27 C
Manila
Miyerkules, Pebrero 5, 2025

Kanlaon Volcano pumutok, 87K residente inililikas

- Advertisement -
- Advertisement -

KASUNOD ng pagsabog ng Mount Kanlaon nitong Lunes, Disyembre 9 ng hapon, inihayag ng Office of Civil Defense (OCD) na isinasagawa ang agarang operasyon ng paglikas para sa humigit-kumulang 87,000 residente sa mga kalapit na lugar.

Pumutok ang Kanlaon Volcano nitong Lunes, Disyembre Dec. 9, 2024, na naghudyat sa mga opisyal na itaas ang alert level at ipinag-utos ang paglikas ng mga residente na naninirahan sa mga peligrong lugar. Screen grab mula sa video ng DOST

“An explosive eruption occurred at the summit vent of Kanlaon Volcano at 3:03 PM today, 9 December 2024. The eruption produced a voluminous plume that rapidly rose to 3,000 meters above the vent and drifted west-southwest,” ayon sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang pagsabog ay nagdulot ng isang voluminous plume o makapal at napakalaking usok na animo’y magkakasamang balahibo  na mabilis na tumaas hanggang 3,000 metro sa itaas ng vent at naanod sa kanluran-timog-kanluran, dagdag ng Phivolcs.

Ang Pyroclastic density currents o PDCs ay bumaba sa mga dalisdis sa pangkalahatang timog-silangan na edipisyo batay sa mga thermal camera monitor ng ahensya, paliwanag ni Teresito Bacolcol,  hepe ng Phivolcs.

Alinsunod dito, kagyat na isinaaktibo ni Defense Secretary at tagapangulo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)  Gilberto Teodoro Jr. ang NDRRM Operations Center simula ngayon, Disyembre 10.


Pagtaas ng alert level

Samantala, sinabi ng state seismologist na posibleng itaas nila ang alert status ng Kanlaon Volcano sa Negros Islands sa Level 4 bagama’t tumigil na ito sa pagsabog.

“Anytime it may progress into more explosive explosions even without signal due to its monitoring parameters like volcanic earthquakes and ash emission events,” sabi ni Teresito Bacolcol, Phivolcs chief, sa isang press briefing nitong Lunes.

Muling iginiit ng Phivolcs na malaki ang posibilidad na itaas ang alert status nito mula sa kasalukuyang Level 3 (magmatic unrest) sa Level 4 na nangangahulugang magkakaroon ng napipintong mapanganib na pagsabog.

- Advertisement -

Ang Level 5 ay ang pinakamataas na status ng alerto sa bulkan na nangangahulugang mayroong isang mapanganib na pagsabog.

Nuuna rito, itinaas ang alert status mula Level 2 (increasing unrest) sa Level 3 (magmatic unrest). Ito ay nagpapahiwatig na tumindi ang aktibidad ng bulkan na minarkahan ng tumaas na mga lindol at malaking singaw o abo na emisyon.

Maalaala na ang Kanlaon ay patuloy na nagpapakita ng seismic activity noong Hunyo ng kasalukuyang taon ngunit mula noon ay nanatili sa Alert Level 2 hanggang nitong Lunes.

Mga apektadong lugar

Pinapayuhan ang lahat ng local government units na lumikas sa anim na kilometrong radius mula sa tuktok ng bulkan, muling giit ng Phivolcs.

“It is now mandatory for the evacuation of those living within the permanent danger zone (PDZ),” sabi ni Bacolcol.

- Advertisement -

Ang gravity ng sitwasyon ay partikular na grabe sa La Castellana, kung saan tinatayang 46,900 indibidwal ang nasa loob ng 6-kilometrong danger zone.

Tinutukan ng mga awtoridad ang Barangay Sag-ang dahil sa umiiral na direksyon ng hanging pakanluran, na nagdudulot ng karagdagang panganib mula sa ashfall.

Nangangailangan ng suporta sa transportasyon para sa paglikas ng mga komunidad sa Barangay Cabagnaan, gayundin sa Himamaylan, Hinigaran, Isabela, Pontevedra, at Moises Padilla.

Mga paghahandang isinasagawa

Isang staging area ang itinayo sa harap ng La Castellana municipal hall, at ang mga paaralang may suspendidong klase ay gagamitin bilang mga evacuation center.

Bilang paghahanda sa worst-case scenario, ang Panaad Stadium sa Bacolod City ay itinalaga bilang pangunahing evacuation center, na may kapasidad na tumanggap ng hanggang 30,000 evacuees.

Ang mga tangke ng tubig ay ilalagay sa mga evacuation center upang matiyak ang sapat na suplay.

Ang OCD ay nagpapakilos ng mga mapagkukunan, kabilang ang deployment ng 2,100 face mask at 1,000 family hygiene kits sa Bacolod City, kasama ang mga kahilingan para sa isang water filtration truck mula sa OCD Rapid Deployment Team.

Naapektuhan din ang Guimaras ay ng ashfall, at nagtala ang Bago City ng ashfall at sulfur na amoy sa ilang barangay (nayon), na nag-udyok sa patuloy na pagsisikap sa paglikas.

Kabilang sa mga inaasahang pangangailangan sa Bago City ay mga face mask at karagdagang suporta para sa mga evacuees. Wala pang evacuation ang nasimulan sa San Carlos City, habang ang La Carlota City ay nakaranas ng sulfur odors at minor ashfall.

Halaw mula sa ulat ng Philippine News Agency at Arlie Calalo ng The Manila Times

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -