25.4 C
Manila
Martes, Disyembre 3, 2024

Inagurasyon ng Rice Processing System II bunga ng batas na inilaban ni Sen Cynthia Villar

- Advertisement -
- Advertisement -

SA pangunguna ng PHilMech, katuwang ang DA-RFO X, PLGU Misamis Oriental, at First Community Cooperative (FICCO), isinagawa ang Inauguration ng Rice Processing System II (RPS II) at Provincial Turnover ng mga Makinaryang Pang-agrikultura sa FICCO Grains Processing Center, San Isidro, Balingasag, Misamis Oriental.

Ito ay bahagi ng batas na inilaban ni Sen. Cynthia Villar o ang Rice Tariffication Law (RTL) kung saan napapasailalim ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF). Layon nito na mapalakas ang ani at kita ng ating mga magsasaka at mapaigting ang food security ng bansa.

Tumanggap ang 10 farmers’ cooperatives and associations (FCAs) at local government units (LGUs) mula sa iba’t ibang bayan ng Misamis Oriental, kabilang ang Gingoog, Magsaysay, Balingasag, Claveria, at Alubijid, ng 41 yunit ng makinaryang pang-agrikultura tulad ng: four-wheel drive tractors, levee makers, floating tillers, walk-behind transplanters, rice combine harvesters, rice thresher, single pass ricemills, multi-stage ricemills (2-3 TPH), at mechanical dryers.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -