Ayon kay Aldrin Federico Bahit, Jr. ng Philippine Statistics Authority Cordillera, naitala sa antas na 2.4 percent inflation noong November 2024, at kumpara naman noong December 2023 na 2.8 percent.
Aniya, ang nagdala sa mas mabilis na antas ng inflation nitong Disyembre ay ang mabilis na pagtaas na presyo ng Food and Non-Alcoholic beverages sa antas na 5.0 percent inflation, at ito ay may ambag na 79.3 percent sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa Cordillera.
“Ang nag-ambag ng malaki sa pagtaas ng inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay ang vegetables, tubers at iba pa, na may 10.7 percent at particular na dito ang kamatis at repolyo.”
Ang pangalawang dahilan ay ang mataas na presyo ng Transport sa antas na 0.3 percent inflation, at kung ikumpara noong nakaraang buwan ito ay may negative deflation. May 16.3 percent share ang transport sector sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa rehiyon, dagdag ni Bahit.
Ang malaking nag-ambag sa pagtaas ng inflation ay iyong mas mabagal na pagbaba ng mga presyo ang diesel na may -.9 inflation at ang gasoline ay may -4.0 percent inflation kumpara noong nakaraang buwan na mas mabilis ang pagbagal ng presyo ng mga pruduktong ito.
Ang pangatlong dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong December 2024 ay ang pagtaas ng antas ng presyo ng Restaurants and Accommodation services na naitala sa 2.8 percent inflation at ito ay dahil sa pagdagsa ng mga bisita sa Cordillera partikular sa Baguio City.
Ang Restaurants and Accommodation services ay nag-ambag ng 2.0 percent sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa rehiyon.
Ang probinsiya ng Mountain Province ang may pinakamataas na inflation nitong Dec. Nagtala ito ng 5.2 percent kumpara sa 4.3 percent noong Nob. 2024.
Sa Apayao naman ang may pinakamabagal na pagtaas ng mga presyo na may 0.6 percent inflation noong Dec 2024 na mas mabagal pa kumpara sa inflation nito noong Nob. na 1.4 percent.
Samantala, ayon sa PSA, ang halaga ng 100 peso noong 2018 ay katumbas na ngayon ng 79 pesos sa buong rehiyon. Ang Lungsod ng Baguio ay nanatili pa rin na may pinakamataas na halaga ng piso na 81.
Ang Mountain Province naman ang may pinakamababang halaga ng piso na may katumbas na ang 100 pesos noong 2018 ay katumbas ng 75 pesos ngayon. (MAWC /PIA-CAR)