29 C
Manila
Martes, Enero 21, 2025

Maagang pagbubuntis, itinuturing na ‘national and social emergency’

- Advertisement -
- Advertisement -

NARITO ang kabuuan ng transcript ng panayam kay Senator Risa Hontiveros na sinamahan nina Usec. Angelo Tapales, executive director ng Council for the Welfare of Children  at Dr. Jeepy Perez, kinatawan ng Forum for Family Planning and Development, tungkol sa isyu ng Prevention of Adolescent Pregnancy Bill. Nilinaw sa panayam na ito ang mga impormasyon at isyu na dapat malaman tungkol sa maagang pagbubuntis ng mga kabataaan.

Senator Risa Hontiveros (SRH): Magandang umaga po sa ating lahat.

National and social emergency, 2019 pa lamang ay tinukoy na ng NEDA o National Economic and Development Authority na isang “national and social emergency” ang maagang pagbubuntis.

Yan ang dahilan kung bakit tinatrabaho natin sa Kongreso ang Prevention of Adolescent Pregnancy Bill — upang  matulungan, masuportahan, at maprotektahan ang mga kabataan. This bill isn’t just necessary: it is urgent. We cannot ignore this issue anymore.

Bilang may akda ng bill, nakakagulat at nakakagalit ang mga kasinungalingan na kumakalat sa social media laban sa panukalang batas ito. We all want what’s best for our children, but outright lies, misinformation, disinformation, and promoting fear can lead to more harmful decisions about our teen’s lives. Nililito lang nila tayo.

Ngayong umaga ay kaklaruhin at iwawasto natin ang napakaraming mali-maling impormasyon tungkol sa panukalang batas na ito. Kasama ko rin sina Usec. Angelo Tapales ng Council for the Welfare of Children at si Dr. Jeepy Perez, dating Executive Director ng PopCom, upang ipahayag ang kanilang suporta sa ating talakayan.

Alin nga ba yung mga mali-mali?

Una, walang anumang probisyon tungkol sa pagtuturo o paghikayat ng masturbation sa mga batang edad 0 to 4 years old o yung magtuturo daw diumano ng “bodily pleasure” sa mga batang 6-9 years old o na ituturo din daw sa bata na may “sexual rights” sila. Absolutely none of those concepts exist in our bill. Those lines in their supposed rebuttal are complete and total fabrication.

Ikalawa, hinding-hindi ginagamit dito sa Pilipinas yang pinipilit nilang “Standards for Sexuality Education in Europe”. Hindi din po ito ang reference sa Comprehensive Sexual Education, kundi ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Law na matagal nang naipasa, kaya makakasiguro tayo na sang-ayon ito sa ating Konstitusyon. Wala ring sinasabi sa Bill na kailangan sundin ang mga patakaran sa ibang bansa. Kaya maling-mali talaga yang mga post nila na unconstitutional daw ang Prevention of Adolescent Pregnancy Bill.

Ikatlo, isa pang fake news: na kung ang bata ay sexually active, “hindi na daw pwedeng sabihan ang mga magulang.” Kung saan nila nahugot yan, hindi ko alam. Dahil walang batas o anumang polisiya sa Pilipinas ang magtatangkang magbawal sa mga magulang na gumabay sa ating mga anak.

In short, I can confidently say: these outrageous claims from Project Dalisay were pulled out of thin air.

May national emergency na nga, ang inatupag pa nila ay pananakot sa mga Pilipino. Enough is enough. Let us demand real education for our kids.

Bilang ina ng apat na anak, na tatlo sa kanila ay babae, at bilang isang panghabambuhay na mananampalataya, hindi ko po hahayaang mabalot sa kasinungalingan ang mga bata. Manindigan tayo sa tama. Hinihikayat ko rin ang ating mga allies at stakeholders na iparinig ang kanilang boses para maampat ang pagkalat nitong mga fake news na ito.

Ngayong umaga, kasama rin natin ang iba’t ibang child rights advocates at civil society organizations na pwedeng sumagot sa mga tanong nyo. Pwede nyo rin silang makausap mamaya, pagkatapos ng ating press con. Maraming salamat po.

Usec. Angelo Tapales: Isang makabatang umaga po sa inyong lahat. Ako po si Undersecretary Angelo Tapales, ang executive director ng Council for the Welfare of Children. Buo po ang suporta ng Council for the Welfare of Children na focal or apex interagency body ng ating pamahalaan na tumutugon sa mga pangangailangan ng bata sa Senate Bill No. 1979.

Mga kababayan, alam niyo po ang violence against children sa ating bansa ay napakataas. Kasama na po dyan yung rape at acts of lasciviousness ng mga bata. Batay po sa datos ng PNP Women and Children Protection Center noong 2023 po, nakapagtala ho sila ng 18,756 child rights violations at 17,000 plus ho dyan ay binubuo ng violence against children, rape at acts of lasciviousness ng mga bata.

Alam naman po natin na ang online sexual abuse or exploitation of children na bumibiktima sa ating mga kabataan ngayon is talagang pataas po ng pataas at yan po ay tinutugunan ng ating pamahalaan.

Ang hindi mawala-wala at pagtaas pa rin ng child and adolescent pregnancy sa ating bansa ay talagang nakakabahala. Katulad nga po ng sinabi ni Sen. Risa kanina, according to NEDA, it is a national and social emergency. And for the Council for the Welfare of Children, since the first hearing of the Senate for this bill, we have emphasized that not only it’s a national and social emergency, but a national and social emergency with a child protection complexion.

Bakit po? Batay po sa datos ng Philippine Statistics Authority, on the average po, mga 72% po ng mga ama o nakabuntis sa ating mga adolescent mothers ay mas matatandang lalaki at hindi mga bata. So, lagi pong may complexion yan ng pangaabuso, panglilinlang, pagti-take advantage po sa ating mga bata.

Batay naman po sa datos din galing sa PSA, for 2022, ang total adolescent mothers po natin ay 150,138 at ang under 15 po dito ay 3,135. Ang mga batang po ito ay wala pong dapat iniisip na pagbubuntis. Ang iniisip po nila ay dapat ay ang pag-aaral, ang paglalaro, ang pakikipagkaibigan at of course ang mga bagay na ginagawa ng normal na bata.

Nakakabahala po yung datos na yan nung 2022 pero mas malulungkot pa po kayo kasi pagdating po ng 2023, bumaba man ang datos ng total adolescent mothers to 142,276, tumaas naman ang mga nabuntis na below 15 from 3,135 to 3,343.

Mga kasama, yan po ay nakakabahala. Kaya po, buo ang suporta ng Council for the Welfare of Children sa Senate Bill No. 1979 because we think that this is a measure of child protection. Marami pong safety measures kung makakakuha po kayo ng kopya ng ating substitute bill. It is a meaningful legislation with safeguards and safety measures.

Of course, we welcome the rich exchange of ideas, which is a hallmark of our democratic way of life. Pero step back po muna tayo. Let us focus on the bill. Let us focus on the facts. Tungkol po sa comprehensive sexuality education, section 6 of the substitute bill states that the Department of Education and the Adolescent Pregnancy Prevention Council with other relevant agencies shall develop and promote a comprehensive sexuality education. So yan po ay ifo-formulate po ng DepEd kasama po ng konseho na bubuoin pag ang substitute bill po ay naging batas.

Wala pa po tayong pinag-aawayan po talaga. At of course, guided by the safeguards and safety measures laid down by the principal author, starting with Sen. Risa, hinding hindi po makakapayag ang ating mga lawmakers na magkakaroon po ng mga items or mga ituturo sa comprehensive sexuality education na hindi po consistent sa child protection at sa pagsulong ng mga karapatan ng bata.

Nakarinig na rin po ako ng statement mula sa butihing secretary po natin, Secretary Sani Angara ng Department of Education, siya papayag na may mailagay sa kahit anong curriculum ng comprehensive sexuality education na makakapinsala po sa bata. So huwag po tayong matakot. Huwag po tayong mabahala sa mga balita. Hindi po tumitigil ang pamahalaan.

Siyempre po kapartner po namin ang Child Rights Network, ang mga NGOs at civil society organizations, ang ating mga legislative champions sa Senado, sa pangunguna ni Senator Risa Hontiveros, at of course, sa House of Representatives para po bantayan ang mga bata. Paulit-ulit po namin sinasabi sa Council for the Welfare of Children, huwag po kayong mag-alala. Basta bata, tayong lahat po talaga ang bahala. So magtulungan po tayo mga kasama. Thank you po.

Dr. Jeepy Perez: Maraming salamat, Senator Risa and Usec. Tapales. Magandang umaga sa lahat. Magandang umaga sa lahat. Ako ngayon ay nagre-represent ng Forum for Family Planning and Development pero yung binanggit ni Sen. Risa na pagtawag na National and Social Emergency ng Teen Pregnancy ay nangyari noong 2018-2019.

Nakita kasi natin na tumaas ang teen pregnancy mula noong unang mga taon ng dekada 2010, umabot sa 11 out of 100 women giving birth ay below 20 years old. At napansin din namin noon na ang bilang ng mga very young adolescent na binanggit ni Usec. Tapalaes ay patuloy na tumataas, habang ang bilang nung 15-19 na nabubuntis ay pabago-bago, yung 10-14 yrs old patuloy na bumubulusong.

Sa totoo nga po, as of 2023, tumaas na ng 50% ang bilang ng mga very young adolescent na nabubuntis sa Pilipinas mula noong 2018 from 2,250 to 3,300 plus. So 50% ang increase nito. And I agree with Usec. Tapales na ang issue rito ay abuso madalas sa 10 to 14 years old. And yung role ng older men and even males na ka-edad ng mga bata is important na mabigyan ng pansin at mabawasan ang incidence ng very young adolescent pregnancy.

Kaya nakikita rin namin noon pa at nakalagay ito sa Executive Order No. 12 ni President Duterte noon na dapat gumawa na ng paraan ang DepEd para palakasin ang comprehensive sexuality education. And mahalaga ito para yung mga kabataan natin ay matuto, lalo na sa mababang edad na kung ano yung good touch, bad touch na hindi dapat gawin sa kanila.

Malaking bagay ito at para mabawasan ang pag-aabuso. Mahalaga rin ang ginagawa ng DSWD, ng POPCOM, at ng DOH noon na nagtutulungan para proteksyunan, bigyan ng social protection ng adolescent mothers.

Ang bilang ng mga nanay below 18 sa Pilipinas ay 350,000 taon-taon at any given time. Ganon karami ang adolescent mothers na kailangan ng tulong. Kaya nakikita namin ang bill ni Sen. Risa that addresses both prevention of pregnancy and provides social protection ay karapat dapat para sa sitwasyon ng ating mga adolescent mothers and yung nangyayaring increasing fertility lalo na sa 10 to 14 years old. So ma-address ng CSE at iba pang panukala sa bill ang mga bagay na ito. Maraming salamat.

Q: Senator, tinawag na Child Protection Bill, itong Prevention of Adolescence Pregnancy Bill. Pero bakit po may nagpapakalat na mga maling impormasyon at identified po ba kung anong grupo or sino’y nasa likod ng pagpapakalat na maling information tungkol sa bill na ito?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Well, tinawag nila yung kanilang kampanya na Project Dalisay and sa iba’t ibang mga content nila, sa iba’t ibang platforms, may mga spokespersons na pinapakilalang mga leader ng iba’t ibang mga organisasyon.

Wala po akong reklamo kung may mga iba’t ibang stakeholder organizations na puposisyon para o kontra sa isang panukalang batas namin dito. Pero kailangan on the basis of facts, lalo na po pag ganitong klaseng panukalang batas ang pinag-uusapan, na gustong isulong ang child protection para sa isang especially vulnerable na sektor sa ating lipunan at subsector sa loob nun -to the point na itinawag nga po itong teenage pregnancy na national and social emergency for the past half decade.

At merong particular na cohort dyan, 10, can you imagine, 10 to 14 years old, na patuloy na hindi bumababa, tumataas ang incidence ng teenage pregnancy. Kaya malaking disservice po talaga na hindi idebate ang merits or demerits man ng isang bill on the basis of the facts of the bill, yung totoong provision niya, pero on the basis of misrepresentation or fabrication or outright lies.

At ito po ay pangunahing disservice, hindi sa aming mga mambabatas, hindi pangunahing disservice lamang sa mga advocates at stakeholders na matagal na po itong inilalaban, higit sa lahat, disservice ito sa mga bata na gusto natin maprotektahan laban sa teenage pregnancy o kung maging teenage parents na sila, mabigyan ng social protection.

Q: So, plan niyo na bang ipatawag sa Senate hearing, yung mga grupo na yun na nagpapakalat ng maling information. Ano po ba yung status ng bill ngayon?

SRH: Ito po ay na-sponsor ko na sa floor at iniintay lamang maschedule since last year pa po para sa plenary interpellation at saka amendments. Kung saan, lalo na sa period of amendments, ay i-coconsider po ng sponsor na ito, pati ng mga advocates, proposed amendments mula po sa mga colleagues ko dito sa Senado at pati sa mga grupo na maaring mayroong pang puna o pagkukulang na nakikita sa bill.

And again, dapat always on the basis of the facts, of the truth para maging makatotohanan po tayo, maging fair po tayo at maging tapat po tayo sa legislative process. They were also represented sa mga committee hearings at patuloy silang marerepresenta sa period of interpellation at period of amendments.

Yung period of amendments ay mananatili ding isang mayamang yugto sa legislative process ng anumang nakikitang kulang pa or maaring mali pa, ay magamot dahil yan po ang proseso natin dito sa Senado.

Q: During nung committee level, lahat po ng stakeholder, including yung  napapalabas na maling information, na ipatawag po sila, nakuha yung side nila?

SRH: Yes, there were various organizations na ipinatawag po representing hindi lang iba’t ibang sektor, iba’t ibang faith communities din, including some of those nakasama dito sa Project Dalisay.

Q: Pero ba’t ngayon lang sila nag-iingay, Sen?

SRH: No, nagsalita na po sila nung panahon ng hearing. And as I mentioned, hanggat maging batas ito, may karapatan sila na magsalita. Pero ang hinihingi po ay basic principle of truth and fairness, diba?

Kung ating pupunahin o ituturo na may pagkukulang sa isang panukalang batas, kailangan ito po ay batay sa katotohanan at hindi po batay sa kasinungalingan o mga imbensyon.

Detalye po, halimbawa sa hearings ay inimbita po at nagsalita yung Alliance for the Family Foundation Philippines at mga member organizations ng alyansa nila.

Q: And in particular po, yung grupo po nila, CJ Sereno. Were they invited or nagsalita po ba sila during the committee hearings?

SRH: Si CJ Sereno mismo hindi nagsalita noong hearing. Hindi invited si CJ Sereno sa hearings.

Q: May binabanggit po si Secretary Angara that any misgivings regarding a particular bill dito are best addressed to the legislators. Meron na po bang schedule ng interp sa floor? And then may mga nagsignify na ba kung sino mag-interpellate?

SRH: Yes, since last year. Nasa agenda for the week at agenda for the day, ilang beses itong Prevention of Adolescent Pregnancy Bill. At may mga, nung una, kalahating dosena na mga colleagues ko na nagpalista upang mag-interpellate at sila po at various times actually nagpalista for that day pero hindi po pa natatawag yung bill.

Kausap ko po silang lahat at inooffer ko nga po na para may chance pong maipasa itong bill na ito sa session ito ng ating kongreso, pwede po bang mag-schedule na po kayong mag-interpellate or kung hindi pa kayong mag-interpellate baka gusto nyo po sa period of amendments na lamang dagdag na makapagtanong bukod sa maghahain ng inyong mga amendments.

At karamihan po sa kanila ay nagsabi, nagsignify na willing. Pero lumipas yung nakaraang taon na hindi pa talaga na schedule for interpellate kahit kung isa lamang o ilan na lamang ang mag-interpellate. And hindi ganun dapat ang legislative process. So hanggang ngayon, kahit napaka-iksina lamang yung ating natitirang session, bago adjournment na naman, dahil magbibigay daan sa kampanya at eleksyon, eh fina-follow up ko pa rin po iyon.

Q: May we know kung ilan po yung pumirma sa committee members ng committee report dito?

SRH: Sige po, ire-retrieve po ng aking legis. Pero there was a sufficient number, a majority of the members na pumirma, kaya nga po na-sponsor ito, at ngayon, napipinto ang interpellation at saka periods of interpellation and amendments.

17 signatories po. So halos three-fourths ng Senado ay pumirma sa committee report. So dapat walang balakid para magpatuloy ito sa periods of interpellation and amendments.

Q: Yung timing po ng paglabas ng viral video sa Project Dalisay, meron po bang movement na dito sa floor? Binabanggit nyo nga na wala, hanggang ngayon parang wala pa rin na. Malinaw kung kailan yung interpellation?

SRH: Well, yun na nga po. Since last year, napipinto yung pag-interpolate at pag-amend nito. Hindi ko alam kung tiniming ng Project Dalisay yung kanilang kampanya laban sa bill kaugnay nito.

But at any point sa legislative process ay bukas naman ang Senado makinig at mag-take cognizance of sa mga inputs ng iba’t ibang stakeholders. Ang importante lamang at ito yung paulit ulit kong sasabihin, dapat makatotohahanan at hindi po kasinungalingan ang basehan ng pag-atake sa isang panukalang batas. Lalo na nga po, ang layunin po nitong Prevention of Adolescent Pregnancy Bill ay dagdagan ang child protection sa dumarami pa rin bilang ng mga nagiging batang ina o teenage na mga ina o magulang.

Q: How were you able to talk to the leadership regarding this particular measure?

SRH: Some of them were among the 17 who signed the committee report. At sinimulan ko silang kausapin ulit kahapon na starting this week, ay talagang sisimulan na po namin ang pagwasto at pagsita sa mga kasinungalingan, pagwasto sa mga kasinungalingang iyan at patuloy na pagpapaliwanag kung ano po talaga ang layunin ng panukalang batas na ito.

Ano po talaga ang mga lantad, hindi tago at very forthright na mga probisyon ng panukalang batas na ito para sa ating mga potential teenage mothers at yung mga kasalukuyan nang teenage parents na nangangailangan ng social protection. At hinihingi ko po yung suporta ng Senate leadership sa patuloy na paglilinaw at pagpapaliwanag na ito.

Q: Last na lang. So ma’am, hindi po kayo invited sa kabilang kwarto?

SRH: Bakit? Ano bang meron sa kabilang kwarto? Discussions are always open dito sa Senado. Ang importante para magpakita ng good faith sa diskusyon ay pagka makatotohanan at magiging fair. Yan po ay prinsipyo ng legislative work and actually, yan din po ay prinsipyo ng anumang mga spiritual at religious traditions natin, di po ba?

Q: Open naman kayo kung yung other group may maybibigay na alternative solution para nga dito sa Child Protection Bill?

SRH: Of course. Basta’t malinaw sa kanila ang layunin ng pagpipigil sa teenage pregnancy, yung layunin ng pagbibigay ng social protection sa mga teenage parents para kahit nabuntis na sila, nanganak na sila, makabalik sila at makapagtapos sa pag-aaral, matuluruan at masuportahan sila sa pag-alaga sa mga baby nila at mapigilan ang repeat teenage pregnancy, why not?

Yan ang layunin ng period of interpellation. Yan din ang layunin ng period of amendments. Tulad ng naging layunin ng mga pagdinig sa panukalang batas na ito. At basta’t batay sa makatotohanan at factual na mga probisyon dito sa aming panukala.

Q: May plano na magkaroon ng dialogue or doon na lang sa period of interpellation talaga ito pag-uusapan?

SRH: Pwedeng sa period of interpellation na lamang at sa period of amendments. Hindi nga dialogue yung nangyari, atake. Tapos okay lang kung atake, batay sa facts. Pero hindi, atake, batay sa mga kasinungalingan tungkol sa panukalang batas.

Q: So considering itong mga development na ito, may chance na ba na ma-approve ito bago matapos ang 19th Congress?

SRH: Of course, pinangahawakan ko po iyon kahit napaka-iksina ng panahon, dalawang linggo na lamang, pero itong panukala ay pending sa nakaraang ilang mga taon at pending particularly for interpellation and amendment since last year pa.

At lagi naman natin sinasabi, kung gusto may paraan, kung may political will kami dito sa Senado na higit na protection na ng ating mga potential na teenage parents at actual na teenage parents na bakit hindi? At magagawa namin ng paraan sa susunod na dalawang linggo.

Q: Pero dito sa pag-address sa problema, malaking factor ba ang social media? Ito ba isa sa mga dahilan? At paano ito ina-address dun sa deal na ito?

SRH: Yes. Perhaps Dr. Jeepy and Usec.Tapales would like to reply.

Dr. Jeepy Perez: Yung Young Adult Fertility Survey na ginawa noong 2013 pa, nagpakita na kapag ang kabataan ay maagang pumasok sa internet, let’s say before 15 or so, mas mataas ang incidence ng premarital sex and teen pregnancy.

So, and nakikita yun sa, ang naalala ko, NCR, sa Region 3 at ilang region pa. Pero doon pa lang nakikita na mahalaga ang social media. Ang mga kabataan, nagsasabi mas marami silang kaibigan sa social media kaysa actual physically nakakilala.

So, nung 2013 pa lang nakikita na yung trend na yan. Kaya nakita namin by 2018-2019, umabot na ng 180,000 or almost 450 na kabataan, 180,000 a year, 450 a day teen pregnancies. Tapos ngayon, yung very young adolescent, almost 10 every day, 10 to 14 years old na nga nga anak. Meron pang below ten.

So, ganun ang sitwasyon na gustong i-address ng bill, itong na magkaroon ng paraan para ma-prevent ang teen pregnancy,pero kung nandyan na yung adolescent mother, matulungan siya. And that way, we will gradually decrease the problem. Thank you.

Usec. Angelo Tapales: Naniniwala po ako na ang social media talaga ay may malaking ganap dito sa pagtaas po ng pagbubuntis ng ating mga bata. Alam nyo po, ang population po natin, 36% po dyan ang below 18. So dyan sa 36% po na children na tinatawag natin, sabi po ng UNICEF, 80% po dyan ay nasa internet na, nasa social media, nasa mga websites, nasa mga kung ano-anong mga applications.

Very active ang ating mga bata dyan. At sabi rin sa pag-aaral, lagpas 70% po, yung 80% na pumupunta sa social media man, sa internet, sa cyberspace, ay at risk of violation ng kanilang mga karapatan, galing po sa mga sexual predators, sa mga masasamang tao po, sa mga scams.

So, hindi po naiiba ang adolescent pregnancy po dito. With the development of technology, while the internet and of course cyberspace is useful when it comes to education, research, and source of information, half of the picture is that looming threat to our children. Because of the development of technology, lumiit na ang mundo. Kaya sa totoo lang po, yung mga kwarto, mga bahay po natin na ligtas para sa mga anak po natin dati ay hindi na po ligtas.

Nakalimutan ko pong banggitin itong datos na ito kanina. Nabanggit ko po yung mga teenage pregnancies. Last year po, during the budget hearing, sinabi na po ng Council for the Welfare of Children, na batay po sa datos ng PSA, may dalawa po na na-record na 10 years old po, 10 year old girls na nanganak po. Yang mga batang yan po ay walang dapat ginagawa katulad ng sinabi ko kanina, kung hindi mahalin ang kanilang mga magulang, mag-aral at maglaro. Hindi po ba? Hindi po yan nangyayari dapat sa Pilipinas.

Kaya napakaganda po nitong Senate Bill No. 1979, maliban doon sa comprehensive sexuality education na maraming safeguards. Balikan po natin mga kasama lagi yung Section 6 po nito. The comprehensive sexuality education will be medically accurate,culturally sensitive, rights-based, inclusive, non-discriminatory, age and development appropriate.

Huwag po kayong matakot. Gagamitin din po ang mga batang lalaki, tuturuan, ang mga magulang, ang mga teacher. Gagamitin po ang private sector para po sugpuin at pababain po ito. Ang quad media, print, broadcast, internet, at saka po yung mga advertisements po. Yan po ay nakabanggit lahat dito.

Let us base our arguments on facts. Let us stay with the facts. Read the bill po. Safe na safe po. Napakaganda po niyan para sa ating mga bata po.

Q: So possible na hindi fully na-explained yung bill kaya may maling interpretation, ma’am, dun sa panukalang batas? What do you think?

SRH: I think an honest reading of the bill ay magpapakita kung ano talaga ang laman niya. Pangunahing pagprotekta at pagbigay ng social protection sa ating mga bata at mga teenagers. And I think an honest reading of the bill will show kumpara doon sa mga atake laban sa bill na walang wala yung mga atakeng iyon tungkol kuno sa masturbation, anal and oral sex, sexual rights sa mga bata.

Those are outright fabrications. Pagsisinungaling po yun tungkol sa bill. A simple, honest reading of the bill would show kung ano talaga ang laman niya and would show na walang-wala sa bill na ito yung atake laban dito.

Q: So magsasagawa kayo ng public information, dissemination para malaman kung anong tunay na laman ng bill na ito, ma’am?

SRH: Well, bahagi na po itong press conference ng paglilinaw na, Ops, teka muna, hindi po yung ataking iyon sa bill ang totoong layunin at laman ng bill. The whole legislative process mula po sa hearings ay naging bahagi ng education and information campaign namin tungkol sa bill. At yun din po ang layon ng periods of interpellation and amendments na makuha pa rin ang atensyon, ang partisipasyon at suporta ng ating publiko, kasama na po yung ating mga kapwa magulang, yung mga guro, at lahat pa po ng mga child rights advocates na gusto talagang pigilin na itong national and social emergency ng teenage pregnancy.

Q: Kung hindi ito ma-approve, ma’am, ano yung worst scenario na mangyayari sa kabataan natin?

Dr. Jeepy Perez: Ang nakikita naming trend kung patuloy ang very young adolescent na pagtaas ang fertility at bilang ng panganganak ay hindi mapipigilan ito kung walang social program na nagsisimula sa education, nagsisimula sa health programs, sa social welfare programs. Hindi mapipigilan itong trend na ito kung patuloy ang access ng mga kabataan sa maling sources ng information.

Traditionally kasi, ang source ng information ng kabataan ay magulang. Pero nakikita natin sa mga survey after survey, ang pinakikinggan ng kabataan, source of information ay nagiging kapwa kabataan o kaya internet. Nahuhuli po ang mga magulang, nahuhuli ang mga eskwelahan. Kung patuloy ang trend na yan at ganoon ang mangyayari sa sabihin na natin sa source of information ng kabataan, lalong lalala po ito. Hindi po natin mapipigilan ang pagtaas ng teen pregnancy and very young adolescent pregnancy.

Usec Tapales: Karagdagan lang po sa sinabi ni Usec., napakaganda po. Sa Council for the Welfare of Children, lagi po namin sinasabi na ang mga batas po na ganito is an investment to our future. Investing in children is really investing in the future.

‘Pag po talagang hindi naging batas ang Senate Bill No. 1979, the cost of inaction is incalculable. We will lose the chance to save this generation from abuse, violence, neglect, lahat po ng pang-aabuso sa kanila. Sana naman po, huwag po tayong umabot doon.

Alam ko po, ang mga mambabatas po natin ay mga magulang din. Nasa isip at nasa puso po nila ang mga bata. Kung titignan lang po natin ang katotohanan at ang mga nasusulat po sa batas, ay wala pong dahilan na hindi po ito pumasa. So, again, uulitin ko po, investing in children is investing in the future. The cost of inaction is incalculable po. Thank you.

SRH: Dagdag po dun sa isang sinabi ni Dr. Jeepy, kinikilala po ng Senate Bill 1979, particular sa Section 2H, yung napaka-importanting papel nating mga magulang sa paggabay sa ating mga anak. Kahit dito sa usapin ng comprehensive sexuality education.

Pero kailangan din po nating kilalanin na ayon sa mga datos, very reluctant ang Filipino youth sa pagdiskusyon ng sexual and reproductive health matters, kahit kasama nating mga magulang. Only 12.5% of youth have ever discussed sexual and reproductive health at home.

Kaya importante yung comprehensive sexuality education na age- and development-appropriate sa mga bata. At dito sa bill natin, isasama ang mga magulang, isasama ang mga guro. Yung training at patuloy na edukasyon, paano talakayin itong usapin sa ating mga anak or sa kanilang mga estudyante.

May data din po na nagsi-signify ng suporta mula mismo sa mga magulang at yung pagkilala sa urgency ng pagpasa ng batas na ito. Two out of three Filipino parents agree that comprehensive sexuality education should be taught in the schools. Kaya nga po, nagpo-provide din itong bill namin ng kaparaanan para doon. Na nandoon yung partisipasyon ng mga magulang, andun din yung partisipasyon ng mga guro.

Q: Ma’am, ano tingin niyo yung agenda ng grupo for publishing what you said are outright fabrications? And since meron na pala silang venue or space sa period of interpellations and amendments, pero, and open for discussions, but as you mentioned, apparently, in so many words, it is not being done so in good faith because of the publication of fabrications. Itong mga maling assertions na ito, especially on social media.

Two questions. Ano yung tingin ninyo yung agenda nila dito? And number two, are you considering pursuing action because there is damage to the bill itself? Like, kasi sa social media ito pinalabas. So some people may be believing differently.

SRH: The action that we will continue to pursue ay yung ginagawa namin mula sa simula. Yung buong loob na pakikipagtrabaho sa mga advocates at stakeholders para i-craft itong panukalang batas, i-gabay ito sa mga pagdinig sa komite, at yung pag-follow up pa rin na matuloy na yung matagal ng napipintong periods of interpolation and amendments.

As for their agenda, I’m still prepared to take at face value yung sinasabi nilang ginagawa nila ito ay alang-alang sa mga bata, alang-alang sa ating mga pamilya na sakop din ng concern ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Pero I really have to take exception sa paraan na ginamit. Kahit pa yun ang sinasabi nilang agenda, pero unacceptable po talaga. Sa kahit anong human interaction, pati sa legislation, ang pag-misrepresent ng isang bagay para atakihin yung bagay na iyon.

Kung gusto talaga natin ng best possible outcome, alang-alang sa mga pangunahing stakeholders dito who are our children, who are our teenagers, kailangan maging tapat po tayo at makatotohanan tungkol sa anong pinagdedebatehan natin. Otherwise, sa simula pa lang, malilihis na po tayo sa landas. And as a legislator, as advocates and stakeholders, ayaw po natin yun.

Dahil ayaw higit sa lahat natin ma-distract sa pangunahing layunin natin: Ang ating mga bata, teenagers. Nothing, no agenda, whatever it may be, no wrong means must detract further doon sa proteksyon na naibibigay na natin na kulang na kulang pa sa ating mga bata at teenagers.

Q: May data po ba ang gobyerno yung kung gano’ng karami yung mga nanganak ng 10 to 15 or below 18 na nanganak muli bago sila tumuntong ng edad na 18?

Usec. Tapales: Ang nasa akin lang po ngayon, sorry, yung mga teenage mothers lang, saka yung above 15 and under 15. But perhaps we can get back to you on that. I’m sure ang PSA may datos po. O baka si Usec. po sa POPCOM dati.

Dr. Jeepy Perez: Yung 2023 data on teen pregnancy shows 3,300 plus na below 15. Yung nag-repeat ay around yung second pregnancy, around 20 of them. So, kahit 10 to 14, may pangalawang pagbubuntis sa loob ng edad na iyon.

So, nakapagtataka rin, nakalagay rin doon na married. May data ang PSA, may bilang ng mga below 15 at below 8, na married, ‘di ba? Meron child. So, hindi ko alam kung paano nangyari na narehistro na married sila. Pero may repeat pregnancy sa 10 to 15, 15 to 19, lalong mas marami ang repeat.

Q: Hindi po ba high risk ang pagbubuntis at the age of 10?

Dr. Jeepy Perez: Sa data ng PSA, ang bilang ng namatay na below 15 ay 2 or 3 out of the 3,000, dahil sa pagbubuntis. Tapos, this was I think 2022. Tapos, yung cost, yung isa pang pinagbabantayan namin yung underweight na infant. So, because any pregnancy below 17 is a risk. A pregnancy at risk in a way. Dahil yung physiologically hindi handa yung mother. And of course, madalas kasi may tinatago yung pagbubuntis sa bata. So, maaring hindi fully yung nutrition ng ina. She might be underweight. So, napapasa yun sa bata. So, we have to look at the data ng underweight. I think hindi lumalabas sa PSA data yun. Pero yung mortality, ganoon, mga one in a thousand ang namamatay among the pregnant 10 to 14.

Usec. Angelo Tapales: Karagdagan po, yun sa krimen po, sir, yung below 15 po kasi na nanganak, yan po, statutory rape. So hindi ko mo kahit mag-rason na nagmamahalan po yung mga yan. So we can assume all these pregnancies these births na nangyari na under 15 noong 2023 na 3,343, yan po ay bunsod po ng krimen. So talagang nakakalungkot po yan. Kaya talagang walang dahilan po na hindi po tayo magtulong-tulong para po talaga isulong itong Senate Bill No. 1979.

SRH: Dagdag sa binanggit ni Usec. Tapales at Dr. Perez. Yun na nga po, naipasa na po natin yung batas tungkol sa age of consent at laban sa statutory rape. Naipasa na rin po natin yung batas na nagbabawal sa child marriage.

So, ang sinusulong naman namin din ngayon na Prevention of Adolescent Pregnancy Bill, ay pwede ding ma-appreciate bilang isa pang mahalagang bahagi ng buong policy framework natin ng child protection.

So, huwag dapat pipilayin or magiging gap diyan sa policy framework na yun ang isang harinawa’y magiging batas na prevention of adolescent pregnancy dahil nire-reinforce niya at nare-reinforce siya ng iba pang mga batas na naipasa natin alang-alang sa mga bata.

And let not misrepresentation create that gap o yung pagkapilay na iyon. Lumaban tayo ng makatotohanan. Huwag po tayong lumaban gamit ang misrepresentation o mga kasinungalingan.

Usec. Angelo Tapales: I-correct ko lang po pala, huwag naman natin i-assume pala na lahat kasi 72% lang ng mga nakabuntis ay mas matatanda. Ang exception po kasi dun sa bagong batas po is pag hindi po lumalampas sa 3 years ang agwat.

Pero since 72% po na nakabuntis ay talagang mas matatanda sa mga batang babaeng nabuntis, pwede po natin i-assume po yan na panggagahasa po, maituturing ang mga ganyan pong insidente.

Q: And possible hindi pa accurate yung data dahil may mga nasa remote areas.

Usec. Angelo Tapales: Marami po. Totoo po yan. Ito pong mga datos na binabanggit po namin galing sa PSA man o sa POPCOM o sa Council for the Welfare of Children ay yung naitatala lang po. So we can just imagine the unrecorded incidents po.

Q: Usec., dun sa recorded cases, anong areas po yung pinakamarami?

Usec. Angelo Tapales: Ang sabi po dito sa datos, yung mga far-flung at mas mahihirap pong area kasi nga po, katulad ng binanggit ni Senator Risa kanina, na binanggit na rin po ng NEDA, national, social, and may economic complexion po kasi ito. And of course, sinabi nga po namin, may child protection complexion din. So, pag medyo may kahirapan, alam nyo na po, yan din ang driver po nung pinagbabawal na po, ano, na child marriage, na ipapakasal sila because of poverty, whatever, gano’n. So, ano yan, closely related po.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -