalathala ang mga video sa iba’t ibang news site, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na isinumite na ng NBI ang Final Investigation Report nito na nagrerekomenda na kasuhan ng inciting to sedition at grave threat si Duterte base sa mga ipinahayag nito.


Naniniwala si Santiago na may sapat na ebidensya para isampa ang kaso.

Aniya, limang abogado at siya na isang dating hukom ang bumubuo sa investigation team ng NBI ang maingat na tumimbang sa mga ebidensyang nakalap at nagkaroon sila ng unanimous decision na dapat maisampa ang kaso.

“Kung ang DOJ ay makakita ng prima facie evidence, certainty of conviction, ipa-file nila ang kaso. Sa panig namin, iniisip namin at naniniwala kami na sapat ang aming ebidensya na inilatag,” pahayag ni Santiago.

Aniya, isang open evidence ang naging pahayag ni Duterte kung saan inihayag nya sa isang Zoom meeting kasama ang mga blogger at mga mamahayag na kumausap siya ng tao na papatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez kung sakaling ipapatay siya.

- Advertisement -

Bukod pa aniya sa mapagbantang pahayag ni Duterte laban kay Pangulong Marcos, naging daan ito ng pagtitipon sa EDSA na nakagulo sa public order.

“This led to gatherings at EDSA that disrupted public order. Because of this, my fellow lawyers and I agreed to proceed with the case,” sabi ni Santiago.

Binigyang-diin ni Santiago na ipinag-utos ng DOJ na tanging mga kaso na may prima facie evidence at tiyak na may conviction lamang,  ang kanilang ipa-file.

Sa kabila ng sapat na ebidensya ng NBI, aminado si Santiago na hindi pa nila alam kung sino ang kausap na assassin ni Duterte.

‘As expected’

Samantala, inaasahan umano ni VP Sara na kakasuhan siya ng NBI. Matipid na “As expected” ang itinugon niya sa isang forum nang tanungin siya kung ano ang reaksyon niya sa kasong isinampa sa kanya.

- Advertisement -

Hindi humarap si Duterte sa NBI nang bigyan siya ng subpoena noong Disyembre, sa halip ay piniling magpadala ng affidavit sa pamamagitan ng kanyang mga abogado.

Sinabi ni Santiago na bahala na ang bise presidente na sagutin ang mga kaso sa mga prosecutor na magdedesisyon kung magsasampa ng mga kaso sa korte.

Dagdag na paliwanag ni Escudero

“Mukhang mauuna naman sila. Hindi kukunin ng Senado iyon. An impeachment court lika any court is a passive body. Wala kaming gagawin. Hindi ito parang imbestigasyon ng Senado na magi-issue kami ng subpoena para mga ebidensya o testigo na magpunta,” sabi ni Escudero.

“Kung saka-sakaling hilingin iyan sa Korte o sa NBI, at trabaho rin nilang ipresenta iyan, nasa kabilang panig ang tutulan iyan at sa parte ng Senado, nasa trabaho naman naming ay magdesisyon o magpasya kaugnay sa mga kahilingan tulad niyan. But it can be done—it is possible,” dagdag ni Escudero.

Balik-tanaw  sa mga pahayag ni VP Sara sa presscon noong Nobyembre

“Wag kang mag-alala maam sa security ko, kasi may kinausap na akong tao na sinabi ko sa kanya na kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Lisa Araneta at si Martin Romualdez, no joke no joke, nagbilin na ako maam, pag namatay ako sabi ko wag ka tumigil ha, hangga’t di mo napapatay sila and he said yes,” pahayag ng Pangalawang Pangulo.

Dagdag pa niya bilang tugon sa isang nagtanong sa presscon:  “Maraming salamat sa ginagawa ninyo, dahil sa ginagawa ninyo I’m sure nakikita yan ng taumbayan and naa-appreciate nila yan marami sa ating mga kababayan ang gustong sumali sa inyo pero sa sobrang hirap ng buhay ngayon hindi nila maiwanan ang mga trabaho nila at hanapbuhay nila para pumunta sa daan. Bakit sila naghihirap? Dahil sa gobyerno. Di ba dapat ang gobyerno natin ang nagpapagaan sa buhay ng tao. Pero bakit ang gobyerno ang nagpapahirap lalo sa tao? Kasi gusto ba nilla lagi na lang mahirap ang mga tao para madaling mapasunod? May mga lugar kami sa Mindanao na ganyan ang mga politiko, gusto nila mahirap lahat. Gibahugan lang nila sa kwarta governor na sila, mayor na sila, congressman na sila. Hanapin ‘nyo mam ang nga lugar na sobrang hirap sa Mindanao. Tingnan nyo ano ang gawain ng mga politiko..pinapakain lang ng pera ang tao. Binabastos ang kanilang pagkatao dahil wala silang pakialam. Yan din yung mga tao na gusto sumama sa inyo na nakikiisa sa inyo pero di nila maiwanan yung hanapbuhay dahil sa pamilya, madami yan…” May dagdag na ulat si Lea Manto-Beltran

- Advertisement -
Previous article
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -