27.1 C
Manila
Huwebes, Disyembre 19, 2024

Gatchalian: Panukalang batas na nagbibigay parangal sa mga education support personnel aprubado na sa Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

APRUBADO na ng Senado sa huli at ikatlong pagbasa ang isang panukalang batas na isinulong ni Gatchalian: ang National Education Support Personnel Day Act (Senate Bill No. 2872) na layong ideklara ang May 16 kada taon bilang isang special working holiday.

Senator Win Gatchalian Larawan mula sa Senate of the Philippines

Sa ilalim ng naturang panukala, pangungunahan ng Department of Education (DepEd) at Higher Education (CHED) ang paghahanda sa pagpapatupad ng taunang programa ng aktibidad para sa pagdiriwang ng National Education Support Personnel Day. Kabilang sa mga Education Support Personnel ang mga may katungkulang walang direktang kinalaman sa pagtuturo, kabilang ang mga teaching assistant, registrar, librarian, mga duktor, nurse, guidance counselors, psychologists, clerks, at iba pa.

May mahigit 107,000 non-teaching staff sa DepEd. Ayon sa Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC), may mahigit 63,000 support personnel sa mga state universities and colleges.

Ayon kay Gatchalian, tumutugma ang panukalang batas sa pagdiriwang ng World Education Support Personnel Day” na ipinagdiriwang kada taon simula 2018. Kabilang sa mga bansang nagdiriwang ng World Education Support Personnel Day ang Australia, Canada, Malta, South Africa, at Estados Unidos.

“Nais nating ipadama sa ating mga education support personnel na mahalaga ang kanilang papel sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon at sa pagtaguyod sa kapakanan ng ating mga mag-aral. Sa pagdiriwang natin sa National Education Support Personnel Day, mabibigyan natin sila ng pagkilala para sa kanilang dedikasyon,” ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Dagdag ni Gatchalian, napapanahon ang panukalang batas kasunod ng pag-alis ng mga non-teaching tasks mula sa mga guro sa ilalim ng DepEd Order No. 2 series of 2024, kung saan binibigyang diin ang kahalagahan ng support staff sa maayos na pagpapatakbo ng mga paaralan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -