KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang matagumpay na pamumuno ni outgoing Philippine Air Force (PAF) Commanding General Lieutenant General Stephen Parreño, at hinamon naman si incoming PAF chief Lieutenant General Arthur Cordura na ipagpatuloy ang pagsulong sa isang PAF na handang tumugon sa mga pangangailangan ng bansa.
Sa Change of Command and Retirement Ceremony ngayong araw, hinikayat ni PBBM ang Air Force na panatilihin ang kanilang mahusay na paglilingkod sa ilalim ng bagong pamumuno, at kanyang siniguro rin ang layuning gawin pang mas moderno ang Sandatahang Lakas.