29.6 C
Manila
Huwebes, Disyembre 19, 2024

Mga implikasyon ng labis na suplay ng mga condominium

BUHAY AT EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

NAPABALITA sa ilang pahayagan noong nakaraang linggo na ang suplay ng mga yunit ng condominium sa Metro Manila ay umabot na sa 34 na buwan. Ang ibig sabihin ay halos tatlong taon bago maubos ang mga yunit na ito sa takbo ng demand sa mga ito. Ang tinatayang pamantayan sa suplay ay 12 buwan lamang o isang taon para maubos ang suplay. Sa sanaysay na ito ay tatalakayin natin ang mga dahilan ng labis na suplay at mga implikasyon nito.

May dalawang dahilan kung bakit nagkakaroon ng labis na suplay sa mga condominium. Una, ang matamlay na demand sa mga condominium. Ang mahinang demand ay bunga ng mabagal na paglaki ng pambansang kita o Gross Domestic Product (GDP) lalo na sector ng serbisyo na karamihan ng mga kompanya sa sector na ito ay ginagamit ng mga condominium bilang kanilang opisina. Isa pang nagpapatamlay sa demand ay magbagal na pagpasok ng dayuhang capital dahil ginagamit ng mga dayuhang negosyante ang mga condominium unit hindi lamang opisina ngunit mga pabahay sa kanilang mga empleyado at opisyal mula sa ibang bansa. Ang ikatlong dahilan ng mabagal na demand ay ang pananaw na mataas ang presyo ng mga condomium. Kahit mas mura ang condiminium sa Manila kung ihahambing parehong condominium sa Bangkok, Singapore, at Kuala Lumpur, may ilan pa ring pumupuna na namamahalan sila sa presyo ng mga condominium sa Mtero Manila batay sa kalidad nito.

Ang ikalawang salik ng labis na suplay ay ang sobrang produksiyon ng mga condominium sa mga nakalipas na taon. Ang mga developer ng mga gusaling pangcondominium ay nagdesisyon na itaas ang kanilang produksiyon dahil naniniwala silang tataas ang demand dito bunga ng paglago ng ekonomiya at pagpasok ng mga dayuhang negosyante sa sumisiglang ekonomiya. Idagdag pa rito, ang patuloy na depresasyon ng PH piso ay nag-udyok sa kanila na dagdagan ang produksiyon dahil nagiging mura ang halaga ng mga condomium unit kapag ito ay binili sa US dolyar. At dahil mura, inaasahan nilang darami ang bibili. Kung ihahambing ang average the presyo ng condominium unit batay isang metro kwadrado, ang mabibili mong USD 7000 sa Bangkok  ay makakabili ka ng 1.5 metro kwadrado ng condominium unit sa Manila. Isa pang mahalagang dahilan sa pagtaas ng produksiyon ng condomium ay magaan na akses sa pondo upang maisagawa ang konstruksiyon ng mga nito. Kasalasan, ang mga nangungunang developer ng mga gusaling pang-condominium ay may katuwang na malalaking bangko. Halimbawa, ang Ayala Land ay kaugnay ng BPI samantalang ang SM Prime Holdings ay may mahigpit na relasyon sa Banco De Oro, samantalang ang Federal Land at Metrobank ay parehong nagmamay-ari.

Ano naman ang mga implikasyon ng labis na suplay. Una, babagal ang bilis na pagpapatayo ng mga condomimium sa loob ng 2 hanggang 3 taon upang maubos ang labis na suplay. Dahil ang construction, ay kumakatawan sa halos 7 % ng GDP ang pagbagal sa sector ng construction ay magpapabagal sa ambag ng sector industriyal sa pambansang kita. Dahil ang construction ay itinuturing ding isang uri ng pangangapital, babagal di n ang bilis ng pangangapital sa bansa. Dahil ang construction ay maraming kapit sa ibang industriya, tatamlay ang demand sa semento, bakal at kahoy na pangunahing sangkap sa konstruksiyon. Liliit din ang demand sa mga manggagawa na maaaring magdulot ng desempleo.

Ang ikalawang implikasyon ay magbabawas ng presyo ng condominium. Upang mabasawan at mawala ang labis nsa suplay magkakaroon ng kompetisyon sa pagitan ng mga developer sa pamamagitan ng pagbabawas ng kanilang presyo. Sa pagbabawas ng presyo maiiwasan din ang mga masasamang epekto ng labis na suplay sa ating ekonomiya.


Ang ikatlong implikasyon ay panganib na hindi mabayaran ang mga bangkong pinagkakautangan ng mga condominium developer upang ipatayo ang mga nagtataasang gusaling  condominium. Maaalala na ang Asian financial crisis noong dekada 1990 ay nagsimula bunga ng malaking exposure ng mga bangko sa mga pagpapatayo ng condominium sa Bangkok. Dahil sa sobrang suplay maraming yunit ang hindi naibenta. Kahit binabaan na ang presyo ay wala pa ring kumakagat na bilhin ang mga ito. Dahil dito napilitan iremata ng mga bangko ang mga condominium unit. Lumaki ang mga non-performing asset ng mga bangko dahil hindi  maibenta ang dumaraming hawak nilang condominium. Dahil sa mahinang demand ang kita ng mga bangko ay bumagsak at hindi nila mabayaran ang mga dayuhang utang. Maraming bangko ang nalugi at nag-alisan ang dayuhang pondo sa Thailand at ang Thai bath ay nakaranas ng malawakang depresasayon na naging mitsa ng Asian financial crisis na kumalat sa iba pang lugar sa rehiyon.

Marahil malayo pang mangyari ang pagkalugi ng mga bangko sa Pilipinas dahil sa sobrang suplay ng condominium sa Metro Manila. May mahigpit na patakaran ang Bangko Sentral ng Pilipinas na nagtatakda ng porsiyentong maipauutang ng mga bangko sa real estate dahil nga na pangambang magkaroon ng labis na suplay. Ganoon pa man, kailangan pa rin ang pag-iingat ang mga bangko sa pagpopondo sa pagpapatayo ng mga condominium dahil ang panganib ay baka magkatotoo.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -