NANATILI ang 5.2% real GDP growth noong ikaapat na quarter pagkatapos rumatsada sa pinakamataas nitong antas noong ikalawang quarter. Ano ang dahilan ng pagbaba ng GDP growth rate? Makakabawi kaya ang bansa sa 2025?
Noong ikaapat na quarter, ang paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ay nanatili sa 5.2%, at nag-average siya ng 5.6% sa buong taon ng 2024, mas mataas nang kaunti kaysa sa 5.5% noong 2023. Ngunit mas mababa ito kaysa sa inaasahan na 6-6.5% ng mga economic authorities.
Anu-ano ang mga dahilan ng pagbaba nito?
Una, ang agrikultura ay patuloy ang negatibong paglago. Nagtala ito ng -1.8% na paglago noong ikaapat na quarter. Nasira ang tone-toneladang ani ng mga magsasaka at mangingisda dahil sa walang puknat na pananalasa ng mga bagyo noong pinakahuling quarter ng taon. Kaparehas ng bagyo, patuloy ding nanalasa sa paghahayupan ang African swine fever. Lumagapak noong buong taon ng 2024 sa napakababang antas ang paglago ng sugar cane (-9.3%), cassava (-7.1%), livestock (-6.3%), palay (-4.8%), rubber (-4.7%), livestock (-4.0%), banana (-3.6%), abaca (-3.3%), coconut (-2.8%), corn (-2.8%), mango (-2.0%), other agricultural crops (-1.6%), fishing and aquaculture (-1.2%), pineapple (-1.2%). Tanging nakaligtas sa delubyo ang forestry and logging (19.8%), tobacco (14.6%), coffee (8.3%), poultry and eggs (6.5%), support activities (1.3%), cacao (1.2%) and other animal production (1.1%).
Ikalawa, ang industriya ay nadapa sa 4.4% mula sa masiglang 7.9% noong ikalawang quarter at 5.0% noong ikatlong quarter. Ang matamlay na export demand ay yumanig sa electronics sector, ang pinakamalaking manufactured export ng bansa. Ang mga bansang bumibili ng mga cellphone, kotse at iba pang gumagamit ng electronics products ay hindi pa nakabangon mula sa recession na dulot mataas na interest rates na kinailangang ipatupad ng mga bansa para malutas ang inflation. Ang patuloy na matumal na domestic at international demand ang naghila pababa sa wood manufactures (-11.2%), manufacture of non-metallic products (-7.2%), manufacture of basic metals (-6.2%), manufacture of textiles (-3.3%), manufacture of tobacco products (-3.0%), manufacture of rubber and plastic products (1.8%), manufacture of wearing apparel (1.9%), manufacture of transport equipment (2.2%), manufacture of computer, optical, and electronic products (2.3%), at manufacture of pharmaceutical products (2.3%). Ngunit nanatiling malusog ang printing and manufacture of recorded media (11.2%), manufacture of machinery and equipment except electrical (10.9%), manufacture of furniture (9.9%), manufacture of electrical equipment (9.7%), manufacture of refined petroleum products (8.3%), manufacture of chemicals (6.0%),manufacture of beverages (5.7%), manufacture of paper and paper products (5.6%), manufacture of food products (4.1%), manufacture of wearing apparel (6.5%), at manufacture of transport equipment (5.2%).
Ikatlo, ang services sector na dating bumabandera sa ekonomiya pagkatapos ng pandemya ay bahagyang nakabawi sa 6.7% noong ikaapat na quarter ngunit mas mababa pa rin kaysa sa paglago na 7.1% noong nakaraang taon. Nanatiling masigla ang water transportation (21.0%), air transportation (16.2%), accommodation (12.8%), human health services (10.9%), other service activities (10.5%), banking institutions (10.1%), at food and beverage service activities (9.2%), private education (8.5%), arts, entertainment and recreation (8.4%), social work (7.7%), land transport (7.6%), insurance and pension funding (7.5%), sale and repair of motor vehicles (7.2%), non-banks (6.8%), retail trade (5.9%), at warehousing (5.4%). Ngunit matumal pa rin ang public education (1.7%); information and publishing (2.7%), wholesale trade (3.8%), at communication (4.6%).
By expenditure share, bumaba ulit ang household expenditures sa 4.7% noong ikaapat quarter dahil umakyat nang bahagya ang inflation rate at sumama ang lagay ng panahon sa buong buwan ng Nobyembre. Dahil mataas pa ang interest rates, ang Gross Capital Formation (GCF) ay lumagapak sa 4.1% noong ikaapat na quarter. Ganoon din ang Durable Equipment o ang pamimili ng makinarya para sa mga pagawaan na sumadsad sa 0.1%. Bumaba namang bahagya ang construction o ang pagtatayo ng mga gusali’t kabahayan sa 7.8% mula sa 8.8% noong ikatlong quarter.
Nakabawi nang bahagya ang exports of goods and services sa 3.2% na paglago sa ikaapat na quarter. Sumadsad ang exports of goods sa -4.6% dahil sa pagbagsak ng halos lahat ng merchandise export items. Lumagapak noong buong taon ng 2024 ang copra (-39.9%), woodcraft and furniture (-30.2%), copper cathodes (-29.9%), pineapple (-28.4%), metal components (-12.0%), at electronics (-4.4%), ngunit nakabawi nang bahagya ang agricultural products (6.5%). Samantala, may mga export items na patuloy na rumatsada kahit na mababa ang export demand. Ito ay ang fishery products (18.2%), chemicals (17.3%), other exports (12.3%), machinery and transport equipment (12.0%), at processed food and beverages (3.1%).
Bumawi nang malakihan ang exports of services noong ikaapat na quarter. Sa buong 2024, nanatiling malusog ang miscellaneous services (18.7%), business services (10.8%), telecommunications, computer at information technology services (10.0%), at business services (9.9%). Ngunit lumagapak nang husto ang travel (3.6%), transport (3.0%), at insurance and pension services (-0.5%).
Sa 2025, malaki ang tsansang makabawi ang ekonomiya bansa. Maaaring maabot uli ang 6.0-6.5% growth na pino-project sa Medium-Term Development Plan. Una, igniit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na patuloy ang plano ng pagbaba ng interest rates. Ikalawa, mas maganda ang outlook ng weather sa 2025. Walang inaasahang tagtuyot na gaya noong nakaraang taon kundi maulang La Niña ang inaasahan sa unang quarter. Kung mild lang ang La Niña , makabubuti ito sa ani ng agrikultura. Bihirang lumagpas ng isang taon ang El Niño; nauulit ito sa 2 hanggang 7 taon. Ikatlo, umaasa ang mga analysts na bahagyang mas mataas ang world GDP growth sa 2025—3.3% mula 3.2% noong 2024, ayon sa International Monetary Fund (IMF). Dahil ditoý inaasahang mag-improve nang bahagya ang export of goods performance ng bansa na nasadlak sa negatibong teritoryo ng dalawang taon.
Table 1. ECONOMIC GROWTH, BY SECTOR | ||||||||||
2 0 | 2 3 | 2 0 | 2 4 | |||||||
Real Growth in % | Q1 | Q2 | Q3 | Q4 | 2023 | Q1 | Q2 | Q3 | Q4 | 2024 |
GROSS NATIONAL INCOME | 9.9 | 8.6 | 12.1 | 11.1 | 10.5 | 9.8 | 8.1 | 6.8 | 6.2 | 7.6 |
Net primary income from the rest of the world | 81.9 | 91.0 | 112.6 | 98.3 | 97.0 | 57.6 | 25.7 | 19.2 | 14.1 | 26.1 |
GROSS DOMESTIC PRODUCT | 6.4 | 4.3 | 6.0 | 5.5 | 5.5 | 5.8 | 6.4 | 5.2 | 5.2 | 5.6 |
AGRICULTURE | 2.2 | 0.2 | 0.9 | 1.3 | 1.2 | 0.5 | -2.3 | -2.7 | -1.8 | -1.6 |
INDUSTRY | 4.1 | 2.0 | 5.6 | 3.1 | 6.5 | 5.1 | 7.9 | 5.1 | 4.4 | 6.8 |
Mining & Quarrying | -2.8 | 5.0 | 10.3 | 0.4 | 2.0 | 6.6 | 1.2 | -3.4 | 5.1 | 1.3 |
Manufacturing | 2.2 | 1.0 | 1.9 | 0.5 | 1.3 | 4.4 | 3.9 | 3.0 | 3.1 | 3.6 |
Electricity | 6.9 | 4.6 | 6.3 | 5.5 | 5.8 | 6.9 | 9.1 | 7.1 | 6.1 | 7.3 |
Construction | 11.0 | 3.5 | 14.5 | 8.4 | 8.8 | 7.0 | 16.1 | 9.0 | 7.8 | 10.3 |
SERVICES | 8.3 | 6.0 | 6.8 | 7.4 | 7.1 | 6.9 | 6.8 | 6.3 | 6.7 | 6.7 |
ECONOMIC GROWTH, BY EXPENDITURE SHARE | ||||||||||
HOUSEHOLD CONSUMPTION | 6.4 | 5.5 | 5.1 | 5.3 | 5.6 | 4.6 | 4.7 | 5.2 | 4.7 | 4.8 |
GOVERNMENT CONSUMPTION | 6.2 | – 7.1 | 6.7 | – 1.0 | 0.6 | 1.7 | 11.9 | 5.0 | 5.0 | 7.2 |
GROSS CAPITAL FORMATION | 12.8 | 0.7 | – 0.3 | 11.6 | 5.9 | 0.5 | 11.6 | 13.7 | 4.1 | 7.5 |
GROSS FIXED CAPITAL FORMATION | 10.9 | 4.3 | 8.2 | 10.2 | 8.2 | 2.1 | 9.7 | 7.6 | 4.8 | 6.2 |
Construction | 14.7 | 2.5 | 12.8 | 10.1 | 9.1 | 6.9 | 16.2 | 8.8 | 7.8 | 10.4 |
Durable Equipment | 7.9 | 11.1 | 1.8 | 14.6 | 8.9 | -5.5 | -4.5 | 7.9 | 0.1 | -0.8 |
EXPORTS OF GOODS & SERVICES | 1.1 | 4.7 | 2.5 | -2.5 | 1.4 | 8.4 | 4.2 | -1.4 | 3.2 | 3.4 |
Exports of goods | -14.9 | -0.8 | -2.3 | -11.4 | -7.3 | 7.6 | 0.5 | -3.7 | -4.6 | -0.7 |
Exports of services | 20.6 | 10.8 | 11.2 | 12.4 | 13.8 | 9.1 | 8.1 | 2.3 | 13.5 | 8.3 |
SOURCE: Philippine Statistics Authority |