PALAISIPAN pa rin ang totoong tindig ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa usapin ng pambansang seguridad ng Pilipinas. Ang nakaambang administrasyon ni US President-elect Donald Trump ay hayag na kontra-giyera, subalit ang lumilitaw na pinakamasahol na panganib na  kinakaharap ng Pilipinas sa ngayon sa usapin ng seguridad ay ang banta ng giyera mula sa China.
Hindi maitago ang pagkontra ng China sa mga karagdagang base militar na kaloob ng pamahalaang Marcos sa Amerika sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), sapagkat ang mga baseng ito (dalawa sa Cagayan, isa sa Isabela, na wala nang 100 kilometro ang layo sa China, at isa sa Palawan na halos mano-mano na ang kunprontasyon sa mga abanteng base militar ng China sa South China Sea) ay maliwanag na ang inuumangan ay China. At ang Typhon Medium Range Missile Launch System na ginamit ng mga pwersang Amerikano sa kanilang pakikipagsanayan sa mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Laoag, Ilocos Norte noong Abril ng nakaraang taon ay nananatiling nakatindig. At ayon sa mga nalathalang paninindigan ni Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro, wala nang plano pa ang pamahalaang Marcos na kalasin ang Typhon. Balintuna, pagbubunyag pa ni Gibo, hihilingin pa ng pamahalaan sa Amerika na dagdagan ang mga nakatayo nang Typhon MRS sa Pilipinas.
May kakayahang magpalipad ng mga warhead na nukleyar hanggang sa layong 250 kilometro, kayang-kayang targetin nito ang China mula Ilocos. Kaya ganun na lamang ang pagtutol dito ng China.
“Ang Pilipinas, sa pakikipagtulungan sa Estados Unidos upang ipakilala ang Typhon ay ipinamimigay ang sariling seguridad at depensa, hinahatak sa rehiyon ang mga panganib ng geopolitical na konprontasyon at pag-uunahan sa armas, na nagdudulot ng malaking banta sa rehiyunal na kapayapaan at seguridad,” pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning.
Tunay na nakatigasan na ng ulo ni Gibo na ipilit ang pagkalat ng Typhon sa Pilipinas, kung kaya maliwanag na giyera ang tunguhin ng kanyang programa sa defensa ng bansa.
Ngayon, sa tinatawag na Chain of Command, ang Defense Secretary ay ilalim sa Presidente, na bilang pangulo ay siyang Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Kung giyera ang tunguhing pinaninindigan ng Kalihim ng Tanggulang Pambansa, giyera samakatuwid ang kabuuang pinaghahandaan ng Pangulo ng Pilipinas.
Dito nagiging kumplikado ang pag-uusap.
Sa isang banda, wala tayong makitang iisang sinulid na nagtatahi kina dating mga presidente Joseph Ejercito Estrada, Gloria Macapagal Arroyo at Rodrigo Roa Duterte kay Bise Presidente Sara Duterte kung kaya sila tinannggal na mga kasapi ng National Security Council (NSC) kundi ang kanilang pagiging makiling sa China. At si Bongbong, oras na nakaupo na, ay lumitaw na batang Kano.
Sa ganung mga kalagayan, mauunawaan na ang pagkakatanggal sa NSC kay Sara at kina Erap, Gloria at Digong ay alinsunod sa lumilitaw na anti-China na paninindigan ni Bongbong.
Hanggang sa puntong ito, walang di-pagkakaunawaan.
Maliban na lamang sa di-inaasahang pangyayari na papunta sa kanyang inagurasyon sa Enero 20, minarapat ni US President -elect Donald Trump na kumbidahin si Chinese President Xi Jinping. E, sinabi na nga natin sa unahan na batang Kano si Bongbong. Papaanong magiging padigma sa China ang adyenda ni Bongbong gayong ang kanyang pinagtututaang Amerika, kung totoo nga, ay mapagkaibigan na sa China?
Alin sa dalawa: Kumokontra na si Bongbong sa Amerika sa pamamagitan ng kontra-China na paninindigan o palabas lamang ang pakikipagkaibigang inilalako ng Amerika sa China?
Masalimuot ang usapin.
Tanging sa panahon ng ama ni Bongbong kinakitaan ang Pilipinas ng independiente na polisiyang panlabas, kumalas sa pundiyo ng Amerika at nagtatag ng diplomatikong ugnayan sa Unyong Sobyet at People’s Republic of China.
Mula sa pagpatalsik kay FM at paghalili sa puwesto ni Cory Aquino, ang daloy ng panguluhan ng Pilipinas ay nagpakita ng walang patlang na pagsang-ayon sa polisiyang panlabas ng Estados Unidos. Ang pagsuspendi ni Presidente Duterte ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa isang panahon ng ksnyang panunungkulan ay nagpakita ng tila pagkalas niya sa pundiyo ng Amerika. Kung umabot sa isang taon ang suspensyon, kanselado na sana ang VFA, subalit hindi. Makaraan lamang ang ilang buwan, binawi ni Duterte ang suspensyon at nanatili ang buhay nito hanggang sa kasalukuyan. Sa kadahilanang ito kung kaya di maalis-alis ang duda kung totoong kontra-Amerika ang Digong. May malalim na pagtingin na si Duterte ay isang Trojan Horse.
Kung totoong Batang Kano si Bongbong at Kontra-Amerika si Duterte, dapat nang manaig ang International Criminal Court (ICC) sa paglilitis kay Duterte sa mga extra judicial killing na ibinibintang sa kanya kaugnay ng kanyang giyera kontra droga.
Dapat na maging matalas ang bayan sa pagsusuri sa usaping ito. Habang sinusulat ang piyesang ito, maugong ang balita na milyun ang minomobilisa ng Iglesia ni Cristo (INC) sa tinawag nitong Peace Rally na gaganapin kinabukasan. Pahayag ng sekta na hindi pabor kay Bise Presidente zmSaea Duterte ang rali kundi bilang pagsuporta sa naipahayag na paninindigan ni Bongbong na tutol siya sa impeachment ni Sara. Sa aktwal, pag sinang-ayunan mo ang pahayag na iyun ni Bongbong, ang isinusulong mo ay ang pagpigil sa impeachment ni Sara.
Huwag tayong maglukuhan dito.
Ang pahayag ni Bongbong ay ginawa sa panahon na ang impeachment ni Sara ay isang ideya pa lamang. Sa katunayan, kagyat na reaksyon sa panukalang impeachment bilang pagtugon sa mga bintang ng korapsyon laban sa Bise Presidente. Sa ibang salita, kung si Bongbong ang masusunod, mas gugustuhin niyang huwag nang gumawa ng impeachment dahil  maraming mas higit na importanteng bagay na dapat asikasuhin.
Ang kaso mo, hindi nga si Bongbong ang nasunod. May nag-file ng impeachment at gumana na ang proseso nito. May sinabi ba si Bongbong na itigil ito? Wala. Ano pa’t magrarali para suportahan ang pahayag ng presidente na pinawalan na ng bisa ng kasaysayan?
Sa kasaysayan ng pagbabago ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamanagitan ng people power, tanging ang Amerika ang may pakana. Ganun ang EDSA 1 na nagpabagsak kay Presidente Ferdinand E. Marcos Sr., na minaniobra ng Amerika upang tapusin na ang pagpataas nang pagpataas ng pangulo sa renta ng mga base militar ng Amerika sa Pilipinas. Gaya ng isinigaw ni Cory: “Tama na! Sobra na! Palitan na!”
Ganun din ang EDSA 2, na nagpabagsak naman kay Presidente Joseph Ejercito Estrada bunga ng kanyang pagtanggi sa kahilingan ni Presidente
Bill Clinton ng Amerika na huwag atakehin ang Kampo Abubakar ng MILF. Dalawang buwan makaraang durugin ni Erap ang Camp Abubakar, naganap ang EDSA 2 na nagpatalsik sa kanya at nagpahalili kay Bise Presidente Gloria Macapagal Arroyo bilang pangulo.
Kapwa ang EDSA 1 at EDSA 2  ay  mga pakana ng Amerika at nagtagumpay sa kanilang  intensyon na pabag