28.6 C
Manila
Lunes, Pebrero 3, 2025

Cayetano isinulong ang mga batas para palakasin ang tertiary education

- Advertisement -
- Advertisement -

Buod:

– Iminungkahi ni Senator Alan Peter Cayetano ang pagpasa sa walong panukalang batas hinggil sa tertiary education

– Kabilang sa panukala ang pagtatatag sa kauna-unahang state university sa Sulu

– Itinulak din niya ang pagtatalaga sa PhilSCA bilang National Aviation Academy of the Philippines upang palakasin ang aviation sector

– Sumuporta sina Senador Gatchalian at Tolentino.

Isinulong ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Martes ang walong panukalang batas na magpapalakas sa tertiary education sa bansa.

Kabilang dito ang pagtatatag sa kauna-unahang state university sa Sulu.

Sa kanyang sponsorship speech nitong January 28, 2025, sinabi ni Cayetano na mahalagang maiangat ang kapasidad ng mga kolehiyo at unibersidad sa bansa upang mapaigting ang kakayahan nitong hubugin ang mga Pilipino bilang mga produktibong mamamayan.

“[These] bills will pursue this intent of not only providing learning, but really bringing wisdom and understanding to our people,” wika ni Cayetano, na siyang chairperson ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocation Education.

Kabilang sa kanyang mga isinusulong ay ang House Bill No. (HBN) 9334 sa ilalim ng Committee Report No. 467 na naglalayong gawing kauna-unahang state university sa Sulu ang kasalukuyang Sulu State College.

Ilan pa sa mga panukalang batas ay ang mga sumusunod:

HBN 9315 (Committee Report No. 491): Gagawing Zamboanga del Sur State University ang JH Cerilles State College sa Zamboanga del Sur. HBN 9332 (Committee Report No. 492): Gagawing Zamboanga del Sur Polytechnic State College ang Zamboanga del Sur School of Arts and Trades. HBN 10181 (Committee Report No. 510): Magtatatag sa College of Medicine ng Sultan Kudarat State University. HBN 10619 & HBN 10408 (Committee Reports No. 509 & 511): Gagawing regular campus ang dalawang extension campus ng Cebu Normal University sa Balamban and sa Medellin. HBN 10822 (Committee Report No. 512): Gagawing regular campus ang dalawang extension campus ng Guimaras State University sa Jordan at sa San Lorenzo.

Bukod sa mga ito, inirekomenda rin ni Cayetano sa plenaryo ang pagpasa sa Senate Bill No. 2969 na magtatalaga sa Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA) bilang pambansang aviation school ng bansa na tatawing National Aviation Academy of the Philippines (NAAP).

Giit ni Cayetano, mahalaga para sa isang bansang arkipelago na magkaroon ng national aviation school na mangunguna sa paghubog ng mahuhusay na manggagawa at lider sa industriya ng aviation.

“Recently, the official government statistics say that we are no longer 7,107 islands – we are already 7,641 islands. [This] highlights that shipping, railways, and aviation is so important to us,” wika niya.

Bagay na bagay aniya sa papel na ito ang PhilSCA, na sa mahabang panahon ay pinatunayan ang kanilang potensyal na maghatid ng dekalidad na edukasyon.

“We have an aviation academy that is a state college but has been doing so well for our country. It’s time we elevate it to a national aviation academy,” wika ng senador.

Ang PhilSCA ang nag-iisang pampublikong aviation school sa Pilipinas. Napanatili nito ang mataas na passing rate sa PRC Aeronautical Engineering Board Examination, na umabot sa 87.97 percent nitong 2024. Ilan rin sa mga graduates nito ang nanguna sa licensure exam.

Nagpahayag ng suporta sa nasabing panukala si Senador Sherwin Gatchalian, na chairperson ng Senate Committee on Basic Education, at sinabing nais niyang maging co-sponsor nito.

Sinuportahan naman ni Majority Floor Leader Senator Francis Tolentino ang panukalang pagtatatag sa Zamboanga del Sur Polytechnic State College at nagpayahag din ng pagnanais na maging co-sponsor nito.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -