24.7 C
Manila
Martes, Enero 7, 2025

New Year’s Lessons mula sa mga Senior at retired

- Advertisement -
- Advertisement -

NATAPOS na naman ang taon, Uncle. Ang saya ng usapan ninyo sa unang araw ng bagong taon.

Oo nga, Juan, matagal kaming di nagsama-sama ng mga iba mong Uncle at Auntie kaya maganda at matagal ang chikahan.

Sarap nga makinig sa mga kwento ninyo, Uncle. Maraming pagbabalik-tanaw sa nakalipas, mga masayang memories n’yo, mga storyang Marites, at yung mga isip at pakiramdam n’yo  bilang mga senior and retired citizens.

Talaga? Ang dami talagang catching-up na nangyari. Ano ba ang naging striking sa iyo, Juan, sa kwentuhan namin?

Uncle, yung usapan ninyo tungkol sa financial lessons na natutunan n’yo at ngayon na tumanda na kayo, talagang may mga realities na na-eexperience n’yo na ngayon na nagbibigay halaga sa mga lessons na ito.


Maganda ngang pag usapan natin yan. Ano ba ang mga financial lessons ng mga senior at retired na katulad namin na makakatulong sa pag-iisip at pag-uugali ng mga nakakabata tulad nyo?

Una, talagang mahalaga ang mag-save ng mag-save. Pag wala kang savings pag tumanda ka at wala ka ng kita, kawawa ka. Wala kaming puwedeng asahan sa pagtanda.   Anak, kamag-anak o gobyerno, mahirap o wala kang puwedeng asahan. Ang formula na Kita – Ipon = Gastos ay dapat isapuso at gawin.

Pangalawa, hindi mo rin puwedeng asahan lang ang pension ng galing sa SSS o GSIS. Hindi rin ito kasya sa pambayad ng upa, pagkain, utilities, gamot at iba pang gastusin.

Ang pinakamataas na pension na sinabi ng isa sa amin ay P13,000 kada buwan galing sa SSS. May masuwerte sa amin na kumukubra ng 90% ng huling nyang suweldo sa isang ahensiya ng gobyerno at labis sa P100,000 ang pensyon n’ya sa GSIS. Sana all. Kaya lang mas marami talaga ang maliit lang ang pensyon at dahil kulang pa ito sa pang-gastos, dapat may nakatabi kang savings na puwede mong hugutin o may trabaho o iba ka pang source ng income kahit ikaw ay retired na.

- Advertisement -

Pangatlo, may iba sa amin na kahit retired na ay nagkaroon ng oportunidad na magtrabaho pa muli bilang consultant sa isang kumpanya o di kaya’y nakapagtayo ng maliit na negosyo. Maganda ito para hindi lang puro labas ng pera ang nangyayari. May pumapasok kahit papaano at makakadagdag sa pensyon na nakukuha. Kung malakas pa ang isip at katawan, bakit nga ba tatanggihan ang mga ganitong pagkakataon?

Pang-apat, mahal talaga ang magkasakit. Yung isa sa amin ay na-diagnose ng cancer at ang costs ng gamutan ay nakakabaliw. Kahit pa may tulong na nanggaling sa mga anak, kamag-anak o gobyerno. Hindi rin sapat ang nakukuha sa PhilHealth. Mabuti na lang din na may mga local government units o LGU na nagkakaroon ng mga reporma sa local public health care at pinapaganda ang serbisyo nito.

Tulad ko na isang Makatizen, maganda ang aking karanasan sa Makati Life hospital, dating Ospital ng Makati, na isa ng public-private partnership kung saan private sector  ang nagpapatakbo at namamahala ng kanilang medical services. Mabilis at efficient ang out-patient services nila at libre pa ang gamot na pine-prescribe ng mga doktor at iba pang maintenance medicines. Malinis ang facilities at modern ang mga hospital equipments tulad ng MRI, Citiscan at  Xray. Malaking tulong ito sa mga katulad namin at kung ang ibang LGU ay merong ganitong facility, may pag-asa ang public health care dito sa ating bansa.

Pang-lima, malaking tulong din ang privilege card o Senior Citizen card sa pagbibigay ng diskuwento sa pagkain, gamot at transport. Naiibsan ang gastos namin sa mga bagay na ito. May libre pang sine na nagbibigay aliw sa amin at makakatulong sa mental health ng mga seniors. Marami sa amin ang nakakaranas ng kalungkutan at iyong iba pa nga’y depression na hindi makakabuti sa kalusugan at sa pampahaba ng buhay. Sana lumawak pa ang pribilehiyo na nakukuha ng mga seniors lalo na sa pagdating sa health care.

Pang-anim, pinag-usapan din namin kung mas maganda bang maging loyal sa pinag-tratrabahuhan o magpalipat-lipat ng hanapbuhay? Meron sa amin ang nagtagal sa kanilang mga kompanya ng higit ng 30 years at maganda ang kanilang nakuhang lumpsum retirement. Yung iba nama’y nakailang lipat sa trabaho at ang sabi nila’y mas naging mabilis ang kanilang pag-asenso. Pero hindi sila nakapundar ng tenure para sa kanilang retirement fund. Siguro wala naman talagang formula tungkol dito. Ang mahalaga ay mag-save, mag-budget at mag-invest sa mga financial o real estate assets habang bata pa.

Pang-pito, ilan sa amin ay nagdodownsize na at binebenta na ang malaking bahay at lumilipat na sa mas maliit na tirahan tulad ng condo. Mas makakatipid daw sa maraming bagay tulad ng maintenance, utilities at yung hindi na kailangang mag-katulong o kumuha ng helper. Minimalist na ang gustong lifestyle. Simple at walang komplikasyon. At dahil  ang mga anak ay may kanya-kanya ng buhay, naiwan na ang mag-asawa at empty nesters na rin.

- Advertisement -

Yung iba naman sa amin ay nagsisisi kung bakit inubos nila ang retirement sa pagpapatayo ng dream retirement house na minsan lang nila napupuntahan.

Kapag hindi titirhan, huwag na nating ibuhos ang perang dapat ine-enjoy na lang natin sa pagkain, travel, staycation at health and wellness. Iwasan ang mga obligasyon tulad ng pagbabayad ng tax o pagmamaintain ng mga properties na hindi talaga natin maasikaso. Unless, sobra-sobra siguro ang retirement mo, by all means, deserve mo din naman yan. Kaya lang magastos talagang mag-maintain at baka magkaroon ka pa ng problema sa pagpapamana nito sa mga anak mo na may mga ibang plano sa buhay. Mahirap ding magbenta ng property kaya kung sakaling mangailangan ka ng pera,  hindi mo kaagad-agad makukuha ang investment mo at baka nga mapilitang ibenta mo pa ito sa below market value price para lang may nagkainteres ditong bilhin.

Pangwalo, cash is king. Mahirap tumanda na ang mga pera mo ay nakaipit sa mga properties, alahas, o ano mang materyal na bagay na hindi naman natin madadala pag tayo ay nawala na sa mundo. Kaya marami sa amin ay nagli-liquidate na, ibinebenta na ang ibang real estate assets, pinapamana na ang iba sa mga anak na may gusto o may pangangailangan. Mahalaga ang estate planning, lalo na sa mga maraming naipundar na mga assets. Sa aming kalagayan, mukhang less is more, ika nga. Mas magandang may mahuhugot ka na pera para sa emergency o sa mga masasayang ganap sa iyong buhay.

Pang-siyam, kung noong bata ay nag-iinvest sa wealth accumulation o sa financial stability, ngayong senior at retired na ay mas magandang mag-invest sa health and wellness at yung mga magbibigay sa yo ng isang well-lived life, not necessarily yung buhay na mahaba.  Kung mabibiyayaan ng both, long and well-lived life, salamat po ng marami.

Kaya halos lahat sa amin ay may fitness watch kung saan lagi naming tinitingnan kung nakakailang steps kami in a day. Walking is life. Yung iba sa amin ay nagda-dancing, nagzu-zumba, nag-bibisekleta, nagpapa-spa o massage, umiinom ng mga vitamins o di kaya’y nagpapa-facial para mabawasan ang kulubot at magpaganda.

At pang-sampu, kahit ano pa man ang mangyari, family is love. Nag-iinvest kami ng time, capabilities at pagpleplease sa ibang tao nung kami’y nagtratrabaho. Now is the time to enjoy family.

Yung mga memories na na-create natin with our families ay walang katumbas. Kahit pa tayo ay naging CEO, secretary o ano pang mataas na puwesto, ang babalikan pa rin natin ay ang ating pamilya na magmamahal sa atin unconditionally at magbibigay halaga sa lahat ng ating paghihirap at pagpupursige para mabigyan ng magandang buhay ang ating family.

Kaya, Juan, sa bagong taon ito, sana may napulot ka sa aming napagdaanan kasi mabilis lang ang panahon. Magiging senior at retired ka rin before you know it.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -