23.9 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

Gabay sa pagbuo at pagpapalakas ng student organizations

PAGBUBUO(D

- Advertisement -
- Advertisement -

KRITIKAL ang papel ng mga student organization sa proseso ng paghubog at pag-unlad ng mga mag-aaral bilang indibidwal at mamamayan. Bukod sa mas nagiging makabuluhan ang buhay-estudyante ay naihahanda ng pagiging aktibong bahagi ng student organizations ang mga mag-aaral sa propesyonal na buhay. Mas nagiging kapaki-pakinabang din ang mga mag-aaral sa kapwa mag-aaral, komunidad at mas malawak na lipunan sa pamamagitan ng mga transpormatibong programa at proyekto na kanilang inilulunsad. Layunin ng gabay na ito na maipaalala ang ilang mga konsiderasyon at panuntunan sa pagbuo at pamamahala ng mga student organization.

 Tiyaking naka-angkla ang bubuoing organisasyon sa napagkaisahang batayang
prinsipyo.
 Sinsinin ang pagbuo ng konstitusyon ng organisasyon at isailalim ito sa demokratikong konsultasyon.
 Pumili nang tagapayo na kaisa ng organisasyon sa batayang prinsipyo.
 Regular na makipag-ugnayan sa tagapayo upang magabayan sa mga plano at gawain.
 Mag-isip ng ankop na logo at motto ng organisasyon.
 Tiyaking may unique value proposition (UVP) ang organisasyon para mayroon itong
natatanging karakter kumpara sa iba.
 Tumukoy ng mga bubuo sa core group upang pangunahan ang proseso ng pagbuo at
pagsisimula ng organisasyon.
 Gawing demokratiko ang proseso ng pagpili ng pamunuan.
 Linawin ang pamantayan ng mabuting pamumuno at pamamahala.
 Bumuo ng mga subcommittee at magtalaga ng mamumuno sa bawat subcommittee.
 Tiyakin ang mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng mga subcommittee.
 Magtalaga ng mga deputy o katuwang sa bawat subcommittee upang mahasa sila para sa mas mataas na pamunuan sa hinaharap.
 Gawing aktibo ang sistema ng recruitment pero sa paraang hindi nakokompromiso ang pamantayan ng organisasyon sa pagtangggap ng kasapi.
 Magbalangkas ng organisadong application process.
 Linawin ang rekisito sa pagiging kasapi.
 Bumuo ng maayos na application form at pangalagaan ang mga makakalap na datos
alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.
 Magsagawa ng panayam sa mga aplikante upang higit silang makilala.
 Alamin ang kalakasan ng mga natanggap na aplikante upang mailinya sila sa angkop na programa, proyekto at komite.
 Magsagawa ng leadership at management training para sa bagong pamunuan at gawing regular ang pagsasanay.
 Gawing makabuluhan at malikhain ang pagkokonseptwalisa ng mga programa at
proyekto.
 Bumuo ng directory para sa miyembro at pamunuan. Isaayos at gawing bukas ang proseso ng komunikasyon para sa mas organisadong koordinasyon.
 Magtalaga ng mga miyembro na mangunguna sa mga isasagawang proyekto bilang
project head.
 Tiyakin na mabigyan ng pagkakataon ang lahat na maging project head kung kakayanin.
 Tiyakin na ang mga proyekto ay hindi taliwas sa batayang prinsipyo ng organisasyon.
 Magsagawa ng regular na strategic planning upang maging sistematiko ang paglalatag ng mga gawain buong taon.
 Pagplanuhan ang mga isasagawang proyekto at tiyakin ang pagiging napapanahon ng mga ito.
 I-ayon ang paglalatag ng programa at proyekto batay sa prinsipyo, rekurso, kasanayan, oras at iba pang konsiderasyon.
 Magsagawa ng ebalwasyon sa kalagitnaan (in vivo) at pagtatapos (ex post) ng bawat
programa at proyekto para matukoy ang kalakasan at kahinaan ng mga ito.
 Magsagawa ng benchmarking sa ibang organisasyon.
 Pangalagaan at ipaglaban ang awtonomiya ng organisasyon sa lahat ng pagkakataon.
 Tiyakin na ang mga programa at proyekto ay mapanghamig at nakakapagpalakas ng
ugnayan ng kasapian.
 Magsagawa ng taunang general assembly at pagplanuhan ito mabuti.
 Bumuo ng mga programa at proyektong magpapalakas sa konsolidasyon ng mga
miyembro.
 Alamin ang bilang ng mga inactive member at tukuyin din ang dahilan sa likod nito
upang angkop na matugunan.
 Regular na magsagawa ng sensing upang mapulsuhan ang mga alalahanin at saloobin ng mga kasapi.
 Agapayan ang mga miyembrong nangangailangan ng tulong lalo na tuwing panahon ng krisis at kalamidad.
 Bigyan ng boses ang lahat at lumikha ng mga plataporma para malayang
makapagpahayag ang bawat isa.
 Panatilihin ang kaayusan at kalinisan ng tambayan at gawin itong kawili-wiling bisitahin.
 Linangin ang mga natutunan sa klase sa pamamagitan ng aplikasyon nito sa
organisasyon.
 Kilalanin ang ambag ng bawat isa sa samahan.
 Tiyakin na safe space ang organisasyon at naipapatupad ang work-life balance para
mapangalagaan ang holistic health ng bawat isa.
 Pag-ibayuhin ang kultura ng diversity, equity at inclusion sa organisasyon.
 Ipatupad ang gender sensitivity sa lahat ng programa at proyekto.
 Magsagawa ng mga educational discussion (ED) ukol sa mga napapanahong isyung
lokal, pambansa at pandaigdigan.
 Pagtibayin ang pagiging makakalikasan at makakomunidad ng organisasyon.
 Isailalim ang organisasyon sa SWOT (strengths, weaknesses, opportunities, and
threats) at PESTEL analysis (political, economic, social, technological, environmental
and legal).
 Magtalaga ng tagatipon at tagapangalaga ng mga mahahalagang dokumento.
 Isulat ang kasaysayan ng organisasyon sa tulong ng mga kasapi, alumni at tagapayo.

 Gawing aktibo ang social media presence ng organisasyon alinsunod sa batayan ng
epektibo at etikal na komunikasyon.
 Tiyaking dumadaan sa proseso ng deliberasyon, ebalwasyon at editing ang lahat ng
dokumento at materyales na ilalabas o isasapubliko.
 Bumuo ng matibay na ugnayan sa alumni.
 Mag-imbita ng alumni para sa career orientation at mentoring. Makatutulong din ito sa
pagbuo ng professional network ng mga mag-aaral sa hinaharap.
 Magsagawa ng mga income-generating project (IGP) para madagdagan ang pondo ng organisasyon.
 Bumuo ng alyansa kasama ang ibang organisasyon na may kaparehong prinsipyo at
adhikain. Tandaan na nasa pagkakaisa ang tunay na lakas.
 Tugunan ang mga aberya at alalahanin sa demokratikong paraan at alinsunod sa
prinsipyo ng organisasyon.
 Ipatupad ang criticism at self-criticism (pagpuna at pagpuna sa sarili) upang maituwid ang at matutuo sa mga pagkakamali.
 Balikan at suriin ang konstitusyon ng organisasyon at magsagawa ng konsultasyon kung ito ba ay nananatiling makabuluhan at tumutugon sa kasalukuyang kondisyon at hamon.
 Gawing rekisito ang pagpapasa ng annual report ng magtatapos na pamunuan.
 Tiyaking maayos ang transisyon sa pagitan ng magtatapos at bagong pamunuan kada taon.
 Tasahin (assess) at repasuhin (review) ang mga nakaraang programa at proyekto para matukoy kung ano ang mga kailangan ipagpatuloy, irebisa o ihinto.
Sa pamamagitan ng mga tagubiling ito ay mas magagampanan ng mga student
organization ang mahalagang papel nito sa pagsusulong ng self-change, organizational
change at social change tungo sa isang mas makatarungan at maunlad na lipunan para sa lahat.
Pinakamataas na pagpupugay sa mga student organization sa kanilang pagpupunyaging magkaroon ng demokratikong institusyon at proseso!
Para sa inyong reaksyon at saloobin, maaari ring umugnay sa pamamagitan nito:
[email protected]

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -