BINATI ng Philippine Sports Commission si National Master (NM) Nika Juris Nicolas, a 13-year-old chesser, na nakapasok sa Prague Open 2025 (sa ilalim ng 2000 rating) 23rd International Chess Festival sa Czech Republic.
Nakakolekta si Nicolas ng anim na panalo, 2 talo at isang draw. Nakasungkit siya ng ginto sa women category; ginto sa 1600-1699 sa rating category; at silver sa overall.
Tunay na mahusay ang kanyang ipinamalas na kagalingan bilang isang #BidangBayaningManlalaro!