27.4 C
Manila
Miyerkules, Enero 1, 2025

Iwas sakit, iwas sakuna, tungo sa maligayang selebrasyon

- Advertisement -
- Advertisement -

NGAYONG holiday season, inilunsad ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang kampanya na “Ligtas Christmas” sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Layunin ng kampanya na itaas ang kamalayan ng mga residente ng Metro Manila ukol sa tamang pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan habang ginugunita ang masayang tradisyon ng Pasko at Bagong Taon.

Ang kampanya ay binuo batay sa 8-Point Action Agenda ng DOH at nagbibigay-diin sa tatlong pangunahing sub-campaign:

  1. 𝙏𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙠𝙖𝙞𝙣, 𝙀𝙝𝙚𝙧𝙨𝙞𝙨𝙮𝙤, 𝙖𝙩 𝘿𝙞𝙨𝙞𝙥𝙡𝙞𝙣𝙖 – Naglalayon itong gabayan ang mga pamilya sa balanseng diyeta, regular na ehersisyo, at pag-iwas sa bisyo tulad ng sigarilyo at sobrang alak upang manatiling malusog.
  2. 𝘽𝙞𝙮𝙖𝙃𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝𝙮 – Itinatampok ang kaligtasan sa lansangan sa pamamagitan ng responsableng pagmamaneho at pagsunod sa batas-trapiko.
  3. 𝙄𝙬𝙖𝙨 𝙋𝙖𝙥𝙪𝙩𝙤𝙠 – Inaanyayahan ang publiko na gumamit ng alternatibong pampasaya, tulad ng torotot, upang maiwasan ang panganib ng paputok.

Kasama rin sa kampanya ang pagsusuri sa kahandaan ng mga ospital sa Metro Manila, kabilang ang Ospital ng Maynila at Las Piñas General Hospital. Sa pangunguna ni Regional Director Rio L. Magpantay, siniguro ng DOH-MMCHD na handa ang mga ospital sa pagtugon sa mga insidente tulad ng aksidente sa kalsada at fireworks-related injuries.

“Kinikilala namin ang kahalagahan ng pagtiyak na ang ating mga ospital ay may sapat na kagamitan at ang ating mga healthcare personnel ay handang magbigay ng agaran at de-kalidad na serbisyo sa panahon ng Kapaskuhan,” ayon kay Direktor Magpantay. “Dahil inaasahan ang pagtaas ng bilang ng mga pasyente, mahalaga na gumawa tayo ng maagap na hakbang upang masiguro na makatutugon tayo nang mahusay sa anumang pangangailangang medikal na maaaring lumitaw.”

(We recognize the importance of ensuring that our hospitals are well-equipped and our healthcare personnel are ready to provide immediate and quality care during the holiday season,” said Director Magpantay. “With the expected increase in patient volume, it is crucial that we take proactive steps to guarantee that we can respond efficiently to any medical needs that arise.)

Sa pagtutulungan ng DOH, Local Government Units (LGUs), at iba pang partner agencies tulad ng Metropolitan Development Authority (MMDA) at Department of the Interior and Local Government – (DILG-NCR), isinusulong ng kampanya ang ligtas at malusog na Kapaskuhan at Bagong Taon, alinsunod sa temang “Bagong Pilipinas: Bawat Buhay Mahalaga.” (MMCHD /AVS-PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -