26.4 C
Manila
Biyernes, Enero 17, 2025

Anong financial goals mo sa 2025?

- Advertisement -
- Advertisement -

Uncle, puede ka ba naming imbitahan ng aking mga kaibigan na mag-coffee?

Bakit, Juan? Anong maitutulong ko?

Mukhang seryoso na kami, Uncle, sa aming mga finances. Gusto naming matuto kung paano gumawa ng financial goals. Tumatakbo ang panahon at tumatanda na rin kami. Kaya baka mas magandang may malinaw kaming dereksyon tungkol sa aming pera at walang masayang na pagkakataon habang tinatahak namin ang aming financial journey.

Sige, Juan. Katulad din kayo ng marami na nahihirapang bumuo ng financial goals at lalo na sa pagbigay ng commitment sa pagtupad ng mga ito.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng financial goals? At bakit mahalaga ang meron tayong financial goals habang mas bata pa?


Ang financial goal ay ang plano mo tungkol sa iyong pera, anong gusto mong magkaroon at maabot, at anong klaseng buhay ang hinahangad mo sa hinaharap.

Ang pagkakaroon ng financial goal ay magbibigay sa iyo ng focus sa iyong financial future at magiging self-aware ka sa pagbabago ng iyong kaisipan o mindset at pag-uugali o habits, lalo na sa mga klase ng  sakripisyo na handa mong gawin. No psin, no gain, sabi nga nila.

Makikita mo din na ang mga desisyon mo para matupad ang iyong financial goals ay may epekto sa progreso ng iyong pagyaman o pagkakaroon ng financial stability at security.

Ano ang mga halimbawa ng financial goals?  Ang financial goals ay puedeng short to medium term o iyong magagawa mo sa loob ng limang taon o long term o iyong maabot mo sa higit sa limang taon.

- Advertisement -

Short- and medium-term financial goals ay katulad ng mga sumusunod:

  • Emergency fund
  • Bayaran ang mga utang
  • Vacation
  • Bagong appliance o renovation
  • House downpayment
  • Deposit sa isang aparment
  • Pagpapaganda
  • Medical o dental services
  • Pagpapakasal
  • Downpayment sa sasakyan

Sa long-term financial goals naman ay puede ang mga ito:

  • Edukasyon para sa sarili
  • Edukasyon para sa mga anak
  • Magandang Retirement plan
  • Negosyo

Paano ba bumuo ng financial goals na makatotohanan at hindi magiging problema sa yo na mag-give up ng mga bagay na hindi makakatulong sa pagtupad ng mga goals na ito tulad ng- paggastos ng lampas sa iyong kinikita at pangangailangan at ang kawalan ng disiplina tungkol sa pagiipon, pagbubudger at pagiinvest?

Tandaan itong ABaKaDa ng financial goals:

A-ng goal mo ay dapat specific, simple at walang komplikasyon na mahirap intindihin.  Dapat malinaw din ang priorities mo kung anong uunahin sa panahong tinakda mo para dito. Halimbawa, kung gustong bayaran ang utang at maging zero debt, ilagay kung ano ang total na utang, kanino at anong klase (car o housing loan, emergency loan sa opisina, credit card, utang sa kapamilya o kaibigan, etc.) at iha ay sa isang order kung ano ang mauunang bayaran.

B- igyan mo ng deadline ang goals mo. Mahirap kung walang timeline. Parang puro drawing lang. Pag may timeline, alam mo kung ano pa ang dapat mong baguhin o gawin para matupad mo ang deadline.

- Advertisement -

K- umpletuhin at siguraduhing sa iyo ang goals na ito. Ibig sabihin nito ay huwag mong ikumpara ang sarili mo sa iba. Hindi kayo pareho ng gusto, kakayahan, oportunidad at limitasyon. Tutukan ang sarili mong goals at ang sarili mong pamantayan sa kung ano ang konsepto mo ng buhay na magaan, masaya at naaayon sa values at prinsipyong meron ka tungkol sa pananalapi. Isulat mo ang mga goals mo at ilagay mo ito sa lugar na lagi mo syang nakikita para ipaalala sa iyo na kailangan mong maging mas motivated at inspired para makuha mo ang mga ito.

D- apat meron kang partner- asawa, kapatid, kaibigan o komunidad- na magpapaalala sa iyo na kayang-kaya mo ang ginagawa mo at king ikaw ba ay nasa right track pa. Cheer leader, tracker, guide, checker o kung ano pa mang tawag sa kanila, importanteng may katuwang sa biyahe mo papunta sa isang positibo at angat na financial future.

Pero ang pundasyon ng pagbuo ng totoo at may saysay na financial goals ay ang pag-iipon, pagbu-budget at pag-iinvest pa rin. Walang puedeng marating sa ating mga hinahangad sa buhay kung hindi tayo magbabago sa ating paggastos at gawin nating standard o kultura o karakter  ang mag-save, save at save. At ang paghahanap ng mga oportunidad na magbibigay sa atin ng matibay na cashflow sa mas matagal na panahon, trabaho man o negosyo.

.

O, Juan, tara na sa mga kaibigan mo at sama-sama nating itayo ang inyong mga pangarap.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -