27.6 C
Manila
Biyernes, Pebrero 7, 2025

Pahayag ni Sen Imee Marcos tungkol sa usapin ng impeachment

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senator Imee Marcos hinggil sa usapin ng impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Larawan mula sa Facebook page ng Senate of the Philippines

“Ayoko ng impeachment. Ayoko ng destabilisasyon. Ayoko ng revolutionary government. Ayoko ng resignation. Ayaw ko ng gulo.

“Sa halip na mag-aksaya ng oras sa mga isyung hindi nakatutulong sa bayan, dapat nating tutukan ang mga tunay na problema ng mamamayang Pilipino: ang matataas na presyo ng bilihin at bigas, ang kawalan ng trabaho at mababang sahod, ang kakulangan ng suporta sa magsasaka, mga PWD, seniors, at iba pang sektor ng lipunan.

“Impeachment ba at destabilisasyon ang solusyon? Hindi ito ang sagot sa mga hamon na ating kinakaharap. Nakakahiya!

“Sa halip, dapat nating harapin nang sama-sama ang mga tunay na suliranin ng bayan. Bigyan natin ng prayoridad ang pagtugon sa paghihirap ng mga mahihirap, upang mapawi ang kanilang pagtitiis at makamit ang tunay na pagbabago.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -