27.2 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Sen JV Ejercito isinusulong ang pagtaas ng budget para sa lahat ng SUCs

- Advertisement -
- Advertisement -

INIHAYAG ni Senate Senior Deputy Majority Leader Joseph Victor “JV” Ejercito ang kanyang buong suporta para sa pagtataas ng budget ng  state universities and colleges (SUCs), partikular ang sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), sa ginanap na Senate deliberations sa mungkahing 2025 budget para sa SUCs.

“Makakaasa kayo na ako mismo ay magbibigay ng suporta sa inyo habang patuloy kayong nagsusumikap na mabigyan ng diploma ang mas maraming kabataang Pilipino,” sabi ni Ejercito, at nagsumite na siya ng panukalang pag-amyenda para madagdagan ang pondo ng PUP.

Inilarawan ni Ejercito ang PUP bilang isang mahalagang institusyon na nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa libu-libong estudyante. Sa pagbanggit ng kamakailang data, binigyang-diin niya ang papel nito sa paglikha ng mga pagkakataon para sa mga nagtapos.

“Thousands of graduates enter the Philippine workforce every year thanks to this institution’s dedication to high-quality education. Last academic year alone, 19,230 graduates benefited from its programs,” sabi ni Ejercito.

The senator also highlighted the state university’s consistent recognition from employers.

Binigyang-diin din ng senador ang pagkilala sa state university ng mga employer.“Simula pa noong 2016, PUP graduates have been the top choice of employers, which is proof of the institution’s excellence.”

Pinuri niya ang performance ng PUP sa licensure exams, na nagtala ng 93.33% passing rate sa Architecture Board Exams, na mas mataas sa national average.

“Ang mga Isko at Iska ng PUP ay patuloy na namamayagpag sa mga propesyon tulad ng Engineering, Education, Psychology, Accountancy, at Law,” dagdag pa niya.

Sa pagkilala sa transformative power ng edukasyon sa pagpapabuti ng buhay ng isang tao, nangako si Ejercito na susuportahan ang misyon ng SUCs na magbigay ng abot-kayang edukasyon para sa mas maraming Pilipino.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -